Napakaganda ng ngiti ko.
Kumikinang ang sigla ng mata ko.
Gumaganda lahat ng taong nakakasalubong ko.
Kaya naman, yung mga tinginan nila sakin ay parang nababaliw na ako.
Hindi ba nila alam ang balitang may free concert ang exo, bts, little mix at magkakabalikan ang fifthharmony, oneD, 2ne1 sina Orlando Bloom at Miranda Kerr? Sino ang hindi gaganda ang araw doon?!
But Kidding aside, maganda lang talaga ang gising ko, nagtaka nga si Mommy ng nanghingi ako ng isang litro ng Milo at tinungga ito.
Me in Vander's lap ay parang himalang ang planet Exo ay nakalapit ng isang dipa sa Earth. Kung hindi pa ako sinapok ni Vander hindi ako aalis sa lap nya at hindi kami makakababa.
At pagkatapos nun? I tease him pero dahil February 29 yata pinanganak nag transform na naman ang ugali sinupladuhan na naman ako, tuloy-tuloy ngang pumasok sa gate nila. At ito pa pinagsaraduhan ako ng pinto!
Pero alam nyo naman ako, hindi na tinatablan nyan. Ilang beses na yang nagdrama, nagalit ako...nagdrama rin, bait bigla yung Vander... Maglalambing... Hay naku paulit-ulit lang. Kaya I decide, hindi ko na sya papatulan at magdadamdam.
"Uy! Ang Prinsesa bakit kaya hindi nakabuntot kay Vander to?" Naispatan ko kasi na nagpapalinga-linga. Baka tinakasan ni Vander? Hahahaha. Tsusera din e, ako lang kaya ang pinayagan ni Vander na bumuntot sa kanya.
Nilapitan ko na, iinisin ko nga ipapakita ko lang ang picture na kumalat, nakunan kasi ng ilang kasabay namin kahapun sa jeep yung nakayakap at kandong ako ni Vander. Maganda kasi ang araw ko, kaya maninira nalang ako ng araw ng iba!
WaHahahaha! Bad Anika! Bad!
Acheche! Anong bad?! Ilang araw din namang sinira ng babaeng ito ang araw ko ah! Gaganti talaga ako. Makikita nya!
"Hello!" Mas pinasigla ko ang boses kahit sobrang irita ang face nya. "You look lost? Are you an Island, cause you're alone." Nyahahaha!
Paki nyo ba kung waley yun, basta masaya ako at hindi nyo masisira ang GoodVibes ko!
Kumunot ang noo nito. Tusukin ko yan e!
"May lakad si Vander pinagtaguan este hindi ka sinama?" Sige pa Anika!
Tumaas ang gilid ng labi nito, wari'y nagyayabang sakin. Anong ipagyayabang nya alam ko naman na ayaw sa kanya ni Vander at iniiwasan nga sya. Kaya hindi ako nagpatalo nginisihan ko rin sya sabay tingin sa kabuunan nya. Taas-Baba.

BINABASA MO ANG
SHUT UP AND BE MY BOY
Teen FictionSabi nya bakla ako. Alam ko sa sarili ko hindi kaya nakipagtalo ako sa kanya. Sa tagal naming nagtalo, may solusyon syang naisip. Shut up! And be My Boy daw Yun ba talaga ang solusyon? Eh, di patunayan. Mags...