21 GUNS

189 17 6
                                    

Susubukan kong bumuo ng "wala lang quotes"

"WALA LANG QUOTES #1"

"Ang baso pag nabasag maingay, Ang puso ko? Pagnabasag ako lang ang nakakarinig."

😊😊😊😊😘😘😘😂😂

"Napapansin ko yata palagi kang lumalapit sa Asawa ko?" Papalabas na sang ng gate si Anika ng magsalita si Tish mula sa pagkakakubli sa halaman.

"Wala ka bang magawa?  At ang paglapit ko kay Vander ang nakikita mo?" Pabalang nyang sagot.

"Alam mo Anika, wala kang pinag-kaiba sa Nanay mo--"

Nilingon ito ni Anika,  hinawakan ang braso at diniin ang pagkakahawak.

"Wag mong madamay damay ang Nanay ko Tish."

Pumiksi ito pero hindi binitawan ni Anika ang pagkakapiga sa braso ng huli.

"Bakit? Masakit pag-usapan?  Na tulad ng Nanay mo na naghabol sa lalaking may Asawa ay sya ring ginagawa mo ngayon?"

Nanlamig si Anika. "Hindi totoo yan!"

Ngumisi si Tish. "Kung hindi totoo yun?  Kanino ka nagmana?" She cross her arms. "O baka kinapitan ka lang ng landi kaya naghahabol ka ng lalaking may Asawa na."

Dinuro ni Anika sa mukha si Tish. "Magdahan-dahan ka sa bintang mong yan. Baka pagpinatulan ko yang talim ng bunganga mo masahol pa na tinadtad ka ng 21 putok ng baril ang saluhin mo?"

"Tsk. Tsk. Tsk. Oo nga naman, matakot ka talaga Prinsesa, doblehin mo ang pagbabantay sa daga, baka malusutan ka. Ninakaw mo lang si Vander, kaya hindi na ako magtataka pag takot na takot ka. Sige lang makakahanap din ako ng pagkakataon. Babawiin ko sya."

"Hindi mo magagawa yan." Matapang na sumagot si Tish. "Mahal ni Vander ang anak nya, hindi nya kami iiwan para sayo."

"At isinangkalan mo pa talaga ang Anak mo ah. Watch me Tish. Buburahin kita sa NSO, ibabalik kita pagiging Alford total mas bagay sayo." -Anika.

Nagsukatan sila ng tingin, at ng marealize ni Anika na walang patutunguhan ito ay tinalikuran nya si Tish. Gusto nya naman itong intindihin, pero maling paraan anf ginamit nito.

That stop her from walking hinarap nya ito at nasabi ang mga bagay na,

"Alam nating dalawa na parehas tayong may pinaglalaban, ikaw ang para sa Anak mo. Ako? Ang kinabukasan ko. Naiintindihan ko naman e, nasasaktan ka, ako rin. Pero wala kang karapatan o maski ako na sabihing mas ako ang kawawa... Na Ikaw ang kawawa. Kasi di tulad ng baso pag nabasag maingay, ang puso ko? Pag nabasag ako lang ang makakarinig at makakaalam. Kaya hindi mo ako masisisi pag sa tingin mo mali ang ginagawa ko."

Mabilis nyang iniwan si Tish. Ganun naman palagi sila, sasabihing mali ka. Makasalanan pero ni isa sa kanila walang alam sa tunay mong nararamdaman, hindi nila naririnig ang malakas na tibok ng puso ko pag kasama ko sya. Hindi nila alam na ginagawa ko lahat para kalimutan sya. Sino ba ang gugustuhin na pagdaanan ito?

Alam ko ito ang tama, ito ang alam kong magpapasaya sa akin. Titibok muli ang puso ko kasabay ng tibok ng puso nya.

Life is a battlefield. I am a fighter. Love is the price.

Sasaya ako. Itaga nyo sa bato.

******😉😉😉😉******

"Anak? Gising ka pa?"


Naalimpungtan si Anika ng marinig ang magkasunod na katok sa pinto ng kwarto.

"M-ma? Bakit po?"

SHUT UP AND BE MY BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon