"ANG BAON" BAW

342 14 1
                                    

Alas nuebe palang nasa labas na si Chammy ng University gate. Ngayon ang bigayan ng parte nya sa droga. Mag-isa syang naghintay breaktime muna sila ng boyfriend.

Panay ang pahid nya ng pawis.

"Ano ba naman yan ang tagal!" Napapadyak pa sya.

Maya-maya pa ay may tumigil na pink audi sa harap nya. Napa sign of the cross si Chammy at masayang kinatok ang bintana ng kotse.

Umatras sya dahil bumukas ang pinto nito. Bumaba ang babaeng kanyang tinitingala, with her usual get-up na black teeshirt na may mukha ni Hello kittty, faded washout jeans at havaianas white slipper. Napangiti sya dahil doon.

"Baby!" she spread her arms.

"Mom!" Dinamba nya ng yakap ang Ina.

Simplicity is Beauty. Yan ang Mommy nya. When his Dad promise to give all the Love and fancy things to his Mom, mas pinili ng Mommy nya ang maging simple.

Never nya itong nakita na kasama ang mga amiga nito at mag majong, she rather stay at SeeAn Angel foundation and take care of those abandoned children. Kasama ang Daddy, Ninong Brix at Ninang kate.

Mahal na mahal nya ang mga magulang. Yung Mommy nya todo support sa pagiging hokage nya. Her Dad, always tell her its not bad to fight for the one you Love, but when you feel tired fighting for it, its not bad to rest but never ever surrender.

Mas maraming pinagdaanan ang mga magulang nya, kaya lahat ng sinasabi ng mga ito ay isinasapuso nilang magkapatid.

Kumalas ng yakap ang Mommy nya and cup her face. Napanguso si Chammy ng pahirin nito ang pawis nya sa noo gamit ang kamay ng Mommy nya.

"Thank you Mom!"

"So? Kumusta yung gimik nyo ng Ninong Brix mo?"

Tumaas baba ang kilay nya sa Ina. "Success Mom! Huh! Boyfriend ko na si Prinsipe Vander."

Napatawa si Mae at tinampal ang noo ng Anak. "At paano mo nagawa yun aber?"

Maangas na tinampal ni Chammy ang dibdib. "Sinabi ko lang naman na bakla sya, the exact words I said..." umatras sya ng konti at matapang na tumingin kay Mae. "Shut up! And be my boy. Ayun 'My, in just a tiktok of the clock boyfriend ko na si Vander."

"Hay Chammy pagsasabihan ko na nga si Ninong Brix mo, so teleserye Inspired ang drama, sasapukin ko talaga yun dahil avid fan ni Go Junpyo."

"Po? Fan ni Junpyo? Yung sa BOF?" amaze na tanong ng dalaga.

"Oo, bakit di ka ba nagtaka ng biglang nilipat ni Brix si Vander sa isang Public University? Hinanapan ng foster parents at pinalitan ang pangalan ng sobrang bantot?! Baliw talaga!"

Napangiwi si Chammy. Ang ganda nga ng given name ni Priel Vander at ginawang Alzupre. Pweeh ki-bantot.

"At Ikaw?" Turo ng Mommy nya. "Paano ka naging Sumpil? Kaninong anak ka?"

Tawang tawa si Chammy, paano ba naman nakita nya ang apelyidong yun noong dumalaw sya sa puntod ng ninang Ann nya.

Familiar ba kayo sa kasabihang follow your dreams? Kaya kung nasaan si Vander doon din ako.

Gusto nya pa sanang tumawa pa ng sumakit na ang tama ng araw sa balat nya. Tsaka naalala kung bakit nya hinihintay ang Mommy nya.

Nilahad nya ang palad nya dito. "Mommy, baon ko po."

Agad naman itong dumukot sa bag na nasa loob ng kotse. "O eto...mag aral ka ng mabuti." kitang kita ni Chammy ang pagtaas ng gilid ng labi ni Mae.

Kunot noong iwinagayway nya ito sa harap ng Ina. Pumadyak padyak sya at umingos.

"Mommy naman! 500?! Serious kayo? Maaaa!!"

Tinaasan sya ng kilay ni Mae. "Akala ko ba may Boyfriend ka? Umaasa kami ng Daddy mo na sagot nya na ang pamasahe at pagkain mo. At yang binigay ko pang yosi at kendi nyo yan!"

Ngumawa si Chammy at kumapit sa braso ng Mommy nya. "Maaaa...mabigat sa loob na sinagot ako ni Vander para maging girlfriend tapos ngayon magpapalibre pa ako sa kanya?" Maktol nya.

Inirapan sya ni Mae at tinanggal ang pagkakapit nya dito. "O eh di maghanap ka ng willing na maging boyfriend mo at magpalibre."

"Uuggghhhh!" lumabi si Chammy at sumilip sa loob ng kotse bigla syang nabuhayan ng loob ng makita si Daddy Trip nya na nakaupo sa Driver seat.

"Daddy! Why are you there? Aren't you wanna hug your Princess?" Way to go Chammy lambing kay Daddy pa more!

Lumingon ang Daddy nya sa kanya na nanunubig ang mata. Pero agad din nag iwas ng tingin.

"Daaaddd? What's your problem?" Lumingo ito. "Did you and Mom fight?" Umiling ito. Tumayo ng tuwid si Chammy at hinarap ang Ina.

"Nag away kayo ni Dad? " nag aalala nyang tanong.

"Mag aaway palang kung mag papaawa ka sa kanya at magpapadagdag ng allowance."

Napabuntong hininga si Chammy at napapikit. Gets na nya, naiiyak ang Ama nya dahil gusto nitong lumabas ng car at yakapin sya kaya lang dahil may pinaghihigpit ang Mommy nya, hihingi sya ng tulong sa Daddy nya at siguradong hindi sya nito matitiis.

"Kaya ba andyan lang sya?"

Nanlaki ang mata ni Mae at mabilis na umiling. "H-hindi ah! Pinilit ko syang bumaba pero sya ang tumanggi dahil baka pagbigyan kalang nya."

Inuntog ni Chammy ang noo sa bubong ng kotse. Ang baliw ng Magulang nya. Ang sarap kurutin.

"Dad, come here. I wanna hug and Kiss you." Umiling ito pero bakas ang pangungulila sa mata nito. " I just want to hug you Dad, I really really Miss you."

"Babe, come here..." sabat ng Mommy nya.

Pagkasabi ng Mommy nya parang naging si Flash ang Daddy Trip nya at ngayon nga mahigpit syang yakap nito.

"Babe..." tawag nito sa Mommy nya at nakiyakap din.

Wala ng mahihiling pa si Chammy may buo at masayang pamilya sya. Dadating ang araw si Vander ang makakasama nya sa ilalim ng init ng araw at kayakap ang mga anak nila.

"Take care Princess, wag pabayaan ang sarili ah? Yung mga bb+ cream mo marami pa bang stock? Yung iphone mo may load pa ba? Pa unli mo nalang yung 50 pesos na niload ko ah, wag kana muna pag FB anak baka malaman pa yun ng Mommy mo na every other day nilodan kita." Bulong ng Daddy nya kaya niyakap nya ito at hinalikan sa pisngi.

"Thank you Dad! I love you...Love you Mommy!" Kumaway sya sa Ina na nasa loob na ng kotse at naghihintay sa Daddy nya.

Ng umalis na ang magulang tinitigan ni Chammy ang limang daan na binigay ng Mommy Mae nya.

"Paano kita pagkakasyahin? Ay naku naman! Sana malakilaki yung binigay ni Ninong Brix kay Vander. Ang hirap pala maging isang estudyante na tinitipid ng magulang."

"Where have you been Anika?" Isang baritonong boses ang bumuhay sa nanlalanta kung dugo.

"Priel MyLoves!"

Hindi nya ako pinansin. "Saan ka nga galing?" Naiinis na sabi nito at inayos ang nerdy glasses.

Lumapit ako sa kanya at yumakap sa beywang nya itutulak nya sana ako pero mas humigpit ang yakap ko at hinilig ko pa ang ulo sa dibdib nya.

"Priel?"

"Hmmm?"

"Magkano ang binigay na baon ni Ninong Brix sayo?"

"200 bakit?"

"AAAray! ANO BA CHAMMY?!!" ngumiwi ako sa sigaw ni Priel.

Nakagat ko kasi ang nagbibinatang nipples nya.

*****

MAEJESTY

SHUT UP AND BE MY BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon