NOT ENOUGH

268 12 3
                                    

Natuto ako kahapon kaya ngayon bundat na bundat ang tyan ko.  Ang sakit nga dahil busog ako tapos agad na naglakad papuntang school. 

Naiinis parin ako Kay Vander hindi man lang ako sinundan at sinuyo. Napaka pagong talaga (Ouch Ed!  But true)  Umabot ako ng Bandila kagabi sa kaaantay na puntahan nya ako pero hindi nangyari.  Baka kaharap nya na naman ang libro nya, ipapakasal KO sila e. 

Nangangawit naman si Vander hawak ng dalawang kamay ang 14inches by 7 na tupper ware imagine kung gaano ka laki yun, naglalaman ito ng mango float na paborito ni Chammy.  Dalawang ideas lang ang naisip ni Vander ang haranahin sa ilalim ng buwan si Chammy o ang ipagluto ito ng mango float. 

He choose the latter, baka naman ano pa ang isipin ni Chammy pag nag effort ako.  Ay Wow, ang paghanap ng graham crackers sa alas dose ng gabi hindi effort? 

Hiningi pa ng palaboy ang biscuit mo pero ano nga ang sabi mo?....

Napaismid si Vander sa patuloy na pagsabat ng pakialamerang anino nya. 

"Tumahimik ka wala akong sinabi. "

"Meron! "

"Wala nga!"

"Hoy Pagong meron! "

"Pakialamero ka!  Tumahimik ka Please! " namamawis ang noo na bulong ni Vander. 

"Sige ka magpapakamatay ako
.." Banta ni Pakialamerong Anino. 

"Eto na!  Napaka brutal mo!" Nagpalinga-linga sya baka kasi may nakikinig. 

"Hihihi!" Kinikilig na tawa ni Pakilamerong Anino. 

"Ang sabi KO sa pulubi, may mga bagay na pinaghirapan Kong hanapin at pagnahanap KO na ito, walang pwedeng umagaw into sakin... " napapangiti sa alapaap na bulong nya. 

Mas lumapad ang ngiti nya ang bigkasin ang katagang...

"Sakripisyo KO ito dahil nagtampo ang Girlfriend KO... "

"Ayeee!  Ayee!  Kilig sya oh! " parang kiti-kiti na nagsasayaw ang Anino. 

"Tumigil ka ah! " Hindi na mapigil ang paglaki ng pigil na ngiti ni Vander. 

Naningkit ang Mata ni Makulet na lalaki habang nakatingin sa lalaki nakaupo sa may bench malapit sa guard house, hawak ng mga kamay nito ang 14inches by 7 na Tupperware (Lol na measure nya?) Tatawa-tawa ito habang bumubulong. 

Pambihira, hindi lang pala bakla ang lalaking yun Baliw pa! 

Pinagpag nya ang pwetan at naupo sa damuhan,  may klase sya after 20minutes kaso hindi sya nakagawa ng assignment kaya mag.aabang sya ng malalate na klasmate para kumopya. 

"Dumating na kaya si Babaeng PG?"

Oo PG as in Pamatay Ganda... Jowk Patay Gutom grabi hinila sya nito kahapon sa canteen para magpalibre, at yun tatlong araw na allowance nya ang nadali. 

"Uy!  Si PG! " sabik na sabi nya pagkakita na papasok ito ng gate.  Agad syang tumayo at tumakbo papunta rito. 

"Oh, andyan na sya! "  napatalon ang pwet ni Vander sa upuan ng makitang naglalakad na papunta sa kanya si Chammy. 

Kinagat nya ang ibabang labi, napapalunok sya at parang biglang inatake ng asthma ng ramdam nyang parang kinakapos ang kanyang hininga! 

"Salubungin mo!  Ano ba!  Salubungin mo para kabog ang kilig drama! " ito na naman ang pakialamerong Anino kung maka utos parang Mayordoma ni Mayor. 

SHUT UP AND BE MY BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon