Chapter 24

1.7K 74 9
                                    

Pagkapasok namin ng rest house, nakaabang na pala sa may pinto si Cloud.

Buong akala ko sasalubungin niya ako ng galit at pagseselos niya pero bagkus ay niyakap niya ako ng sobrang higpit.

"How are you feeling? Ano ang masakit sa'yo, baby? Should I take you to the hospital?" sunud-sunod niyang tanong habang hinahaplos ang pisngi ko. Bakas ang labis na pag-aalala sa kanyang mukha.

"I'm okay, Cloud.." I said. Sinipat naman niya kung may galos ba ako sa katawan. At gaya ng inasahan ko, malulutong na mura ang kumawala sa bibig ni Cloud nang makita ang ilang galos at ng medyo pamamaga ng paa ko.

"Fvck! They'll regret this day. Lay, you know what to do." Nagtatagis na naman ang mga bagang ni Cloud. Ano pa ba'ng aasahan ko?

"Of course," ngising tugon ni Lay sa kanya. Tila may binabalak silang masama.

"Cloud, kung ano ang balak niyo, huwag niyo nang gawin. Okay naman na ako."

"Damn no, hindi ko mapapatawad ang ginawa ng hayop na yun. This is the third time that he tried to abduct you. Hindi na pwedeng maulit ang kabaliwan niya. I must terminate his presence." Sa mukha at tuno ng salita ni Cloud, seems like there's no stopping him. Hindi mabuti at tutol ako sa anong nasa isip ko na gagawin nila.

"Papatayin niyo siya, Cloud?!" hindi makapaniwalang tanong ko. Iyon kasi ang iniisip ko na gagawin nila. Hindi ko kailanman gugustuhin ang patayin si Kevin. To kill is a fvckin' mortal sin!

Natigilan ako sa pag-iisip nang mas hapitin ako ni Cloud palapit sa kanya at matamis na nginitian. Damn smile. Nawala lahat sa isip ko at natutulala na lang ako sa kanya.

"Easy, baby. Nag-isip ka naman agad ng ganyan. You know, I'll just teach him a lesson he won't ever forget. A lesson that would fear him to mess up with us. Do you trust me?" malambing niyang tanong.

"Y-yeah," wala sa sariling sagot ko. His smile is mesmerizing.

"Pinuno, masyado nang napapatulala si Caithness sa'yo. Bawas-bawasan mo daw ang pagpapacute mo," rinig kong sabi ni Pao bago sila nagtawanan ng iba pa naming malokong tagapanuod.

Sinamaan sila ng tingin ni Cloud habang umiinit naman ang pisngi ko sa hiya. Bakit ba kasi hindi ko maiwasang matulala kay Cloud? Bakit ba kasi napakagwapo niya at pag naglambing siya para akong natutunaw?

"Let's go, baby. Maraming isturbo sa'tin," matabang niyang sabi at walang babalang binuhat ako at naglakad palayo sa mga kasama namin. Ang bilis ng mga hakbang niya.

Nasa may hagdanan na kami papunta sa taas nang naalala ko ang mga sugat niya sa mga braso at kamay.

"Wait, your wounds! Ibaba mo ako. Hindi pa ganun kagaling iyang mga sugat mo sa braso, Cloud!" Hindi talaga siya marunong mag-ingat ng sarili niya. Napakapasaway.

"Don't mind me, baby. Mas importanteng hindi mapwersa ang paa mo. It's damn swelling." Kunut na kunot ang noo niya. He looks so worried and frustrated.

Pero paano naman ang kalagayan niya? Kung hindi okay ang paa ko, hindi rin naman ganap na magaling ang mga braso at kamay niya.

"P-pero kas--"

"I said, don't mind me." Natikom ko na lang ang bibig ko. Damn Cloud. Pinutol niya ako ng halik sa labi. Nakaisa na naman siya sa'kin.

"Wait. S-saan mo pala ako dadalhin?" Iba na naman ang pakiramdam ko. May duda na ako kung saan niya ako dadalhin at kinakabahan na naman ako. Baka saan na naman mauwi ito.

"In my room," walang gatol niyang sagot na ikinaawang ng bibig ko. Sabi na eh!

"What? No!" agad kong tutol.

Captured By The Sleeping PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon