SUCCESSful DELIVERY

220 10 11
                                    


"Ma?" Umupo ako sa tabi ni Mommy at humalik sa pisngi nya.  "Bakit po agaran ang pag-uwi namin ni Vander, tinatanong ko po sya pero Hindi naman nya ako pinapansin."


Mom smile and caress my face. "Hindi ka ba napagod sa byahe? Magpahinga ka muna." 



"Hindi po ako pagod Ma. Uhmmm... Ma,  punta po muna ako kayla Ninong Brix ha?"


"Chammy just go upstairs... Kakararating mo lang I'm sure nagpapahinga rin naman si Vander."


"Mommy naman,  I said dadalaw ako Kay Ninong Hindi Kay Vander...." Tinaas baba ko ang kilay kay Mommy at pigil na ngumiti. "Maaaa! Hahaha!" Tumayo kasi sya at piningot ako.  



"Hoy, Chamilla Anika I'm warning you ang tanghaling tapat namimikot ka na sa kabilang bahay! Hindi ko naalalang may lahi tayong Instik."


I laugh with what my Mom said. Bakit ba? Dadalaw lang naman talaga ako sa kabila ah,  swerte na siguro kung masalubong ko ang Mahal ko doon. 


"Ma?  May natira ba tayong ulam dyan?" Sumunod ako Kay Mommy papuntang kitchen. Tumigil sya at nilingon ako. 


"Why?  Nagugutom ka?  Ipaghahain kita. Maupo ka dyan." Sinenyas nya ang dining table.


"Uhmmm Maaammmyyy?"


This time alam kung may naamoy na si Mama sakin.  Naka cross arms na sya at tinitigan ako.  



"Ma... Ang totoo hahatiran ko sana ng ulam sila Ninong." Nahihiya kong sabi. 


"Tsk. May ulam dito menudo...." Tumalikod si Mama at i-non ang oven.  Yes!  Vander and I's favorite. Patalon-talon akong lumapit kay Mama at nakisilip sa ginagawa nya.  



"Marami pa yan Ma, ah... Tayo nalang bang dalawa ang Hindi pa nagla-lunch?" 



Nasa school pa kasi ang mga kapatid kong sina Court at Case. Si Daddy naman nasa trabaho. 



Hindi ako sinagot ni Mama, lumabas sya ng kitchen kaya dali-dali akong naghanap ng tupperware at ini-off ang oven "Aray!" Sinip-sip ko ang daliring bahagyang napaso noong hinila ko nalang basta ang lalagyan ng ulam. 



Mabilisan akong nagserve palipat sa Tupperware, may natatapon pa ngang sabaw sa sahig kasi palingon-lingon ako baka bumalik si Mama at mahuli ako. Hihi....



Noong sa tingin ko kasya nalang ang natira para kay Mama ay binalik ko ito sa oven.  Naghanap ako sa drawers ng Eco bag para maitago ko ang tupperware na may ulam.


"MA? MAMA?!!" tinawag ko si Mama para pag sumagot sya malalaman ko kung safe dumaan sa living room. Dahil pag nandoon sya pwede ko namang akyatin ang pader sa likod bahay. LOL.  



"MAAAA???!" naghintay ako pero Hindi pa rin sya sumagot. A-ha!  Baka nasa kwarto nila. Magaling! Mabilis Kong kinuha ang mop at nilinis ang namumulang ebedensya sa sahig.  Sa harap ng bahay na ako dumaan wala naman kasi si Mama.  Pagtawid ko ng kalsada, bahay na ng mga Presston, bukas ang gate kaya pumasok nalang ako.  



Grabe ang pamilyang 'to, Hindi nagla-lock ng gate irekomenda ko kaya itong bahay nila sa Lazada "The easiest House to Rob"


"Nin---" napatigil ako sa pagtawag Kay Ninong Brix may narinig kasi akong sigawan.  



"DON'T YOU JUST RAISE YOUR VOICE ON ME YOUNG MAN!" boses ni Ninong.  Sinong Young Man?  Si Vander ba?  E, alangan naman si Veniza.  



Oh No! Ninong you just don't raise your voice too on my Vander.  Ngali-ngali Kong sasabihin sabay entrance sa Kusina nila.


"Tumigil na kayo! Priel Vander respect your Father. And you, Brix nasa harap tayo ng pagkain!" Ninang Kate said.



My point!  My Exclamation point ka Ninang.  Tamang tama nasa harap sila ng food at tama lang ang dating ko dahil may pasobra pa akong foods.  Pa imbay ang balakang na naglakad ako papunta sa dining area nila. 


"HELLO!  HELLO!  EVERYONE?...."


*TING


Kalansing ng nalaglag na tinidor ang bumati rin sakin, nakatingin kasi ang buong mag-anak sa akin.


Awkward akong ngumisi...


 "H-hi... Po?  May dala akong ulam inutusan kasi ako ni Mommy na hatiran kayo mainit-init pa kasi kakahango lang... fresh from Mom's cutie patotie kaldero.  Tikman nyo po ito, one of Vander and Mine's favorite... Alam nyo naman po si Mommy sobrang sarap magluto. You know what Ninong,  Ninang and My Prince... Business Management na po ang kurso ko dahil sigurado akong magiging matagumpay ang chains of restaurants ko dahil si Mommy ang cook nito  kaya here tikman nyo to for sure Ninong hahagod ang sarap nito sa lalamunan mo para Hindi kana makasigaw pang muli kay Vander ko." Siniguro ko na pabulong lang yung last words ko baka masipa ako ni Ninong palabas ng bahay nila.


Ang galing ko talagang PR...


Hindi sila kumibo at nakatingin lang sakin.  Kaya nag volunteer na ako na ihain ang dala ko.  Paglapit ko pa sa table nila ay namangha ako. 


"Uy!  Menudo din pala ulam nyo Ninong?" Nagulat pa ako. 

"PFFTT... " si Ninang and Ninong Brix chuckled. 

Namula ako na lumingon kay Vander, pinagtaasan ako ng kilay ng mokong at inismiran. 

"Kakahatid ko lang ng ulam sa inyo bakit mo binalik?" Sabi pa nya.

Ayayay!

Diresto akong napaupo sa upuan at napataklob ng mukha.

Pahiya ah!

*****


Aaahhh!  Naiisip ko lang how kulet and sassy ni K. Lol! 

Sa sunod nalang yung seryos na moments. Hindi ko na talaga nakikitang umiiyak si Kisses ang bibo kasi.  May super ganda akong lines na nabuo na... Namangha ako sa sarili ko. Lol. Libre puri... Pero natatamad pa akong magtype. Hahaha.  Happy Dalaga Day Kay Inday!

****

MAEJESTY

SHUT UP AND BE MY BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon