Chapter 4

2.8K 123 0
                                    

"Bakit mo'ko pinapasuot nito?" kunot-noong tanong ko kay Cloud nang abutan niya ako ng isang magandang dress.

Tamad niya akong tiningnan. "Just wear it and stop asking," sabi niya sabay higa sa couch.

Halos mapasabunot ako sa buhok ko. Ano ba talagang binabalak ng lalaking 'to? Dinala niya ako dito sa condo niya. Halos maiyak ako sa naisip kong dahilan ng pagdala niya rito sa'kin. Buti na lang at wala naman siyang ginawa sa'kin except for handing me this dress na gusto niyang suotin ko.

"What now, Caithness?" humihikab na tanong niya na tamad na nakatingin sa'kin habang nakahiga siya. Pansin ko ang pagtawag niya sa pangalan ko. Paano niya ako nakilala? I'm confused pero mas pinili kong huwag nang magtanong sa kanya.

"Ayoko. We're not friends and I don't trust you. Hindi ko susuotin ito," pagmamatigas ko sa kanya.

Lumamig ang tingin niya sa'kin and I shivered. "Susuotin mo ba o hindi ka na makakalabas dito ng---"

"Fine!" sigaw ko bago siya makatapos sa sasabihin niya. Kung hindi lang ako takot sa kanya baka nasuntok ko na siya sa mukha.

Hindi na ako naghintay na magsalita siya ulit. Nagtungo ako sa itinuro niyang kwarto niya para magpalit ng dress. Sinipat ko ang sarili ko sa full length mirror niya. In fairness, magaling siya tumingin ng magandang damit kahit mukhang pakikipag basag-ulo lang ang alam niya.

Lumabas agad ako ng kwarto niya at naabutan ko siya na natutulog na sa couch. Naiiling na lang ako. Bakit ba napakamaantukin ng isang 'to? Tapos pag nagising mo paparusahan ka. Ganun ba kaganda palagi ang panaginip niya at ayaw niyang maputol? Hindi ko talaga mawari kung anong klaseng saltik meron 'to sa utak.

Umupo ako sa harap niya. Dahil natutulog siya, malaya akong napagmamasdan ang mukha niya. He's undeniably very handsome at ilang beses ko na ba itong nasabi? Ang amo ng mukha niya. Kala mo anghel na natutulog eh. Pero pag gising, my God. Parang sinasapian madalas ng masamang elemento. He's intimidating and dangerous. How I hate this guy.

Iniisip ko, ano nga ba ang tinutukoy niyang malaki kong kasalanan sa kanya, and why did he say that my existence is killing him? Isa itong malalaking katanungan sa'kin lalo pa't hindi ko naman siya kilala ng personal. At itong pagdala niya sa'kin dito ngayon, is this still a part of my punishment?

Kung ganun man, kailangan kong tumakas. Hindi dapat ako manatili rito at pakatitigan lang ang kakisigan ng gang leader na 'to.

Tumayo na ako. Kukunin kong pagkakataon ang mahimbing niyang tulog para makaalis.

Maingat akong naglakad papunta sa pinto palabas hanggang sa nasa tapat na ako nito.

Akmang bubuksan ko na ang pinto nang marahas akong higitin mula sa aking likuran. Napatili ako. Shit! Nagising siya!

"You were trying to escape huh?" malamig na sabi niya habang mariin akong hinahapit sa baywang ko. Nagsisimula na naman akong kabahan sa matatalim na mga titig niya.

"O-of course not.. Sisilip lang naman sana ako sa labas. Akala ko kasi may kumatok.." Lihim akong napamura sa alibi na naisip ko.

"Liar. Alam kong balak mo akong takasan," tiim-bagang na sabi niya.

"N-no! Hindi ganun yun. Nagkakamali ka," paninindigan ko. I won't admit it!

"Fvckng defensive," sabi niya bago ako marahas na pinangko at literal na itinapon paupo sa couch niya. Napaimpit ako dahil sa pagkabigla. Napakagat-labi ako at nagsimula na namang magtuluan ang mga luha ko. Natatakot ako sa ginagawa niya.. Damn.. I'm feel so weak.

"Fvck! Stop crying!" matigas niyang sabi sa'kin habang kinukulong ako sa pagitan ng mga braso niya. Galit na galit na naman ang mga mata niyang nakatuon sa'kin.

"P-pano?! Natatakot ako sa'yo!" sigaw ko habang humahagulhol. Natigilan siya sa'kin. His expression became soft.

"Just don't run away from me, Caithness," seryuso niyang sabi. "But I still have to punish you for trying to escape."

"A-again?" nahihirapang tanong ko sa pagitan ng paghikbi.

"Don't worry.. It's just a kiss.." he said while staring at my lips.

Hindi na ako nabigla nang lumapat agad ang mga labi niya sa'kin. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko at nanlalambot ako lalo. May parte ng utak ko na gusto siyang itulak palayo pero mas lamang ang parte na nagsasabi na hayaan ang mga labi niya at damhin ito. Nakakalabo ng isip ang mga halik niya.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong tugunin ang halik ni Cloud. Rinig kong napamura siya sa pagitan ng halikan namin at kasunod nun ang paglalim ng mga ginagawad niyang halik.

Oh God.. I can't stop him.. I also can't stop myself from responding to his kisses. Lunud na lunod na ako. Hindi ako makaahon..

Naramdaman ko na lang na umangat ang katawan ko sa ire habang abala kami sa paghahalikan. Hanggang sa naramdaman ko ang paglapat ng katawan ko sa malambot na kama.

Bigla akong naalarma at natauhan nang naramdaman kong gumapang ang isa niyang kamay sa hita ko. Napamulat ako ng mga mata.

"C-Cloud!" singhap ko nang saglit akong makalaya sa halik niya. Nagsimula ko na rin siyang itulak palayo sa katawan ko. This is wrong! I should've not given in to this man! He's a bad guy! He's a goddamn heartless gangster!

"Fvck, what?!" pasinghal na tanong niya nang tuluyan na siyang tumigil sa paghalik sa'kin. Napasinghap ako dahil siya pa ang may ganang magalit eh ako ang pinagsasamantalahan niya rito!

Hindi napigilan ang sarili ko na paliparin ang isang malakas sampal sa mukha niya.

"What the fvck!" sigaw niya sa lakas ng sampal ko. Nag-iigting ang mga panga niya at masamang nakatitig sa'kin.

Napahahulhol ulit ako ng iyak dahil para na naman siyang papatay ng tao and I'm still lying on his bed and a prisoner of his arms for goddamn sake! Ang tanga tanga ko talaga! I should've not slapped him. Hindi ko napigilan ang sarili ko.

"After enjoying my kiss you slapped me and act like I molested you?" mapanganib niyang sabi sa'kin.

Hindi na ako nakapagsalita. Kung bakit ba kasi ang tanga kong nagpadala sa kanya at hinayaang halikan ako? Para rin akong nagbigay ng motibo but heck! He just corrupted me kaya nadala ako sa kanya! 

Paano ko na siya matatakasan ngayon kung ni katiting wala akong kalaban-laban sa kanya?

Mariin na lang akong napapikit para hintayin ang ano mang gagawin niya sa'kin sa pagsampal ko sa kanya. Wala rin namang silbi kong manlaban at magpumiglas ako. I'm just a weak girl compared to this gangster.

"Fix yourself, may pupuntahan pa tayo," malamig na sabi niya bago ko naramdaman ang pag-alis niya sa ibabaw ko. Doon pa lang ako napamulat ng mata.

"But we're not yet done. That slap has a corresponding punishment, Caithness," sabi pa niya bago ako tuluyang tinalikuran at iniwan sa kwarto niya.

God.. Bakit ba ako nasuong sa sitwasyong ito? Kung alam ko lang na magsisimula itong kalbaryo ko dahil sa aksidente kong pagpatid ng can ng softdrinks na tumama at nagpagising sa kanya, sana pala hindi na lang ako pumunta sa locker room ng umagang yun!

My life now is a total disaster. I can't imagine myself after all of this.

___

Captured By The Sleeping PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon