MY LAST

167 10 1
                                    

"My Last."

She giggles. Marahan nyang inipit ang ilang hibla ng buhok sa kanyang tenga. Nagsimula kasi noon sa wishing well na tawagin syang "My Last" ni Vander.

Excited na talaga syang mabawi ito, mananagot talaga si King Fren pag hindi pa nito isusuli sa kanya si Vander. Alam nyang hiram lang ito pero hindi mapigilang mairita pag inaangkin ito ni Tish na parang kanya.

Yun ang akala nya.

"My Last?"

Muli kong napigil ang mapatili. "hmmm?"

"Ano na? Pwede ba bukas?"

Tinatanong nya kasi kung pwede kaming lumabas bukas, hindi ko alam kong ano ang detalye ng plano basta excited ako.

"Oo naman." O ayan hindi ko na napigilang ma excite.

"So 8am then?"

"ok po..."

"Chamz? Pwede mo rin ba akong tawaging My Last?"

Natuwid ko ang likod mula sa pagkakaupo habang yakap si Dora.

"Seryoso?" kinikilig akong tinatawag ni Vander ng ganun, pero pag ako na yung tumawag sa kanya ng ganyan ang Corny!

Hindi ko kaya!

"Chamz...My last? sige na."

"Vander naman e.... matulog kana kaya!"

"Please.... My Last? Sabihin mo na...all things you can do if... only if you really Love me."

I crease my forehead, hindi ko ata gusto ang lumabas na salita sa bibig nya ah? Stupid people would think and say that, I deeply hope Vander's not that kind of guy.

Walang barometro ang makakasukat ng pagmamahal. Kaya sana wag nyang gamitin ang linyahang yun sakin. If you Love the guy you should also open your legs to them? To satify them? Just them to say that you Love him? Bullcrap!

"Vander, we should end this. Matulog kana." halata na sa boses ko ang pagka irita.

"Hey! hey...are you mad? Ok sige i'll not push it. Just... just don't get mad at me. arayt?"

"Ok bye." and I turn off my phone.

Hinarap ko si Dora at sinamaan ng tingin. "Wag kang ngingiti-ngiti dyan lalo't naiinis ako." Pero ang malanding bangs ni Dora hindi man lang natinag. "Ugh!" sinakal ko na ang kawawang si Dora.

"Ha! Hahahahaha!" hindi ko napigilang matawa dahil si Dora nakangiti parin at hindi man lang nahawi ang bangs. Dinaganan ko ang Dora stuff toy na regalo ni Daddy noong nagpa bangs ako.

"Alam mo Dora, bilib na talaga ako sa bangs mo. Sana yung puso ng tao parang bangs mo nalang din, saktan man at sugatan hindi parin natitinag, buo at makintab parin. Sana ang Love parang ngiti sa labi mo, hindi mawawala at hindi mapapagod. Dora....magkasama sila sa iisang bahay, may anak sila natatakot akong yung sinasabi nyang ako lang... biglang magbago. Dora maluwag pa ba yang backpack mo? Kasya pa dyan yung puso nya. Please....please....Keep it and give it to me. Only me."


*****

"Huh! Gabing-gabi na kausap mo parin yang babae mo!"

Hindi ko sya pinansin at nagtalukbong ng kumot. "Please close and lock the door when you leave. Ayokong may makapasok na daga at magpagala gala."

"Ok I get it. I came here to say na babalik na tayo ng Niashin."

Para akong binagsakan ng Durian sa mukha at agad na napabangon. Tumingin ako sa mukha ni Tish at naghihintay ng Got ya! Ahahaha pero matapang lang nitong sinalubong ang nagtatanong kong tingin.

"You can't do this."

"O really?" tumaas ang kanang kilay nito. "Pumayag akong dumito tayo dahil akala ko tuluyan mo ng lalayuan yung babae mo! Pero ano? Harap harapan mo akong ginagago Priel! I have enough with this shits! Kaya sa ayaw at gusto mo babalik tayo ng Niashin!"

Tumayo ako at galit na hinaklit ang braso nya. Nagpumiglas sya pero hindi ko talaga ito binitawan.

"Wag mo akong ginagalit lalo na hating gabi na baka itapon kita sa labas mismo ng bintana ko. For your Information, kahit dalhin mo ako sa airport ng tulog pinapangako ko na hindi mo ako masasama dahil babangungutin ako sa oras na yun. And mind you my Dear Princess, hindi ako Prinsipe at wala akong balak maging genie at tuparin yang pangarap mo you can leave but spare me."

"You got to be kidding me!" Nanalalaking matang sigaw nito.

Nanunuyang ngumisi ako. "No I'm not" umiling pa ako.

"But you promise to the council, to the King, infront of my parents and yours! You will take care of me and Ford!"


"O yes I did! Pero alam ng magulang ko na sinungaling akong Anak. Na suwail ako, kaya nong Vows natin naka airphone sila Mom and Dad. And please lang Tish take care of Ford lang ang sinabi ko noon hindi ka kasama."

"But Ford will go with me pabalik ng Niashin..." she smirk and her smile widen noong akala nya wala na talaga akong choice.



"That's your choice. But my Lady over there." tinuro ko ang window ko na nakaharap mismo sa bahay ng mga Fontane. "My Lady's choice is me to stay with her at yun ang hiling na kaya kong tuparin."



Anger envelope her face. "I will call the King! Isusumbong ko lahat ng pinanggagawa mo sakin!"


"Go!" binuksan ko ang pinto at tinulak sya. "Pagkatapos nyong mag-usap bumili ka narin ng Insenso para magpausok ka para lubayan ka ng masamang espirito."


Pinagsisipa pa nya ang pinto ko bago umalis. Bumalik ako sa kama at muling pumaloob sa kumot.


"No. Hindi nyo ako pwedeng ikulong ulet sa bakal nyong Palasyo. Pinoy ako at lahat ng endangered species, binibigyan ng laya."



Tanging Pinoy lang rin ang naniniwala sa kasabihang "Go and Multiply" andito ang mate ko kaya dito ako magmumultiply.

Kasama si My Last ko.


****


MAEJESTY

SHUT UP AND BE MY BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon