Dalawang katok muna ang ginagawa bago ko tuluyang binuksan ang pinto. Bumungad sa akin si Vander na buhat ang bata.
Ang bata? Ugh! Bakit parang ang bitter pakinggan? By the way.
Napawi ang ngiti nya ng makita ako. Dahan dahan akong lumapit at hinaplos ko ang namumulang mukha ng bata.
"Alam mo ba? Bata lang ang tawag ko sa kanya." Napangiti ako at nagsalubong ang mata namin ni Vander. "Ang awkward kasing tawagin syang anak mo, hindi ako sanay...."
Hindi sya kumibo at tanging pag-ingit lang ng bata ang tanging tunog sa kwartong iyon.
"Pero dapat na pala akong masanay." Sinabayan ko pa ng tawa.
"Ikaw lang mag-isa?" Pag-iiba nya ng usapan.
"Kasama ko si Zayn. Bigla nalang nawala baka sumunod narin yun maya-maya."
Gusto ko pang magbukas ng usapan pero parang nagkahiyaan pa kami.
"Uhmmm...k-kumusta kana?" Parang umurong ang dila ko sa tanong nya.
Pinakawalan ko muna ang bara sa aking lalamunan.
"Galing ako sa Whitehouse, nagpapirma kasi sa librong na publish ko ang anak ng Presidente." Sinasabi ko habang diretso ang tingin sa bintana. "Ang bongga ko hindi ba? Nagawa kong maglabas masok sa Whitehouse at ngayon..." Nilingon ko sya nilulunod nya pala ako sa mga titig nya. Hindi ko pinansin yun at ngumiti parin. "Ngayon kausap ko pa ang Prinsipe ng Niashin. Ikinagagalak ko po kayong makilala."
Inilahad ko ang kamay para maka handshake sya. Mabilis nya itong tinanggap at pinisil nya ito. Binawi ko ang kamay ko pero mahigpit nya itong hawak. Pilit kong iniignora ang kakaibang kiliti. Hindi ito maaari. Hindi ko ito gusto at lahat ng hindi ko gusto dapat ng supilin ngayon palang.
"Hindi ko inakala na magiging writer ka pala." Sabi nya.
Para akong tinadyakan sa kaliwang dibdib. Masakit yun ah. Sinalubong ko ang nangungusap nyang mata. "Siguro nga Vander, magkasama na tayo mga bata palang pero hindi mo ako pinahalagahan. Hindi mo man lang napansin na member ako ng writer's guild elementary palang. Bakit ganun ako alam ko lahat sa'yo? Kahit numbers ng notebook mo noong elementary at highschool at kung anong super heroes ang naka assign sa bawat subject mo. Siguro nga Ikaw mahalaga sakin, pero ako sayo? I doubt it."
Mapakla akong natawa.
"Hindi ako nag b-bitter biteran ah baka akala mo. Wala lang, narealize ko lang. But no worries, makakalimutin ako baka sa sisunod na araw limot ko na."
"You'll never forget that." Uminit ang pisngi ko. "I'm too special and valuable to forget."
Pinalo ko sya sa balikat. "Ang kapal!"
Nagkatinginan kami at sabay na napatawa. Hindi pa sya nakuntento na overwhelm ata hinila ako at niyapos. Marupok ako at babae lamang kaya niyakap ko na rin sya ng walang halong kyeme.
"WHAT'S THE MEANING OF THIS!!!"
Yun ang naabutang eksena ni Tish kaya sya nagsisigaw.
"Hindi kana nahiyang Malandi ka! Pinasok mo pa talaga ang Ama ng Anak ko dito!" Namumula ang mukha nya habang binubulyawan ako.
BINABASA MO ANG
SHUT UP AND BE MY BOY
Teen FictionSabi nya bakla ako. Alam ko sa sarili ko hindi kaya nakipagtalo ako sa kanya. Sa tagal naming nagtalo, may solusyon syang naisip. Shut up! And be My Boy daw Yun ba talaga ang solusyon? Eh, di patunayan. Mags...