INTRUDER

162 13 8
                                    



Ito na naman, naghihintay na naman ako sa pag-uwi nya kalalabas ko lang kahapon ng ospital, talagang hindi sya nakapunta. Ilang beses nila syang tinawagan pero Nada!  Wala!  Waley!  No show ang aking pinakakamamahal.


Alas nueve na ng gabi, ngayon daw ang balik nya kaya matyaga akong naghihintay ng may marinig na akong ugong ng kotse. Dali dali akong tumayo at hinagod ang aking buhok, puno ng excitement na binuksan ko ang pinto para lang malaglag ang balikat ko.

"M-magandang gabi L-love..."



Tiningnan nya lang ako sandali at nilampasan naka sunod ang kasama nyang may lahi. Gigil na gigil ako kasi naka smirk pa ito ng dumaan sa harap ko sabay himas ng daliri sa ibabang labi yung parang sinasabing Ang sarap ko.

"Bakit nagsama ka ng may lahi?" natigil sa paglakad si Anika at hinarap ako na nalilito.

"May kulay lang ang buhok nyan pero imposibleng hindi mo nakilala." tumaas ang kilay nito. "Si Zayn lang yan and I don't think may lahi yan. Pinoy yan di gaya mo."

Zayn laugh. "Balita ko nasaksak ka insan, nasa tagiliran mo na ba yung utak mo?" at muling natawa.


Seryoso parin ang mukha ko lumapit ako kay Anika at inagaw ang bag na dala nya.



"Wala lang, nanibago lang ako. Si Zayn pala yan, pinsan ko. Kaya lang ngayon ko lang narealize pag bukas ng pinto may lahi pala sya one half pinoy, one fourth aso and one fourth ahas." Nanlaki ang mata ni Anika habang nag-igtingan ang bagang ni Zayn. "Baka gusto mong ipaalala ko sayo pinsan kong triple breed, Asawa ko yang dinala dala mo kong saan. Hindi yan mapa na kailangan mong dalhin kong saan. Wag ka naman mang gago dahil para sakin bahay ko yan na uuwian."


I flip ma' hair.... charot. Bago ko sila tinalikuran. Mga taksil!





"Love, pwede mo ba akong tulungan palitan yung gauze sa sugat ko?"



"Hindi pa ba magaling yan?" lumingo ako. Bakas ang irita sa mukha nya ni wala man lang akong nakitang pag-aalala. "Nurse ba ako? Anong kalukuhan yang naisip mo at lumabas ka ng ospital na hindi pa pala magaling yan?"



Napangiti ako. "Salamat sa pag-aalala pero kaya ko na to."


"Ako?  Nag-alala?  Dream on Vander."




Hindi nalang ako kumibo at pinagtiisang linisan at palitan ang bandage sa aking sugat, at talagang hirap na hirap ako dahil nasa may likod ko pa ito. Hay sarap buhay may Asawa!






"Chamz?" si Zayn ni walang katok na pumasok sa kwarto namin. "Medyo mahapdi yung sugat ko help me naman."




Tumiim ang bagang ko parang gusto kong nguyain ng buhay si Zayn. Ang lakas ng loob nyang mag demand sa Asawa ko.



"Malaki kana kaya mo na siguro yan, magpapahinga na ang Asawa ko."



"Ah ganun ba.... sorry..." mabuti at nakaramdam ang loko naglakad na ito palabas ng kwarto.


"Zayn!" tumayo si Anika at hinila si Zayn sa may sofa. "Patingin nga..." sinuri nya ang kamay nito. Gusto kong basagin ang pagmumukha ng pinsan ko. Oo may maliit na sugat ang nakabandage sa daliri nya. Pero ang mukha ni Anika ay puno ng pag-aalala.




Nakakalalaki ah.




"Dala mo ba yung kit mo?" Anika.



"Kukunin ko lang..." Zayn.




"O sige, may binili pala akong ointment para dyan kukunin ko lang sa bag."




Para akong deriktor na nanonood ng music video. Dinaan daanan, inetsapwera.



"Grabe naman yun, maliit na sugat lang yun ah parang kagat ng langgam." sabi ko ng lumabas ng kwarto namin si Zayn at nagbubuklat ng bag nya si Anika.





Padabog nitong binitiwan ang bag nya at nakapamewang na humarap sakin.




"Alam mo bang dahil sakin nasugatan ang kamay nya? Gusto kong kumain ng alimango pero hindi ko mabuksan ang shell nya kaya nagpresenta si Zayn nasugatan sya dahil sa sipit ng Alimango. Kaya pwede ba Vander kung wala kang masabi tumahimik ka na lang."




Pagak akong natawa. "Talaga ba?  Kaya pala alalang-alala ka. Ako Anika?" tiningnan ko sya sa mga mata. "Nasaksak ako dahil naholdap ako sa palengke, napunta ako doon para bilhin ang sangkap sa paborito mong ulam. Kabobohan man pero ikaw parin ang iniisip ko ng mga oras na namamanhid ang katawan ko. " nag-iwas ito ng tingin.



"Pag gising ko ikaw agad ang hinanap ko, ilang araw akong naghintay na sana dalawin mo ako doon. Masakit para sakin na wala ka nang pag-aalala, pero sana naman wag mo naman ipakita ng harap-harapan na mas nag-aalala ka pa sa iba."





Yumuko ako at pasimpleng pinahid ang luhang dumaan sa pisngi ko. Hindi ito nagsalita, kaya tumayo na ako palabas ng aming silid.




"V-vander...." nabitin sa ere ang kamay ko sa pagbukas na sana pinto. "Du... dumudugo ang sugat mo...A-ako na ang gagamot." namamalat pa ang boses nya.





"Wag na. Unahin mo yung kay Zayn nakakahiya bisita pa naman natin sya." at tuluyan ko ng nilisan ang silid na yun.




Ok lang mabaliwala ka nya, wag nya pang ipakita na mas may mahalaga sayo.




*****





MAEJESTY

SHUT UP AND BE MY BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon