Simula ng lumabas sa kwarto si Anika ay hindi na sya makaharap kay Vander. Tahimik na hinanda nito ang pagkaing kanyang hiningi kanina lang, nauna namang umalis si Zayn dahil may pupuntahan pa raw ito.
"Kumain ka na." kumibo-dili na alok ni Vander sa kanya.
Tahimik na nakamasid lang si Anika, hindi sya tinitignan ni Vander. "Ok lang?"
"Ako?" bahagya sya nitong sinulyapan. "O-oo naman..." tumalikod ito. "Hindi."
"Vander sorry." unti-unting nanubig ang kanyang mata habang nakatingin sa nakatalikod na lalaki. Masakit makitang nasasaktan ito ng dahil sa kanya pero wala syang magawa, nasabi ang hindi dapat at nagawa ang mali. Everything feels so unreal.
"Hindi ko inaasahan na ganito pala kasakit Anika, iniisip ko palang sobrang dinudurog ang puso ko, ganito pala yung resulta pag hindi mo pinahalagahan ang mga taong nagmahal saiyo noon dito ko na nasabing Mahal ka noon, Pinakawalan mo. Mahal mo ngayon, Pinakawalan ka."
Marking naipikit no Anika any kanyang mga mata.
"Bakit mo ba ako pinakasalan pa Vander? Nakalimutan na kita, bakit bumalik ka pa?"
"Kasi gusto ko pa! Kasi mahal pa din kita!" Humakbang palapit si Vander lumambot ang emosyong ipinakita ng mukha nito. "Umalis ako, Oo iniwan kita, pero Ito..." tinuro nito ang puso. "Hindi sya umalis, ni hindi ka nya kayang iwan nanatili sya sa'yo kaya kung itatanong mo kung bakit pinili parin kitang makasama ko habang buhay? Dahil hindi man sadya, yung puso ko naglaan ng malaking espasyo na ikaw lang ang makakapuno." napaluhod ito sa harapan ni Anika.
"Patawarin mo naman ako oh..."
Hindi kinaya ni Anika na makita si Vander na ganun, hinawakan nya ito sa balikat at pilit na itinayo.
"Patawarin mo naman ako kahit huli na... k-kahit huling huli na ako. Mahal lang kasi kita kaya ginusto ko to. Kaya mo naman e, kaya ko yang tanggapin, kahit hindi yan akin. Please... please Anika." sumamo nya.
"Itayo mo ang sarili mo Vander. Ngayon nasasaktan ka. Nasasaktan kita, kasi masaya na ako. Vander naman!" napapadyak si Anika at pinahid ang luha. "Saan ba ako dapat lumagay? Iniwan mo akong durog, binalikan mo buo na ako. Bakit kailangan mo pa ulet akong basagin? Yan ba yung pagmamahal para sayo?"
Tumayo si Vander at hinarap ang Asawa. "Bakit ka ba ganyan kasi Mahal mo sya? Paano ako?"
"Anong paano ka?! Ano bang meron tayo?"
"Asawa kita! Asawa mo ako Anika! Hindi mo na basta dapat kalimutan yun, nauna mo akong minahal hindi ba pwedeng kalimutan mo yung nagawa ko at ako nalang ulet?"
"Bakit pag kinalimutan ko ba yung kasalanan mo sakin babalik yung dating Anika? Yung masaya lang? Yung mabigyan lang ng kaunting sulyap at atensyon mo sasaya na? Hindi ako buhangin sa dalampasigan na patag na pagkatapos hampasin ng malakas na alon buo pa din na parang walang pinagbago."
Walang nagawa si Vander kundi ang yakapin ng mahigpit ang babaeng pilit na nagtatapang tapangan pero kunting kalabit lang mababasag na. Hindi napigilan ni Anika ang pagbuhos ng luha dahil sa emosyong biglang rumagasa.
"Andito na ako, masakit din naman para sakin ang nangyari, pero pag naiisip ko na Ikaw ang hantungan sa lahat ng ito kinakaya ko." bulong nya sa Asawa at hinaplos ang likod nito.
*****
Alas 8 palang ng gabi pero tahimik na ang kabahayan, walang nag-uusap o telebisyong nakabukas, samantala tanging kalansing ng kutsara sa loob ng baso ang naririnig sa kusina. Kutsarang paikot-ikot dahil kay Vander na tulalang naghahalo ng tinimplang gatas para sa Asawa.
BINABASA MO ANG
SHUT UP AND BE MY BOY
Teen FictionSabi nya bakla ako. Alam ko sa sarili ko hindi kaya nakipagtalo ako sa kanya. Sa tagal naming nagtalo, may solusyon syang naisip. Shut up! And be My Boy daw Yun ba talaga ang solusyon? Eh, di patunayan. Mags...