IGNORED TOO

214 13 4
                                    

"Wag malikot ang mata. Diretso tingin." Napangiti ako sa mando ni Zayn ginagawa nya akong robot.

"Ayan na sila. Chin up." Sinunod ko sya. "Stomach in." Natatawa na ako deep inside. "Butt out."

Ano to pageant?

Yung tawa kong kanina pa pinipigilan ay bigla nalang namayani sa buong school ground.  Hinampas-hampas ko pa sa balikat si Zayn. 

I am free. Pag sya ang kasama ko, parang wala akong dalang bigat sa puso ko.

Ng mahimasmasan ako, yung tawa ko kanina ay bigla nalang nawala.  Dahil sa pigurang humarang sa daan namin ni Zayn.

"H-hi?" Bati ko sa kanila.

Nagpalipat-lipat ang tingin nya sa akin at kay Zayn. Nakipagsukatan din Zayn sa kanya. Ngunit ang kanang kamay nya at nakahawak sa kaliwang kamay ko. Kaya nalipat ang mata ni Vander sa kamay naming magkahawak. 

"You're Anika right?" Sabi ng anak ni James Blonde.

Nakakairita ang pagiging maganda nya. Mayroon palang gandang sakit sa mata. Dahil sa pinalaki akong mabait at matalinong anak ng magulang ko.

Ngumiti ako sa kanta. "Kilala mo pala ako?  Hindi ko alam na sikat ako sa campus." Tiningnan ko sya mula sa kadulu-duluhan ng split ends nya hangga sa tips ng kuko nya. "Ikaw, Sino ka? Ilang linggo kanang kapit tuko kay Vander pero hindi kita kilala."

"Oh!" Parang gulat na gulat ito. Pinisil ni Zayn ang kamay ko.

"K-kilala ka nya dahil nakwento kita." Si Vander ang sumagot.

Patalon na ako. Akalain nyo, nakukwento ako ni Vander sa babaeng ito. Pero hindi ko naituloy kasi naririnig ko ang naka program na tinig ni Zayn.  If you don't want me to fall, don't act like a damsel in distress.

Nakakatakot ang banta na yun. Tutukan na ako ng balisong at pagbantaang patayin kakayanin ko pa, wag lang yung babala ni Zayn.

"By the way I'm PRINCESS." May diin nyang sabi.  "Princess Tishara Alford from the Kingdom of Typus."

Hangyabang!

Mabuti alam ko na pangalan mo papakulam kita, Bruha!

Ito namang si Zayn humagikgik. Hindi ko malaman kong bakit.

"So ahm... Chammy?"

What?  Yung Chammy na yan ginagamit pag may naglalambing sakin, wag nyang sabihing nilalambing nya ako! 

Naging malikot ang mata ni Vander. Parang may sasabihin syang hindi nya masabi.

"Vander lets go?"

Bakit ba palagi nalang ito ang linya ng blondidang ito?  Ang ayain si Vander na palaging umalis?

"T-teka... Chammy... Kasi..."

Ayan na naman sya.

"Sige na Van,  umalis na kayo. Sundin mo na sya." Ayoko ng marinig pa ang gusto nyang sabihin. Para ano pa?

"Sige."

Pagtalikod nila, kumalas ako sa hawak ni Zayn. Naghanap ako ng mauupuan at nakasunod lang sya.

"Wag mong tanawin." Tinabunan nya ang mata ko ng palad nya.

"Ano ba!" Siniko ko sya.

"Umaasa ka pa?" Napanguso ako at tumingin sa kanya. "Uy! Uy!  Tandaan mo wag kang iiyak sa harap ko." Parang nandidiri itong umiwas ng tingin.

SHUT UP AND BE MY BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon