"Hindi kita kailangan."
Ilang beses ko ng binatukan ang sarili dahil kung ano-ano ang lumalabas dito sa bibig ko.
Wala naman akong magawa, hindi ko sya kayang tiisin. Kaya ito, naghihintay na naman akong dumaan sya. Paglumalapit naa si Vander, kahit anong pilit kong mainis at magalit... Hindi ko magawa. At naiinis lalo ako sa sarili ko.
Ang bata ko pang martyr! Paano na kaya pag may edad na ako? Major o Doctorate decree na ako sa pagiging tanga? Lenchuk! Inaaral pala yun?!
Magpapabasbas na talaga ako!
"Vander! Vander!" Patalon akong kumaway at tinawag si sya.
Naniningkit ang matang palapit ito sa kinaroroonan ko.
"Hindi ako galit!" Pabibo kong sabi. Mas lalong nagsalubong ang kilay nya.
Kinindatan ko sya... Lingo-lingo... Tango-tango.
"Alam mo Anika.... Ang hirap mong sukuan."
"Ha? Ano yun? May sinabi ka?" bumuka yung bibig nya e, may sinabi sya kaya lang umandar ang kotseng kinasasandigan ko.
"Buti nalang maypagka tanga ka. Tara na." Hindi na nya hinintay na makasagot ako at hinila nalang bigla.
"Uy uy! Sandali lang!" Ang bilis ng hakbang nya hindi ko masabayan.
"Vander naman! Saan tayo pupunta? Andoon yung kotse mo oh! Hoy!" Tuloy tuloy lang sya at mas hinigpitan ang kapit sakin.
Dumiretso sya sa may canopy kasama ang ilang estudyanteng nag-aabang ng jeep.
"Ha? Bakit tayo mag j-jeep?" Diba? May kotse tapos Jeep? Sira na talaga utak nitong isang to!
"Tish smell lingered inside my car at nakaka-impatso. Ayoko na ngang gamitin yun. Ipapa carnapp ko nalang yun!"
Ayan na naman ang parang bubuyog na bulong ni Vander. May mga nakaka-usap syang hindi ko nakikita. Kinakabahan na ako sa disposisyun nito ah.
May parating na jeep. Aba! Nakipag-unahan at tulakan pa sya! "Hoy Anika! Wag kang tumanganga dyan!"
O? Kita nyo? Nakuha pang manigaw kahit hirap na syang makipagtulakan dyan.
"ARAY!"
Binatukan nya ako ng makaalis na ang jeep at hindi sya makasakay.
"Sumunod ka nga agad sakin, wag mong asahan na mag r-reserve ako ng upuan mo!" Pairap nyang sabi.
"Edi di kandungin mo ako!" Kinagat ko ang labi at yumakap sa beywang nya. Agad itong namula ay binaklas ang nakayapos kong braso sa kanya.
"Asa! Hoy Anika, bahala hindi ka makasakay wag lang kitang makandong-kandong. At isa pa hindi ako pa- beybi tulad ng iba dyan. Ang corny-corny, naalibadbaran ako." Yung pagkakasabi nya ay sobra talaga ang pandidiri at napahimas pa ng braso na parang nanindigan ang mga balahibo.
"Grabe... Tsk. Tsk... Wala talaga akong aasahan sa'yo."
May parating na jeep hindi ko na inintay na masigawang muli ng mahal na Prinsipe! Nakakahiya naman diba? ***

BINABASA MO ANG
SHUT UP AND BE MY BOY
Teen FictionSabi nya bakla ako. Alam ko sa sarili ko hindi kaya nakipagtalo ako sa kanya. Sa tagal naming nagtalo, may solusyon syang naisip. Shut up! And be My Boy daw Yun ba talaga ang solusyon? Eh, di patunayan. Mags...