"Anong inaabangan mo dyan?"
Inikot ko ang mata at pabalang na sinagot ang nakangising si Court.
"Ang tamaan ng kidlat ang bahay na yan at tamaan ang lahat ng paasa."
Natawa ito at binunggo ang balikat ko. "Talaga Ate? Bakit di mo narin isamang ipagdasal na mabagok din ang mga umaasa."
"Ano ba!" pinanggilan kong pinagsusuntok ang braso ni Court. Ni hindi man lang ito nasaktan at mas lumakas ang tawa.
Ako narin ang sumuko, kinagat ko pa ang kamaong nasaktan. Palagi nalang ba ako yung nasasaktan?
"Pwera biro 'te, matalino ka naman bakit di mo napapansing niloloko at pinapaasa ka lang ni Vander?" napakurap akong tumingin dito. "Tingin mo ba ipagpapalit ka niya laban sa pamilya nya? May dugong bughaw sila Ate, mas mahalaga ang tungkulin at kapangyarihan sa dugo nila."
"M-mahal nya ako..." nayuyuko kong sabi.
"Umaasa ka bang matutulad ka sa estorya nila Ninong Brix at Kate? Ate happiness is a choice, failure is your choice. Regrets is not a choice. Ate, kung may pagkakataon ka piliin mo yung taong hindi ka sasaktan, yung kahit hindi sundalo lalaban para sayo. Yung kahit hindi mangingisda kayang-kaya kang mabingwit. Kahit hindi magsasaka basta, may ihahain sayo. Ate, yun yung piliin mo."
Kung sa ibang pagkakataon matatawa ako sa pinagsasabi ng Kapatid ko. Pero hindi, naiiyak ako kasi tama sya. Bakit ko pa ba ipinagsiksikan ang sarili ko sa lalaking pamilyado na? Bakit ang lakas ng hulog powers ni Vander?
"Si Vander? Sya yung Hacienderong nakasakay sa high breed na kabayo, matulin magpatakbo kung nakaangkas ka sa kanya makakalimutan mong pagmasdan ang paligid, yayakap, pipikit ang iyong mata at mapapakapit ka ng mahigpit sa kanya. Takot kang bumitaw sa kanya hanggang sa hindi mo na mapapansin ang mga taong handang sumalo sayo pagnalaglag ka. Hindi mo mapapansin ang mga taong handang magmamahal pa sayo."
Hindi ko mapigil ang manubig ang mga mata dahil sa mga katagang pumupukaw sa akin. Bakit ba ang higpit ng kapit ko sa kanya. Nakakatakot bumitaw.
"Ate..." pinaharap nya ako sa kanya at hinawakan sa balikat. "Bumitaw ka na sa kanya, andito kami, kami naman yung yayakap sayo hindi ka sasaktan."
****
"Vander, can we talk."
Pinukol ko pa sya ng masamang tingin kaya nakanganga itong napatingin sa akin. Napatigil din sa pag-uusap ang mga lalaking kasama ni Vander sa table. Lahat sila nakamata sa akin pero hindi ako natinag ng tingin sa kanya.
Nauna akong tumalikod at naglakad palabas sa bahay ng mga Presston. Ilang minuto pa ang hinintay ko para makasunod si Vander.
"A-anika... b-bakit?" nauutal nyang sabi.
"Bakit?" I chuckled. "Nagpapatawa ka ba? Vander naman, wag mo na akong gawing tanga!" marahas kong pinahid ang takas na luha sa mga mata ko. "Anong ibig sabihin ng party na to? Ha!" napayuko si Vander. "Sumagot ka!"
Nakatingin lang sya sakin na may samo't saring emosyon sa kanyang mga mata.
"Vander pleeeaasseee....Anong ibig sabihin nito?" pagmamakaawa ko.
"A-anika kasi...." that look says it all.
Nanghihina akong napaupo. At hindi ko na rin kayang palisin pa ang mga luha masaganang naglalabasan.
"Sorry.... s-sorry... pero kailangan ako ng Anak ko. Gustong bumalik ni Tish ng Niashin at nagbantang hindi na nya muling ipapakita sa akin ang anak namin pag hindi ako sasama. Anika, believe me para lang sa bata yung gagawin ko maniwala ka-"
"Ang duwag. Duwag. Duwag mo! Alam mo Vander pagod na akong intindihin ka. Siguro nga, noong may sperm ng katangahan na naligaw sa egg cell ng Ina ko kinaibigan ko ito kaya ito---" dinipa ko pa ang mga braso ko "magkasama kami".
"Simula pa noon, talong-talo ako pagdating sa'yo. Inis-stalk, Inangkin at Iniyakan kita. Expired na yung mga jejemon, nagretire na yung mga pabebe. Pero ako? Ako Vander I.NI.I.YA.KAN parin kita. Minahal parin kita sa kabila ng lahat. Hindi ko na nga inalintana ang feelings ng iba.Vander naman wag mo na nga akong sabayan sa pag-iyak as if sayang na sayang ka sakin." sinubukan kong tumawa pero naging bikig ito sa lalamunan ko.
"Anika alam ko naman na hindi na matatawaran ang mga kasalanan ko sayo. Pero sana wag mo namang pagtawanan yung feelings ko sayo." humakbang sya palapit sakin and cup my face. "I Love you. Ikaw lang, pero hindi ko alam kong bakit pinarurusahan ako ng pagkakataon. Anika kong pagod kana ako rin...." napayuko ako kaya he got the chance to kiss me on my forehead.
"Sa tuwing ako naman ang gagawa ng effort para sa atin dumadating ang problemang ganito. Ayokong iwan ka, pero gusto ko ring makasama at gabayan ang anak ko sa paglaki nya. Anika ang hirap nito."
"Please Vander....choose me. Please....promise hindi ka magsisisi pag ako yung pinili mo. Choose me....choose me I beg you."
Never In my life I imagine na magmamakaawa ako sa isang lalaki. Sa mga magulang ko, hindi ko kailangang umiyak para ibigay nina Mommy ang mga gusto kong gamit. Ang mga kapatid ko, ipipilit ang mga gamit na kahit hindi ko kailangan. But this one, yung lalaking mula noon sinasaktan lang ako nagawa kong mamalimos ng konti awa para ibigay ang hiling ko.
"I-.... I can't Nika, sorry." pagkasabi nya noon ay nagmamadali syang naglakad palayo sakin.
"H-hindi.... A-anak..." hindi ko na naisatinig dahil ang bigat bigat ng barang nakadagan sa dibdib ko. Kaya nauwi ito sa tahimik ngunit agaw hininga kong pag-iyak. Saan ako nagkulang? Kailangan ba maliban sa dasal gabi-gabi, libo libong kandila ang itirik ko sa simbahan para pakinggan naman ako ng nasa itaas? Paano na ang mga pangako? Ang mga pangarap ko? Ang future ko?
Hindi ko ata mai-magine na sa paghaharap naming muli ang masabi ko ang katagang...
"Kumusta? Ako yung Babaeng nilaglag mo, swerte nya no? Nasalo nya ako."
Nakatulog akong namamaga ang mata pagising ko tuyong luha ang nabungaran tanda na hindi isang masamang biro ang nangyari kagabi.
Wala na ba talaga Vander? Bakit naman ganun? Sabi mo mahal mo ako pero bakit ang dali para sayo na talikuran ako? Dahil ba sa akala mo na ako, hindi kita kayang talikuran? Na kahit ako ang panghuli sa priorities mo, Ikaw ang una palagi sakin?
Kung ganun tama ka. Sobrang katangahan na ata pero may isa pa akong alas. Akin ka Vander, lulubusin ko na to... sasaktan kita para bumalik ka at ako ang piliin mo.
"ATE?! ATE?! ATE ANIKA?!!"
Nagising ang diwa ko sa malakas na katok ng sinuman sa mga kapatid ko.
"Ate! Alam ko naririnig mo ako. Ate, this is your last chance." napatingin ako sa may pinto at hindi kumibo. "Umalis na kanina sila Kuya Vander, Ate alam ko pag nalaman ni Kuya ang totoo ikaw ang pipiliin nya."
Awang-awa ako sa sarili ko pero walang mangyayari pag hindi ko sya nahabol. Kaya kahit gulong gulo na ang itsura ko, pinagbuksan ko ng pinto si Case pagkakita nya sa akin mahigpit ako nitong niyakap.
"Ate, kahit galit ako sa kanya. Wala akong magawa dahil alam ko sa kanya ka sasaya."
And I guess, sa Love kahit masakit. Happiness is a choice. Do whatever makes you happy, bear all the pain. And if you fail, move on. Love again.
But don't surrender without giving a good fight.
*****
May nagbabasa pa ba nito? Sorry been months na hindi nkapag update.
****
MAEJESTY

BINABASA MO ANG
SHUT UP AND BE MY BOY
Novela JuvenilSabi nya bakla ako. Alam ko sa sarili ko hindi kaya nakipagtalo ako sa kanya. Sa tagal naming nagtalo, may solusyon syang naisip. Shut up! And be My Boy daw Yun ba talaga ang solusyon? Eh, di patunayan. Mags...