Media above.... Ganyan yung mukha ko tuwing nababasa ko mga comments nyo. Nanlalaki po yung mata pacensya. Thank you! 👆👆👆
PINAPAHAPPY KO BA KAYO?THANK YOU DIN SA PAGPAPAHAPPY SAKIN AH your votes and comments means a lot. Mwuahh....
Fast forward....
*****
Alas dies na ng gabi at kumukulo na ang tyan ko pero wala parin ang Asawa ko. Oo, si Vander ito at Oo ulet kinasal na kami ni Anika dalawang linggo na ang nakaraan. Wag na nating balikan yun, malulungkot lang ako. Masasaktan ako at matutuwa kayo. Dumating naman sya, yun nga lang halos isa't kalahating oras ang aming hinintay. Paano kasi nalasing sa bachelorette party.
Ayoko ko ng mag-isip pa at magdamdam. Maaring ako si Pabobo boy pero hindi ako magpapababy, nagpasalamat nalang ako na sinipot nya ako. Ah, nakalimutan ko sa buong seremonya nakatulog sya naalimpungatan lang sya noong "I do" part na.
By the way, salbahe kayo pinakwento nyo pa ang nangyaring yun. Sa ngayon nakatira kami sa iisang bahay. Iisa ang kwarto, oo sinadya kong bumili ng bahay na iisa lang ang kwarto. Kung paano nangyari yun? Basta.
Yun nga lang ang malungkot. Sa galit ni Anika, sya ang natutulog sa kama ako sa sahig. Pero hindi ko pinagsisihan yun atleast iisa parin ang hangin na aming hinihinga. Atleast matatawag na iisa ang kwarto namin.
Humikab ako, muli kong pinasadahan ang aking relo trenta minutos na ang nakalipas wala parin si Anika. Pero hindi ako masyadong nagworry, alam nyo kung bakit? Hating gabi, isang araw, tatlong araw o minsan nga isang linggo na hindi ito nauwi. Pero hindi ako napapagod na maghanda ng dinner palagi at ang hintayin sya alam ko naman kasi uuwi sya sakin kahit anong mangyari. Dahil kahit kanino pa sya sumama, akin parin sya. Asawa nya ako at Asawa ko sya.
May isa pa pala akong sorpresa. Kayo talaga usisero syempre surpresa nga alangan naman mauna pa kayo ang makaalam. Oh! Sa aliw ko sa pagkukwento dumating na pala ang aking Reyna.
"Love! Bakit ngayon kalang?" lumapit ako at tinulungan sya sa mga folder na hawak.
Humikab ito hindi ako pinansin at dumiretso ng kusina
panigurado kakain to, napangisi akong sumunod sa kanya."Love, kain ka oh. Sandali iinitin ko lang."
"Ikaw nagluto?" sabi nya habang umiinom ng tubig.
"Oo, tara sabayan mo ako." pinaghila ko sya ng upuan. Muli akong nag usal ng pasasalamat dahil naupo rin ito.
Ako na mismo ang nagsandok ng kanin at adobo. Hindi ito kumibo, kaya dinamihan ko pa ang paglagay ng pagkain sa plato nya.
"Let's pray first." hindi ko na hinintay na sumagot ito dahil mabibigo lang ako. Naging pipi na kasi si Anika nitong nakalipas na linggo.
"Lord thank you for this fruitful day. Thank you for keeping us healthy, salamat din po sa pagkaing nasa harap naming mag-asawa. Kahit puno na ng paso ang aking mga kamay, pamanhidin nyo nalang po para maipagluto ko pa ulet ng maraming beses ang pinakamamahal kong Asawa. Joke lang po. At panghuli God, salamat dahil kahit ang dami ko ng kasalanan binigyan nyo parin ako ng pagkakataong makasama sya. Amen."
***BOGSH!!!
Napadilat ako dahil sa malakas na kalabog, upuan pala ni Anika ang nakatumba dahil sa kanyang pagtayo. Hindi ako nakakibo at nasundan na lamang ng tingin ang papalayo nyang pigura.
Napatingin naman ako sa platong iniwan nya, ang kaninang tuyo na mga pagkain ay nakalutang na...binuhos pala nya sa plato ang tubig na nasa basong kanyang pinag-inuman kanina.

BINABASA MO ANG
SHUT UP AND BE MY BOY
Teen FictionSabi nya bakla ako. Alam ko sa sarili ko hindi kaya nakipagtalo ako sa kanya. Sa tagal naming nagtalo, may solusyon syang naisip. Shut up! And be My Boy daw Yun ba talaga ang solusyon? Eh, di patunayan. Mags...