STAY AWAY

212 9 7
                                    

"Anika...."

"Hmmm?"

Mataman lang na nakatitig si Vander sakin. Habang ginagawa nya yun pinapungay ko  naman ang mga Mata ko. 

"Uwi kana."

"Huh?  Kala ko ano na.  Uuwi naman po talaga ako aking Prinsipe kaya nga hahatid mo ako diba?"

"Correction. Si Mommy ang nagpapahatid sa'yo."

"Ouch!" Napasapo ako sa aking dibdib.  "Oo nga si Ninang ang nag-utos sayo, pero kilala kitaaaa..." Pi-nat ko ang balikat nya. "Yung gusto mo pa rin ang masusunod, kaya aminin mo na atat ka ring makasama ako kahit pahatid-hatid lang." I teased. 

Napatikhim sya at namula ang noo at tenga.  Lahat ng micro organism ko sa katawan ay nagtatalunan ata.  Nakakakiliti kasi sa pakiramdan na kiligin si Vander dahil sa akin.

"Vandeeeerrrr....."

He give me a smug smile. Hindi KO alam kung bakit natigilan ako at napatitig sa mga Mata nya. Nakabalatay ang emosyong Hindi ko pa nakikita noon.  I know him as a quite and arrogant guy. Yung Hindi mo talaga mababasa ang tunay nyang dadamin. 

He's talented. Madalas nyang itago ang totoong nadarama, ngayon lang nagdaang linggo na sinasakyan nya ang pangungulit ko kaya mas pagkakataong nakapavisible nya. 

"Vander?  May problema ka ba?" Nakatitig parin ito sakin. Bigla akong nailang at napayuko.

"Y-yung... Yung bigla nating pag-uwi?" Hindi parin ito umimik. "At... At... Kanina nadinig ko si Ninong.... Wait... Wait..." Itinaas ko ang mga kamay sa harap nya yung parang trapikong nagsisignal ng tumigil ka.  "Aksidente ko lang nadinig yun, lakas kasi ng boses nya."

"Vander, bakit parang mainit ang ulo ni Ninong?"

Sa halip na sagutin ako ay hinila nya ang braso ko papunta sa gate nila. Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi parin nya ako sinasagot.

"Vander...."

"Priel..."

Binuksan nya ang gate at bahagya akong tinulak palabas.  I was stunned, muntik akong mabuwal pero maagap nya rin akong nahawakan. May pag-aalalang dumaan sa mukha nya. Ngunit ng narealize nyang nakatitig ako sa kanya ay naging blanko ulet ito. 

"Umuwi kana." Akma nyang isasara ang gate ng pigilan ko ito.

"Sandali, bakit ka ganyan?! Tinulak mo ako!" Parang bata Kong sumbat.

Wala na naman akong nakuhang sagot.  Naiiyak na ako, pero naghintay parin akong magpapaliwanag sya at mag so-sorry.

Nagsukatan kami ng tingin, bandang huli ako rin ang sumuko. One tear start to fall from my left eye, then followed by another and another and another one. 

Mas nasaktan ako noong wala parin syang reaksyon na nakatitig sakin.  He never comfort me, he never say words that can make me feel okay.  At mas masakit yung umiiyak ka pero nakatitig lang sya sayo. As if making me feel someone he doesn't know. 

 

"V-vandeer..." I step forward. Ako na mismo ang humakbang para yumakap sa kanya.

Pero umatras ito na para akong may nakakahawang sakit.  Hindi pa sya nakuntento he slammed the metal gate right in my very face! 


Ang kaninang tahimik na pagluha ko ay nauwi sa hikbi. Ano ba ang nangyayari bakit ganun sya sakin?  Bakit biglang ganito.

"VANDER!  VANDER!  VANDER!" I knock kahit masakit sa kamay.  Pero wala man lang sumagot. Ni kahit maliit na kilos o mahinang kaluskos wala. 

SHUT UP AND BE MY BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon