Thank you! napaka responsive nyo po sa votes at comments. Sa mga malaki yung tiwala sa KissWard Salamat.
*****
"Ano?! Ma, hayaan nyo sya dyan." napahilot si Anika sa sentido. "Busy ako this week, kung atat na atat sya hayaan nyo sya mag-ayos nyan. No Ma.....pupunta ako don't need to worry. Ok Mom bye."
After talking to Mom I pick my bag. "Lets go?"
Tumayo si Zayn at tinapik ang pisngi ko. "Akala ko ba busy ka?" I smile and wink at him. "Kakawawain mo naman ang pinsan ko."
Ikinawit ko ang braso ko sa kanya. "Maghintay sya kong kailan ako libre. But I guess, wala talaga akong time sa kanya."
He open my office door at magkasabay kaming lumabas. "Ilang araw na syang pilit makakuha ng schedule sayo ah. Naku Anika, sobra naman ata ang pagpapahirap mo doon?"
"Pagpapahirap? Oh come on! Two years has passed, syempre busy na akong tao. Naka schedule na yung buong taon ko sa mga taong dapat kong makausap, eto naman kasing pinsan mo bigla nalang susulpot na parang walang nangyari."
"E dalawang taon na pala. Bakit ang bitter mo parin?" natatawang sabi nya.
Sinagot ko sya ng malutong na tawa. "Shut it Zayn! Ofcourse naka move on na ako diba, kaya nga kahit ipagpilitan pa ng pinsan mo ang sarili nya no care na ako."
Pinagbuksan ako ni Zayn ng pinto ng kotse.
"Talagang pinanindigan mo yung kasabihan mo ah."
Hinarap ko muna sya bago tuluyang sumakay ng kotse.
"If I want to stop the pain? Then I should stop caring. Ganun lang ako nakabilis naka move on sa kanya Zayn."
****
I wink to the guy who constantly staring at me. Bago ko dinala ang shot glass sa aking labi, iinom na sana ako ng matapon ang lamang nito dahil sa pagsiko ni Zayn sa akin. Natatawang pinunasan nya ng panyo ang hita ko.
"Ano bang problema mo?!" naiinis kong sabi.
"Tumigil ka nga sa kakakindat mo dyan. Stop flirting. Hindi bagay sayo, seriously Anika nagmumukha kang matrona na atat makakuha ng lalaki."
Pinalo ko ang kamay nyang kukuha ng sariling inumin kaya natapon din ito sa "harapan nya" mabilis itong tumayo at nagpagpag. Tawang-tawa ako sa reaksyon nya.
"Go to hell Anika!"
"Go with me Zayn, and we'll party till we can't walk."
"No you go alone. I thought you move on?! Ganito ba yung move on para sayo? Ang gabi-gabing lasing? Napapagalitan na ako ni Tito dahil sa ginagawa mo. Alam mo Anika magpakatino ka nalang ata harapin na ang pinsan ko tutal ikakasal naman kayo."
I snorted. "Titino? Ako? Swerte naman nya matapos nya akong ipahiya at magpapakatino ako para sa kanya. I'll get my revenge Zayn."
"Mahal ka nya. Bakit kailangan mo pa ang revenge na yan?"
"Better. Mabuti yan Mahal nya ako. Edi mas madali sakin na saktan sya."
Lumamlam ang mga mata nito at muling tumabi sakin.
"Pwede bang kalimutan mo nalang yun mahal mo parin naman sya diba?"
Mabilis kong iniwas ang mata sa kanya. "Hindi. Hindi ko sya Mahal at hindi na ako muling mahuhulog sa kanya. Now that I'm starting to fall for you." mahina kong bulong.
I don't know kong marinig nya ang bulong ko sa hangin, kasi nararamdaman ko ang mainit na titig ni Zayn sa akin. Sa mahabang panahon na palagi syang nandyan ay hindi ko maiwasan ang pagbilis ng paminsan-minsan ng tibok nitong puso ko.
Hindi ko pa ito matatawag na pagmamahal kasi hindi ito ganun ka tindi ng nadama ko kay Vander. Pero umaasa ako na sa muling paglago ng feelings na ito ay sa tamang tao na.
"Umuwi na tayo Anika." nagpaubaya nalang ako ng akayin nya ako.
"Thank you Zayn."
Isang malungkot na ngiti ang kanyang naisukli. Tahimik ang naging byahe pauwi, hindi narin ako kumibo kasi ngayon palang bumababa ang tama ko sa alak. Hindi parin sanay ang sistema ko sa alcohol, madali parin napapalabas ng alak ang tago at totoo kong nararamdaman.
And I hate it. Hindi ko sya maitago. Siguro nga kailangan ko ng tigilan ang paglabas gabi-gabi para iwas huli.
"Kaya mo bang maglakad pa?"
Napatingin ako sa labas, nakarating na pala kami sa bahay. "Hindi ka papasok?"
Tumingin ito sa relo. "Alas onse na tulog narin naman sila Tita kaya wag na."
Hinawakan ko ang kamay nya at pinisil ito. "Thank you Zayn. Ingat ka." I kiss his cheeks at diretso ng lumabas ng kotse.
"Anika....."
Napako ako sa aking kinatatayuan dahil sa pagtawag nya sakin. Standing infront of me is someone that I used to know. My soon to be husband.
"Hindi ko alam na ganito na pala ang uwi mo. Sana pumayag ka nalang na sunduin ko kanina."
Nairita ako sa tono ng pagkakasabi nya na parang isa akong college student na may curfew.
"Uuwi ako pag gusto ko atsaka ano bang pakialam mo?"
Ang malambot na expresyon nya ay napalitan ng galit. "Pag nakatira na tayo sa iisang bubong hindi mo na ito magagawa Anika! Ituturing mo akong Asawa at rerespituhin mo ako."
I cross my arms at natawa. "Tsk. Nagpunta kalang dito para sabihin yan. Pero sasagutin narin kita, No. Hinding-hindi mo ako mapapasunod sa mga gusto mo."
"Wala ka ng magagawa dahil pumayag ka mismo na maging Asawa ko." alam kong galit na ito dahil namamawis na ang noo nito.
"Oo pumayag akong maging Asawa mo sa papel. Tandaan mo ito Vander sa papel lang tayo magkadugtong. Ni hindi nga kita nakikitang maging ama sa magiging anak ko. I loathe you."
"A-anika, Mahal na mahal parin kita." mahina nyang bulong.
"Wag kang masyadong masaktan. Swerte mo nga e Minahal kita, kaya gustong gusto kitang nakikitang nahihirapan."
Naglalabanan kami ng titig, no Vander hindi na ako aatras sayo ngayon pa na wala kanang epekto sakin? Ngayon pa ba?
"Anika!" doon ako napalingon sa aking likuran nakatayo si Zayn. "Naiwan mo yung phone mo."
Tinakbo ko ang distansya sa aming pagitan at gumawa ng eksenang gumilbal sa dalawang lalaki.
Liplocking with Zayn will be the start of Vander's agony.
*****
MAEJESTY

BINABASA MO ANG
SHUT UP AND BE MY BOY
Teen FictionSabi nya bakla ako. Alam ko sa sarili ko hindi kaya nakipagtalo ako sa kanya. Sa tagal naming nagtalo, may solusyon syang naisip. Shut up! And be My Boy daw Yun ba talaga ang solusyon? Eh, di patunayan. Mags...