GET THERE

244 8 3
                                    

Before any chenes...SALAMAT! THANK YOU!  DAMU GID NGA SALAMAT.  This whole week po kasi nasa 933 at 839 TeenFiction po ito. Malaking bagay po yun sakin.  #KissWardNeverSayNever

*****-

Wala akong gustong isipin sa ngayon kundi ang sinabi ng Nanay ko. Kung may nahuli kang flying fish, kahit nasa lambat na ito ay pumipisik-pisik pa, pakawalan ko malay mo makahuli ka ng shark at mapa-amo ito. Goal ko ngayon ay makahuli ng kahit medyo matalino pero bastos. -Yung ako ang makakabali ng sungay.





Ay! Ano ba yan, bakit ba napunta dyan yung iniisip ko? At 17 tinadyakan lang naman ako ni Vander sa heart kaya ito ako kung ano-ano lang iniisip. Nagkapiraso-piraso talaga sya, hindi ko pa kayang bumalik sa harap ng bahay nila Vander to pick up the pieces.  Ewan ko ba, bigla akong natamad.

"Ate!" Nilingon at tinaasan ko ng kilay si Case. "Hatid daw kita."

"Sino nagsabi?"

"Si Vander." Salamat naman at kada espasyo ng dingding ng bahay namin naglagay si Mommy ng frames may naibato ako kay Case pero nakalimutan ko football player nga pala sya kaya nasalo nya ito.

Natatawang naglakad palapit sakin ang kapatid ko. "Ano? Lumpuhin natin?" Inakbayan nya ako at pabirong sinakal ang leeg ko gamit ang braso nya.

I roll my eyes. "Kahapun ba't di mo binanatan? Nagpaalam ka pa talaga sakin."


"Yun na nga Ate, nagpapaalam ako sayo kasi baka ako naman ang lumpuhin mo pag may nangyari dun. Mabuti na yung alam mo para di ako guilty."

"Salbahe!" Tinapakan ko ang paa nito. Natawa ako ng nagpatalon talon ito.

Umupo ako at nagbuklat ng Yes mag. Ay ang ganda ni Kisses ng debut nya! Bongga yung roses inspired ball gown. At yung face ni Edward, tense na tense. Gumanda yung mood ko habang nagbabasa ng tumabi na naman si Case, dinutdot pa talaga ang mukha sa mukha ko.

"Pero Ate, boto parin ako kay Vander." Nagpang-abot ang mata namin. Kumunot ang noo ko,  ng muling natawa si Case ay pinalo ko ito ng magasin.

Ayoko na talaga nakakarinig ng tungkol sa kanya. Wala na dapat akong paki, masakit lang na hanggang sa pagbanggit nalang ako sa pangalan nya.

Mahirap pala na kilalang-kilala mo na ang isang tao, pero ang makasama sya ay hanggang panaginip lang.

"Naniniwala kasi ako Ate na si Kuya Vander ang para sa'yo."

"Shut up Case!"

"Naniniwala ako na sya lang ang makapagpapasaya sayo."

Kumuyom ang kamao ko. "Maraming magpapasaya sakin."

"Hindi naman nila kayang palitan si Kuya sa puso mo."

Hinarap ko sya. "Ako ang naglagay sa kanya sa puso ko at kaya ko syang paalisin dito."

Amusement is what I can see in his eyes.

"Alam mo sabi nila ang Love parang Linta, kakapit, sisipsip, lilingkis...sabon lang ang makakatanggal. Tingin mo ganun kabilis matanggal ang pagmamahal mo sa kanya."

"Hindi ako mangingimi na kuskusin at sabunan ang Lintang yan para mapaalis sya sa puso ko!"

"Pambirihang Linta, sa puso mo pa talaga kumapit. Well, hindi ako naniniwala kasi kahit ano pang sabon yan mag-iiwan yan ng uno porsyento at ang uno porsyentong yan ay hindi lang kakapit sa puso mo kundi aakyat pa sa utak mo. Hanggang sa kainin na lang nito ng buo ang sistema mo."


SHUT UP AND BE MY BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon