YEARS

208 8 7
                                    


"You're always doing that."

Nagulat ako at mabilis na binitawan ang kurtinang hinawi ko. Nahihiya ako dahil nasaksihan ni Mommy yun. Nakatalikod parin ako sa kanya, kaya hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala ito. Hinawi nya muli ang kurtinang nakatabing sa bintana ko.

"Hay, its been years wala paring pinagbago ang bahay na yan." Ako rin ay napatingin sa bahay nila. "Yung roses garden ni Kate patuloy na namumukadkad, ang pintura ng bahay na laging bago at ang mga taga silbi naroroon parin. Wala paring pinagbago." Mom chuckled. "Tulad mo."

Nanlaking mga mata at napabaling ako kay Mommy, nandoon ang mapanuksong ngisi nya.

"Ma naman...." Ingos ko.

"Hindi ka nagbago diba?"


Naglakad ako at naupo sa dulo ng kama ko. Sinundan ako ni Mommy at hinawakan ako sa balikat.

"Tignan mo sya..." Napaangat ang tingin ko at sumalubong ang imahe ko sa salaming nakaharap sa amin. "Ang mukhang pilit na ngumingiti pero ang matang hindi nagsisinungaling."


"Tignan mo syang mabuti, si Anika the author ang makikita mo, sa loob nito ay nakakulong ang Chammy na masayahin, palaban at mapagmahal. Si Chammy pinapatigas ni Anika ang puso. Kaya alam mo anak nasasaktan ako makita kang ganito, kasi kilala kita hindi ka ganyan."


Parang hinaplos ng malamig na palad ang puso ko. Sa paglipas pala ng taon may nakakalimutan ako. Lahat ng gusto kong gawin sinusulat ko to satisfy myself, para sabihing nagaw ko ang bagay na yun... Na nagawa kong lumaban na ipaglaban...pero sa totoong buhay takot na ako.

"How can I pick up the pieces of my broken heart? There are nights that I can't sleep and end up crying my heart at pag hindi ko na kaya bumabalik ako sa kalsadang nakapagitan sa bahay natin at ng mga Presston, para akong tanga na naghahanap ng bawat piraso nito, umaasa na mabubuo ko ang nabasag kong puso mula ng umalis sya. Its been 5 years pero bakit ganoon Ma? Hindi parin buo? Masakit pa rin, nasasaktan parin ako."


Si Anika malaki ang takot. Si Chammy walang takot. Pero masisisi ba ako, I once live a free life nawalan ng hiya at nang-angkin ng lalaki. Pero pinagtulakan lang ako. Natuto ako dahil nasaktan, masisisi ba ako?


"Kung natatakot ka sa sasabihin ng iba anak, wag. Kasi wala sila sa posisyon mo, wala silang paki-alam sa nararamdaman mo ang alam lang nila makita ang mali mo. Alam ko kung lalaban ka, may panalo ka. Hinihintay kitang gumaw ng aksyon anak, dahil alam ko magtatagumpay ka."


Niyakap ako ni Mommy at hinalikan sa pisngi. Iba pala pag si Mama, Mommy o Nanay na ang nagpalakas ng loob mo. Parang walang mali, lahat nagagawang tama. Hindi ko maintindihan noon kong bakit hindi ako sinuportahan nila Mommy kay Vander kahit nasa harap lang namin ito, bakit nya ako pinagpipilitang lumaban ngayong ang hirap na nyang abutin.



Ngayon alam ko na, dahil noon ang tanging alam ko lang Mahal ko sya, ngayon na nagdaan ang mga taon Oo mahal ko sya, pero alam ko na kung paano lumaban, kung paano sya ipaglaban. Baka umiiyak lang ako, pero pipigilan ko. Magsisimula akong muli ipagsigawan sa lahat na Shut up! That is my boy.

"Ive got my heart broken at 17, I publish my first book at the age of 18. Finish my studies at 19. 20, got the opportunity to travel around the world. When I was 21, umabot sa 20 ang nanligaw sa akin." Sabay kaming natawa ni Mommy. "But Ma...." Sinalubong ko ang mata ni Mommy kaya hindi ko mapigilang tumulo ang luhang ako lang madalas ang nakakaalam. Inipit nya sa tenga ko ang mga takas na hibla ng buhok ko. "I'm 22 but I'm still broken, still I'm hurting parang.... Parang natanggal na natin ang bawat buwan sa kalendaryo pero para parin akong 17 years old na hindi alam ang gagawin. My 23rd birthday wish? I wish I was just 16 I will trade everything....everthing and everything to make my heart whole again."


"Anak nandito si Mommy. Hindi si Mommy susuko, lalaban tayo, kukunin natin ang para sa'yo."

"Ma? Paano pag pareho na tayong masaktan? Ayoko pong umiyak ka Mama."


"Hindi ang anak ang dapat mag-alala sa magulang. Hindi ako masasaktan pag kinalaban ko sila, mas masasaktan ako pag alam ko na kaya kong tulungan ang Anak ko pero hindi ko ginawa. I can always sacrifice anak, para sa inyong magkakapatid."

Minsan masarap din palang maiyak, hindi para sa mga taong nanakit sayo. Pero to thank God because all of us biniyayaan ng Inang hindi ka hahayaang mag-isa at masaktan.


"Bukas, babalik na ang mga Presston. Magsisimula tayo." Bulong ni Mommy.

At simula ng gabing yung, naging mahimbing ang tulog ko may ngiti sa mga labi.

Maaga akong nagising, nag ha-hum pa ako ng Blank space habang pababa ng hagdan. Napahagikhik ako ng minarkahan ko ng X ang date na ito sa calander. Natigil lamang ako ng makitang naghihitay pala sa dulo ng hagdan si Zayn.



"Bakit ka tumigil?" Nakangiti nyang sabi.


"Ha? Uhhmmmm...."

"Halika na Anika, naghihintay na sila."

"Sila?" Nagpatuloy ako sa pagbaba. "Sila Mommy ba? Bakit asan sila?"


Hindi ako sinagot ni Zayn pero hinila nya ako palabas ng bahay. Pinapatigil ko sya at nagtatanong kung saan ako dadalhin pero hindi nya ako sinasagot.

At ng makalabas na kami doon nagkukumpulan ang mga magulang at kapatid ko.



"Ma? Bakit kayo naririto?"


Nginitian lang ako ni Mommy. "Ngayon na ang araw anak..." Medyo tinagilid ko ang ulo ko pilit inalog baka may impormasyon akong makuha.



"Ngayon ang balik nya." Sabi ni Zayn na nakaakbay sakin.


Seryoso?! Bigla akong nataranta! Hindi ako nakapag blush on, kilay, lip liner, lip gloss, lipstick hindi ako nakapag perfume ano kayang amoy ko....

"Ayan na Anika."


Tumigil sa harap namin ang isang black na kotse. Nahigit ko ang hininga. Nag enhale lang ako, nakalimutan ko ng mag exale ng bumukas ang bintana at mukha ni Ninong Brix ang bumungad.




"Sumunod kayo sa bahay para sa kunting pagsasalo." Sabi nya.


Si Mommy ang sumagot kasi nalunok ko ata ang bato ni Darna at bumara sa lalamunan ko.


Pumasok na ang kotse nila sa bahay nila. Sumunod narin si Mommy pero ako parang tinamaan ng kidlat at hindi na maalis sa kinatatayuan. Hindi ko alam kong dahil ba walang mga Banda ang sumulubong sa kanila kaya yung puso ko nalang ang kusang nagtatambol.



"Tara na..." Hinila ako ni Zayn pero hindi ako natinag at nalilitong napatingin sa kanya.



"Anong ginagawa mo? Dumating na sya, tapos yayain mo pa ako doon?" Tinuro ko ang bahay ng mga Presston.


"Oo ihahatid kita."



"Bakit?" Nagsalubong ang kilay ko. Umiling lang si Zayn at muli akong hinila wala na akong magawa at nagpakaladkad sa kanya.







"Zayn. ..."


Hinarap nya ako, kitang kita ko ang mata nyang puno ng emosyon mga matang nagsasabing pagod na sya. Kaya biglang bumundol ang konsensya ko.




"Minsan kasi Anika, magigising ka nalang at makakagawa ng stupid decision at yun ay ang tulungan maging masaya ang Mahal mo, sa Mahal nya."




Napatanga nalang ako.



Zayn.





*****




Magkikita na ang mga baliw! LOL.


Nakalimutan ko, Happy Mama's day pala. Iwan ko lang nagising ako ng 4:59 am just to say THANK YOU GOD May Mama ako na maagang gumising para magsaing para makapasok ako sa trabaho.


Sa inyo ring lahat Happy Mother's day!




****


MAEJESTY

.

SHUT UP AND BE MY BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon