Bagong umaga na naman, wala namang nagbago para kay Vander. Para sa kanya bagong pagkakataon para muling masilayan ang mukha ng pinaka mamahal.
Nakaupo muna sya sa living room habang hinihintay ang pagbaba ng Prinsesa nya, malungkot nalang syang napangiti tuwing maalala ang kalagayan nito. Bwisit yung lalaking nagwalang hiya sa Asawa nya, pag dumalaw nga ulet yun lalasonin nalang nya bigla. Mabuti pa sigurong maghukay na sya sa likod bahay para mailibing nya na rin doon. Hay sa sobrang inis kong ano na naman ang naiisip nya.
Sa lalim ng iniisip nya hindi nya napansin na kanina pa tinatawag ni Anika ang presensya nya.
"VANDER!" napatayo ito dahil sa gulat. "Ano bang iniisip mo dyan?"
"Huh? Ah ang ganda kasi ng panaginip ko."
Nagsalubong ang kilay ni Anika. "Panaginip? Ano naman ang napanaginipan mo?"
"Ikaw." Nakangiti nyang sabi.
"Ako? Bakit?"
Naaaliw na pinagmasdan nya ang kunot sa noo ng Asawa ang ganda talaga kahit hilamos palang ang ginawa ni walang bahid ng kolorete.
"Ah kwan....minahal mo daw ako." Hindi na nya naitago ang traidor na ngiti. "Ako lang daw ang Mahal mo e."
Nanlaki naman ang butas ng ilong ni Anika dahil sa pigil din ng mga ngiti na nais kumawala sa mga mapulang labi. "Talaga?"
"Oo kaya, tapos ng palabas ako ng gate hinabol mo akong umiiyak noong tinanong kita sabi mo wag mo akong iiwan mahal na mahal kita. E, magtatapon lang naman ako ng basura." Natatawang pagkukwento nya.
"Talaga?" Sinalubong nya ang nanunuyang tingin ng dalaga sa kanya. Nag-iinit naman ang mukha ni Anika ng hindi sumuko ang lalaki sa pagsalubong ng titig sa kanya. Sya narin ang nag-iwas ng tingin at piniling maupo sa sofa.
"Vander bakit hindi mo pa ako isuko?" Tanong nya habang pinaglalaruan ang mga daliri.
"Hindi kasi Ikaw yung tipong sinusukuan." Sinserong sagot nito.
Muling tumutok ang mga mata nya sa lalaki. "Hindi ka pa pagod?"
"Ikaw? Pagod na?" Hindi naman ito nakasagot at napayuko na lamang. "Kung Ikaw naman ang ipaglalaban ko hindi naman ako mapapagod. Bata palang tayo, inis man ako sayo hindi naman nakalimutan ng murang puso ko na sa paglaki ko ikaw ang mapapanalunan ko. Bata palang tayo, dasal ko'y ikaw na at ako'y sayo lang."
"Nakakagalit lang na tayo pa ang sinubok ng pagkakataon. Hindi naman ito tumigil sa pagtibok." Tinuro nya ang puso. "Hindi din ito tumigil sa pagsigaw ng pangalan mo." While pointing his head. "I never got the chance to tell to you how much I want you back, hiningi ko noon sayo to pero hindi kasi ako sigurado. Natatakot kasi ako na dumating yung panahon na hindi na ako, pero ngayon, sa mga oras na to. Hindi na ako natatakot, kasi alam na alam ko ipaglalaban kita at maghihintay akong muli."
She's happy. She was moved in every words. "Can't you find someone else to Love?"
He chuckled. "When other's praying to be love by someone they love, here I am loving you and you asking me to find someone to love. Sarap mong pompyangin." Sabay pa silang natawa.
"But seriously, hindi rin naman kasiguraduhan na nasaktan ako sayo, aayaw na, suko na. Kung makahanap man ako ng bago hindi naman guaranted na hindi ko na pagdadaanan yung ma broken heart at mabigo. Ayokong mabigo ang pangarap ng batang puso ko. Kaya hindi kita kayang sukuan."
"Vander, bakit ang tapang mo? I mean napaka OA na kasi ng lovestory natin na may palaban laban pang nalalaman. So much drama involve."
Para kasing hindi na makatutohanan ang nangyayari parang isang palabas sa 32 inch TV ang daming nakikisawsaw, ang dami mo pang aabangan, yung para bang walang katapusan. At bakit kasi ang arte ko?
Oo nga naman, mahal ka pa diba? Bakit di mo nalang patawarin at mag-anak kayo ng sangkatutak at sakupin ang mundo?! Tapos na ang Avengers kayo puro drama pa din!
"Kasi sabi ni God, bubuo ako ng mundo na extraordinary. Extraordinaring Lovestories at Extraordinaring Characters. They will chase Love through the Greatest and Grandiest way not the other way around . Siguro ito na yung Greatest and Grandiest way na sinasabi ni God, only the Bravest soldier can survive in my Extraordinary world. Ikaw Anika ang bigay nya sakin, noong sinilang ako iinisip nya na gagawa sya ng tulad mo para makapiling ko sa mundo nya. You were sent only for me and I will be back to the arms of our God with you by my side."
A set of tears flowing to his face, make her realize how much this man Love, Care ans Devoted to her. When Vander talking God, no one can question his love for her.
Hindi na nya napigilan ang sobrang emosyon at nayakap nya ito ng sobrang higpit habang umiiyak sa dibdib ni Vander. Parang lahat ng sakit at pagtitiis na naranasan at biglang naglaho lahat. Parang nakalimutan nyang pinagdaanan nila yun. Dahil sa mga oras na to ang hiling nya ay makasama ito ng matagal pa, tulad ng dasal nila noong mga bata pa lamang. Si Anika at Vander hanggang sa huli.
Bakit bigla nalang nawala ang sakit? Bakit napalitan ng sobrang pagmamahal na handang makalimot at magpatawad? Dahil ba nalampasan nila yung Greatest Storm? When everyone can attest how stonger they are to conquer it all? God? Are you giving us our right time?
"Kung ano man ang ibig sabihin ng yakap na ito Anika, Salamat." Habang hinahagod ang likod ng Asawang umiiyak pa din.
Nanatiling nakasandal ang ulo ni Anika sa dibdib ni Vander, ang mga taengang nakalapat sa may parteng puso ng lalaki at doon dinig na dinig nya ng malakas ang pagtibok nito para sa kanya.
"Tama na yan, halika kumain na tayo baka magutom na si Baby." Pagbasag ni Vander sa katahimikan sabay himas sa tiyan ni Anika.
Napalayo naman si Anika kay Vander at pinalo ang balikat nito. "Itigil mo nga yang mga iniisip mo." Napaismid pa sya dito.
Natawa naman ito. "Totoo naman ah, halika na baka si Baby naman ang umiyak nyan tanghali na hindi sya pinapakain ni Mommy maaga pa naman naghanda si Tito Ninong." Referring to himself.
Tumayo naman si Anika at tinulak ang mga kamay ni Vander na nanatiling humihimas sa tiyan nya. "Anong Baby ka jan?! Bwisit ka pinagbibintangan mo pa ako! Noong nagdasal ka ba kasama sa hiling mo na may manloloko kang Asawa?!" Pinanlakihan nya ito ng mga mata at nanatili lang itong nakamaang sa kanya.
"A-a-aka-la k-ko..."
Pinulot nya ang throw pillow at pinalo sa pagmumukha ni Vander na may bakas ng pagkalito.
"Buntisin mo muna ako, bago mo ako pag-isipan may nabubuhay na sanggol sa tiyan ko!" Aniya at iniwan ito na nanlalaki ang mata.
Nang mawala ang Asawa sa paningin nya doon lang sya nagising at nagtatalon. Napasuntok pa sya sa hangin at muling sumigaw ng... "ANIKA LOVE, WALANG BABY?!"
"BAKA MERON NA PAG GINAPANG KITA! TIGILAN MO NGA AKO SA BABY NA YAN!!!" balik sigaw nito mula sa kusina.
Naluha na naman si Vander sabay usal ng pasasalamat sa Panginoon.
☺️☺️☺️
MAEJESTY

BINABASA MO ANG
SHUT UP AND BE MY BOY
Teen FictionSabi nya bakla ako. Alam ko sa sarili ko hindi kaya nakipagtalo ako sa kanya. Sa tagal naming nagtalo, may solusyon syang naisip. Shut up! And be My Boy daw Yun ba talaga ang solusyon? Eh, di patunayan. Mags...