Turn.
Pag sobrang sakit na tumalikod ka, para hindi mo makita, para hindi mo maramdaman, para hindi ganun kasakit. Totoo pala no? Don't do unto others, what you don't want to do unto you. Wag mo syang saktan kung ayaw mong ikaw ang saktan nya.
And I remember another quote "Do you believe in Destiny? What if the one you Love, Destined to others? Will you fight the one you Love? Or will you set her free?"
Pero sa tuwing nakikita ko sya naaalala ko ang isang kantang...
"If you're not the one then why does my soul feel glad today?
If you're not the one then why does my hand fit yours this way?""pwede mo ba syang ipagluto ng sopas?" nakaupo ako sa sahig sa labas ng kwarto ni Anika, habang nakasilip ang ulo ni Zayn mula sa loob.
"kumusta sya?" tanong ko.
"morning sickness." kita ko ang kislap sa mga mata ni Zayn. Gusto kong palakpakan ang sarili ko kung paano ko pang makangiti ng matamis sa traidor na to. "Pakibilis lang."
Agad akong napatayo at handang bangasan ang mukha nya. "Inuutusan mo ba ako sa sarili kong pamamahay?!"
His lips curved. "Pwede ko syang dalhin sa unit ko." nag cross arms pa ito kaya mas tumiim ang bagang ko. "After all.... I have a right now lalo pang...."
Hinablot ko sya kwelyo at tinulak sa pader. "Bwisit ka!" tatama na ang nag-aapoy kong kamao ng biglang...
"Z-zaynnn???"
Nahahapong binitawan ko ang hawak kay Zayn. Sya parin pala. Simula kaninang sumama ang pakiramdam nya si Zayn. Si Zayn. Si Zayn. Kahit nandito naman si Vander. Kailan bang si Vander naman?
He chuckled. Binunggo nya ang balikat ko at para nalang akong papel na nilipad at napaatras.
Earlier....
Naabutan kong nagsusuka si Anika sa banyo kaya madali ko itong dinaluhan. Ng mahimasmasan ay pinainom ko ito ng tubig, basang basa ang mukha nya ng pawis, pati yung shirt nya. Binuhat ko ito at inayos sa kama nya, nakapikit ito at hinang-hina. Pinahid ko ang mukha at leeg nya.
"Kumusta ang pakiramdam mo? Teka bibihisan kita ah, basang-basa na yung damit mo." sabi ko habang patuloy na pinapahid ang pisngi nya.
"Hhmmm... si Z-zayn..."
Napakagat ako ng labi. No way! Tumayo ako. "I'll get your clothes."
"Zayn..."
Nagbingi-bingihan ako habang pumipili ng susuutin nya. Pagbalik ko sa tabi nya I hold the hem of her shirt at ng iaangat ko na ito ay hinawakan nya ang kamay ko, kaya napatingin ako sa kanya sinalubong nya ang tingin ko.
Lumingo ito. "S-si Zayn."
Hindi ko sya pinansin at nag iwas ng tingin. "Ako na. Masama ang pakiramdam mo diba? Ako ang Asawa mo. Kaya ako ang gagawa ng hindi mo kayang gawin, ako magiging lakas mo pag nanghihina ka, ako ang bubuhat sayo pag hindi mo kayang tumayo. Ako lang Anika hear me? Kahit wala ako, pangalan ko lang ang tatawagin mo. Ako ang nandito."
Muli ko ng itataas ang shirt nya ng pinisil nya ang kamay kong hawak pa nya. Piniga nya ito at ramdam ko ang sakit.
"Si Zayn!" paangil nyang sabi. Nakipagtitigan ako sa kanya. Nagmamakaawa. Pansinin nya naman ako. Hindi pa ako patay para magmulto at katakutan nya. Buhay ako at Mahal ko sya. Pero bakit ganun ang tingin nya sa akin, malamig? Bangkay na ba ako?
Ayokong umiyak sa harap nya kaya dali-dali akong umalis sa silid nya at lakas loob na tinawag si Zayn at papuntahin sa kay Anika. Hindi na ito nagtanong ng sabihan kong puntahan ang Asawa ko.
Napasunod nalang ako. Nakaawang ang pinto kaya sumilip ako, napalitan na ito ni Zayn ng damit na syang ikinalukot ng puso ko. May ngiti sa mga labing pinagmasdan ko sila, kasi naman nakangiti si Anika habang may binubulong sa kanya si Zayn.
"Umalis ka nga! Kainis to." tumatawang sinipa ito ni Anika.
Hinuli naman ni Zayn ang paa nya. "To naman oh, tampo agad si Buntis!" at muling natawa.
Napaatras ako at hinang-hina na napaupo nalang. Karma! Layuan mo ako.
Tahimik na umiyak ako. Minsan ko ng tinalikuran si Anika, pero bumalik ako. Ang mas masakit, Ako naman ang tinalikuran nya kasama ang puso nyang Ako lang ang minahal.
How to turn back times?
How to undo happenings?
How to stop the pain?
How to make her Love me again.
and
How to cook sopas?
Gusto ko ako lang, pero paano ko sya mapagsilbihan at mapapa Ibig muli kong wala akong alam sa pagluluto.
******
GULAT KA NO? :)
*****
MAEJESTY
BINABASA MO ANG
SHUT UP AND BE MY BOY
Roman pour AdolescentsSabi nya bakla ako. Alam ko sa sarili ko hindi kaya nakipagtalo ako sa kanya. Sa tagal naming nagtalo, may solusyon syang naisip. Shut up! And be My Boy daw Yun ba talaga ang solusyon? Eh, di patunayan. Mags...