Pagkauwian nagtungo muna ako ng locker room para maglagay ng ilang gamit sa locker ko. Kinakabahan ako dahil baka nandoon na naman si Cloud.
Who knows? Baka ginawa na rin niyang official tulugan niya ang locker room ng school namin.
Nakakabagabag lang dahil hindi pa daw ako bayad sa kasalanan ko sa kanya. Hanggang ngayon nga iniisip ko kung anong klaseng paniningil pa ang gagawin niya sa'kin na hindi makatarungan.
I did not intentionally hit him with that can tapos parang ang laki ng kasalanan ko? He's damn impossible. Kung hindi lang ako takot sa kanya dahil sa balitang gang leader siya, baka nasampal ko na siya sa ginawa niya sa pagnakaw niya ng first kiss ko kanina.
Damn first kiss. Inaamin ko, maraming nangarap ng halik na yun. Maraming may gusto sa kanya dito sa school namin na pinangarap mahalikan niya despite his image. Kaya nga ginising siya noon ng leader ng cheer leading squad. She was hoping na hahalikan siya ni Cloud pag ginawa niya iyon. Cloud's signature line spreads over the campus kaya pamilyar ang marami sa linya niyang masama siyang gisingin dahil itotorture niya o hahalikan niya.
Hindi ko lang talaga inexpect na hahalikan niya pala ako. I thought he would torture me just like what he did to that cheerleader and to the others. Pero hindi ko naman pinangarap o ginusto ang mahalikan niya. I'm not one of his fangirls.
Nang nasa locker room na ako, nakahinga ako ng maluwang. Wala akong nakitang Cloud at may iilan din studyante rito ngayon kaya hindi rin ako nangangamba sa kaligtasan ko. At least kung may mangyari, may mga witness.
Mabilis kong binuksan ang locker ko. Agad nangunot ang noo ko pagkabukas ko nito.
Again? Mukhang napapadalas na ito. Ilang linggo na rin akong may makikitang tigtatatlong pirasong mga rosas sa loob ng locker ko kada bukas ko nito sa hapon. I wonder who's doing this.
Natigilan naman ako nang maalala ko na binigyan ako ng Kevin na yun kanina ng rosas na hindi ko tinanggap.
Hindi kaya sa kanya ito nanggaling? Tama ngang tinatapon ko ang mga rosas na nakikita ko sa locker ko.
I find these roses creepy at masama ang pakiramdam ko sa kung sino mang tao ang nagbibigay nito, kaya simula noon palagi kong tinatapon ang mga ito. At iniisip ko pa lang ngayon na baka ay mula ito kay Kevin, mas gusto ko lalo itong itapon. Hindi lang basta itapon, kundi pagpirapirasuhin din.
Agad kong hinanap ang basurahan at walang anu-ano'y sinira ang mga petals ng mga ito at marahas na itinapon sa kung saan ito nararapat. I'm starting to hate the roses.
Inilagay ko na ang ilan kong gamit sa locker at agad umalis.
Habang papalabas ako ng school building may biglang humarang sa daan ko.
What the hell?!
"Glad to catch you, Cath," ngising sabi ni Kevin. Kumulo agad ang dugo ko sa kanya.
"Umalis ka sa dadaanan ko." Tinaasan ko siya ng kilay. Ngisi pa lang ng gago, halatang ang hambog.
"Alam mo ba'ng pinahiya mo ako kanina sa tropa ko? Ikaw lang ang babaeng gumawa sa'kin nun." Now he sounded mad. Wala akong pakialam sa kanya.
"Simply because I don't like you. Kaya tigilan mo ako, at umalis ka sa harapan ko dahil sinasayang mo ang oras ko," inis na sabi ko sa kanya. Lalampasan ko na siya nang bigla niya akong binuhat. Shit!
"Ibaba mo ako! Damn you!" Ngumisi lang siya. Ngising may masamang binabalak!
Nagsimula na akong kabahan dahil tila wala man lang nakakita sa'min.
"Ibaba mo ako!" Kinalmot ko ang mukha niya.
"Fuck!" Nabitawan niya ako dahil sa lakas ng kalmot ko sa mukha niya. I scratched his face. Napangiwi naman ako dahil ang sakit ng balakang ko dahil bumagsak ako sa semento.
![](https://img.wattpad.com/cover/25209654-288-k542988.jpg)
BINABASA MO ANG
Captured By The Sleeping Prince
Teen Fiction"Masama ako pag ginigising mula sa mahimbing na tulog. It's either I will torture you, or I will kiss you.." ~ Cloud Ricafort