PERFECT DEYT

184 12 9
                                    

Super tagal na nito.

Thank you again! 

-Mae

😝😜😜😜

"Ma pwede na ba to?" Ilang beses ko pang sinipat ang damit sa harap ng salamin. off shoulder above the knee dress. Medyo nag aalangan lang ako dahil ngayon lang ulet ako mag ddress. Nasanay na kasi ako sa ripped jeans and shirt.

"Anak, magsisimba tayo. Dati naman nagkasya kana sa 3fourt white polo and jeans."

"Ma, dati yun. E kasi makakasama natin ang mga Presston."

"Talaga lang?  Baka nag oover dress ka para talbugan si Tish?"

Nanlumo ako sa narinig kay Mama, kaya nilapitan nya ako at pinisil ang baba ko.


"Ano bang napag-usapan nyo?"

Napakagat ako ng labi. "I-ipaglaban ko daw sya."

Mom chuckled. "Kailan ka pa naging sundalo? Ang pagkakaalam ko kasi writer ka. Pero hindi kita masisisi Me, myself is also a fighter. Noong una natakot din akong ipaglaban ang Daddy mo, at noong nagkalakas na ako ng loob ang hirap na nyang bawiin. Anika,  i want to help you,  in every way I can."

Nayakap ko si Mommy bigla. "Ma, Thank you ah." Hinaplos nya ang tiyan ng Ina. "Kahit wala naman talaga baby dyan, sorry dahil sa kabaliwan natin nagalit si Daddy."

"E yang Daddy mo ambisyoso din. Kwarenta'y syete na naghahangad pa ng bunso. Hay, naku hindi pa sya nadala sa sakit ng ulo na dala nyong magkakapatid?"

"Basta Mama Thank you. Kung hindi dahil sayo hindi ko nakausap si Vander, hindi ko nalaman ang mga nangyari sa kanya all those years. Napalapit sya kay Tish pero ang sigurado ako hindi nya minahal ito."





Naaalala nya naman ang nagdaang araw na pagpapanggap ng Mama nya para malaya itong mag-inarte sa lahat na hindi matatanggihan. Kaya nauutusan ng Mommy nya si Vander kasama sya, walang makakapalag dahil agad itong maduduwal at mahihilo.




Nakapag open up sa kanya si Vander at utang nya yun sa Mommy nya.

"Love you Mom."


***+++****

Lord, Thank you at palagi kayong gumagawa ng way para makasama ko sya.

Tahimik kong dasal pagkatapos magsabi ni father ng peace be with you,  I kiss my Dad and Mom, niyakap naman ako ng mga kapatid ko. Someone tap my shoulder, pag lingon ko si Ninang Kate pala, I kiss her cheeks tapos si Ninong at Ven. Matipid kong nginitian at tinanguan si Tish. Blanko lang yung reaksyon nya.


Noong napatingin ako kay Vander nakangiti ito kaya ginantihan ko din, nag excuse sya sa harapan ng mOmmy at Daddy nya at lumapit sakin, he hug me and kiss my forehead.

"Peace be with you." Bulong nya.

Pinigil ko ang mangiti ng malawak. Kaya tumango ako sa kanya. Hinawakan nya ang balikat ko at inikot paharap sa altar bago ko naramdaman ang pag-alis nya sa likod ko.

Pinalobo ko ang magkabilang pisngi ng ilang beses, ayokong pangiti-ngiti habang seryoso ng nagsasalita ang Pari, siguro napansin ni Daddy ang ginagawa ko kaya kinabig nya ako sa leeg at sinubsob sa dibdib nya. Niyakap ko si Daddy at mas binaon pa ang mukha ko sa dibdib nya at pinakawalan ang matamis na ngiti.

I heard him laugh. "I can hear your heartbeat,  Anak."

"Daaaddd...."


Magkatapos ng mesa ay napagkasunduan ng mga magulang namin na magkompisal, kaya naiwan ako, mga kapatid ko, Veniza, Tish at Vander. Sa pagkakasunod sa pagbanggit sa mga pangalang iyon ang nagbibigay distansya sa pagitan namin ni Vander. Umiingit ang si Ford, kaya tumayo si Tish at pinaghele ang anak, tinulungan ito ni Vander sa pagpaypay dahil umiiyak parin ang bata at pawisan.


SHUT UP AND BE MY BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon