IT HAPPENED

194 12 9
                                    

Me sayin' Hello po!  (With blue shades above)  Thank you for voting!  At sa lahat ng nag add sa reading list & libraries nyo!  Nakakaiyak, nakakahiya tuloy mag update na hindi napag-iisipan. Yun po yung dahilan ba't ang tagal ko mka update.

Lol!  Nanisi pa?! Hahaha.

*****

Napahawak sa noo si Mae ng makaramdam ng hilo. Kumurap-kurap sya. Yun ang eksenang naabutan ni Trip na naghihikab at Anika na kumakamot pa sa ulo. Kakagising lang nila.

"Babe? Are you okay?" Nag-aalang tanong ni Trip sa asawa. Nag pout ito at mas pinalamlam ang mata.

"M-masama pakiramdan ko...." Anito na namamaos pa.

Pinaghila nya ng upuan ang Asawa at inalalayang maupo. "Anika ikuha mo nga ng tubig ang Mama mo."


Walang kibo na kumuha ng tubig ang dalaga, inilapag nya ang baso sa harap ng Ina na ngayon ay parang hinang-hina na nakasandig sa balikat ng Ama.

"Ma? Pacheck-up ka kaya today. Gusto nyo po samahan ko kayo." Hinaplos ni Anika ang likod ng Ina.

"Ah Wag!" Bigla itong umayos ng upo. "Kaya ko 'to."

"Anika Gatas mo." Inabot nya ang gatas mula sa Yaya nya.



"Babe, tama si Anika baka ano na yang nararamdaman mo." Trip suggested.

Pinanlakihan ito ni Mae ng mata. Naningkit naman ang mata na sinalubong ito ng tingin ni Trip. Maya-maya pa bigla nag pacute ang Asawa kaya mas naguluhan si Trip. Nababaliw na ba ito?


"Wala lang to...." Sabi ni Mae. Uminom ng gatas si Anika. "Part lang to ng paglilihi ko..."


Tumango lang si Anika at Trip, parang walang narinig. "Well...." Nagbuntong hininga si Mae. "Buntis lang kasi ako."


Uhurm! Hurm! (Ano ba sound ng ubo?  Ang pangit naman pag 'ubo! Ubo!')

Magkasabay na nabilaukan ang mag-ama si Trip sa sariling laway while Anika sa gatas.

"WHAT?!? MA!  BAKIT?! Paano?" histeryang sigaw nya. Pinukol sya ng masamang titig ng Ina.

"Anong paano?  Hoy Chamilla Anika yang tanong mo para mo ring tinanong kung bakit kita isinilang sa mundo."

"Babe seryoso ka ba?" Trip ask.


"Gusto mo bang magbiro ako?" -Mae.

Napahilot ng noo si Anika. "Pero Ma bakit ngayon pa?"

"Aba?! Sinisisi mo ba ako Anika kung bakit buntis ako? Kumukontra ka na ngayon?" Bigla itong napahikbi. "T-tara na Babe magtanan nalang tayo. Hindi ko aakalaing sariling anak ang magtataboy satin." Hinila nito ang tshirt ng nakatulala si Trip.

"Ma! Tigilan nyo nga yan!" Baliw na nga ang Inay ko, naisip pang itanan ang Asawa.



Bigla itong napahawak sa bibig at parang naduduwal. Napatakbo ito sa lababo at nagsusuka. Agad na nataranta ang Mag-ama. Si Trip na hinahaplos ang likod ng Asawa at si Anika na nag si-sink palang sa utak ang kalagayan ng Ina.

"Ma sorry...." Tinulungan ni Anika ang Ina na uminom ng tubig matapos nitong magsuka.



"Itapon nyo lahat ng nakahanda sa mesa, sumasama ang pakiramdam ko."

"Ano?  Bakit Ma, may gusto ka bang kainin?" -Anika.


"Meron." Sagot nito at nagningning ang mga mata.


SHUT UP AND BE MY BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon