Patingin-tingin.
Mga nakaw na tingin at may ibig sabihin.
Yun ako kanina pa. Gusto ko syang lapitan kaya lang maraming Tao, bigla naman kanina may pumukol na bato sa sintido ko, ang sakit lang kasi ng pagkakasabi ni Vander.
Hindi nya sadya yun. Alam ko naman kasi na may mali. Hindi ko nilubayan sila Vander at yung babae. Hiling ko sana lumingon sya at mapansin ako.
Pagkaraan ng higit isang oras ay nagsitayuan na ang mga kasama nila. Sumunod narin sila ni Vander. Mabilis rin akong tumayo.
"Aahh!" Napalakas ang daing ko ng sumakit at mamanhid ang tuhod ko. Siguro dahil sa matagal na pagkakaupo.
Ngumiwi ako habang humahakbang, hinanap ko sila Vander, at doon nakita ko syang nakatingin sakin. Umayos ako ng tayo at kumaway sa kanya.
Kumurap-kurap ito at pinakatitigan lang ako. Lalapit na sana ako, ngunit paghakbang ko nanakit na naman ang tuhod ko. Napahilot ako dito at naupo.
"Ouch!"
"Ok ka lang?" Napaigtad ako ng may lalaking naupo sa harap ko.
Hinawakan nya ang paa ko, kaya nailang naman ako.
"T-teka... Uhmm... Ok lang ako. Maari ka ng tumayo." Tinapik ko ang kamay nyang nakahawak sa paa ko.
Nag-angat sya ng tingin. Ay shez! Ang pogi!
Kalma Anika, loyal ka kay Vander.
Speaking of! Baka umalis na yun! Naku Anika ang hina mo talaga. Sana nagpalakad-lakad nalang ako kanina para hindi namanhid ang tuhod ko.
"May sakit ka ba?" Nanlaki ang mata ko ng hinaplos ng lalaki ang mukha ko. Wow ang lambot ng kamay, nahiya naman ang face ko.
"Ah? Huh?" Sagot ko.
"Namumula ka. Kako, okay ka lang ba?" Nakangiti naman sya ngayon showing his pang commercial white teeth.
Na amaze ako! "Uy! May dimples ka! Ang lalim!" Punong-puno ng katuwaan ang boses ko. Sinundot-sundot ko pa ang dimples nya.
Malakas na natawa ang lalaki. Grabe ang tawa nya parang nakakapagpa ilaw ng baryong walang kuryente. Napaka genuine nito at puno ng buhay. Hindi ko mapigilan ang mapangiti din.
"Uy! Tumigil ka nga...hindi kaya nakakatawa ang sinabi ko." I roll my eyes kunwari naiinis ako.
Tumigil naman ito sa pagtawa ngunit nandoon parin ang kinang sa mga mata nya. Pinisil nya ang ilong ko kaya pinalo ko ang kamay nya.
"Ang cute-cute mo iuwi na kaya kita?!" Sinundan nya ulet ng halakhak.
"Anong pinagsasabi mo? Nababaliw kana!---A-Aray! Ano ba?!" Sigaw ko ng may biglang humaklit sa braso ko.
"V-vander?!" Nag-iigtingan ang bagang nito at nagbabaga ang tingin nya. Dahan-dahan kong binabawi ang braso ko dahil masakit na sa higpit ng hawak nya sakin. Pero hindi mas hinigpitan nya ang hawak sakin at dumilim pa ang mukha sa pagtitig sa akin.
"Hey... Hey! Bitawan mo sya Dude, namumula na ang braso nya oh." Nakatayo na pala yung lalaki.
Sa kanya naman bumaling ng tingin si Vander. Nagsukatan sila ng tingin, natatakot na ako baka bigla akong masunog sa init na nagmumula sa kanilang titig.
Napangiwi ako, mas dumiin pa ang hawak nya sakin.
"V-vander m-masakit..."
Hindi nya parin ako pinansin at patuloy na nakikipag staring competition sa lalaki.

BINABASA MO ANG
SHUT UP AND BE MY BOY
Fiksi RemajaSabi nya bakla ako. Alam ko sa sarili ko hindi kaya nakipagtalo ako sa kanya. Sa tagal naming nagtalo, may solusyon syang naisip. Shut up! And be My Boy daw Yun ba talaga ang solusyon? Eh, di patunayan. Mags...