Chapter 11

2.5K 109 2
                                    

"Cloud, naman! Kailangan ko ba talagang kumandong sa'yo para lang pumayag kang gamutin ang pasa mo?" Pinaningkitan ko ng mata ang lalaking nakangisi ngayon sa'kin. Gumaan lang loob ko sa kanya pinaglalaruan na niya ako.

"Just sit on my lap, baby, and do your job." Lalo lang lumapad ang ngisi niya. Nakakainis siya.

"Ayoko nga! Huwag ka ngang manyak dyan!" Inirapan ko siya.

"The fvck? I just want you to sit on my lap while you're curing my bruise. Manyak agad ako? What, baby?" He's really teasing me. Damn.

"F-fine.. Kung hindi lang malaki ang utang na loob ko sa'yo hindi talaga kita gagamutin dahil dyan sa kalokohan mo," sabi ko habang kunut na kunot ang noo ko.

He chuckled at plinantsa gamit ng mga hinlalaki niya ang nakakunot kong noo.

"Stop frowning, baby. You're too hot," natatawang sabi niya.

Lalo yatang kumunot ang noo ko. "Ano'ng too hot? Andyan ka na naman ang kamanyakan mo."

Lalo siyang natawa. "The heck? What I mean, masyadong mainit ang ulo mo."

"Tse. Palusot mo bulok. D'yan ka na nga." Akmang tatalikuran ko siya pero pinigilan niya ako.

"Fine, fine. Sorry for teasing you, okay?"

Hinapit niya ako sa beywang ko at siya na mismo ang nagpaupo sa'kin sa lap niya. Wala na naman akong nagawa.

"Gamutin mo na ako, baby.." Damn. Kailangan ba talagang ganyan kalambing ang boses niya? Kinikilabutan talaga ako sa lalaking 'to.

Sinimulan ko na ang paggamot sa pasa niya sa gilid ng labi niya. Maliit lang naman kaya sandali lang tong gamutin. Gustung-gusto ko nang tumayo!

Hindi ako makatingin sa kanya habang ginagamot ko ang sugat niya. Naiilang ako dahil ang lapit lapit ng mukha namin sa isa't-isa. Pilit niyang hinuhuli ang mga mata ko but no. I won't look at his sinfully playful eyes.

"Look at me, baby. Why avoiding my gazes?" No way. Hindi ako titingin. Hindi.

"Shut up, Cloud," iritadong sabi ko habang dinidiin ang bulak na may gamot sa pasa niya.

"Fine.. You want me to shut up?"

"Yes, please."

"Then kiss me to shut me up.." His voice became husky. Oh God.. He's too much.

Natigil ko ang ginagawa ko at nabitawan ko ang bulak na hawak ko. "Cloud!" inis na bigkas ko sa pangalan niya.

Akmang tatayo ako sa inis ko sa kapilyuhan niya pero mas hinigpitan niya ang pagkakayakap niya sa beywang ko.

"You're so beautiful.. Damn. I'm so drown, baby."

Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko. Damn sleeping prince. Damn.

And you're so handsome, Cloud. Gusto ko yung sabihin sa kanya kahit inis na inis ako sa kanya.

"Can I kiss you?" tanong niya habang palipat-lipat ang tingin sa mata ko at sa labi ko.

Inilingan ko siya. Baka madala na naman ako. "Itutuloy ko na ang paggamot sa pasa mo," sabi ko. Lalo akong nailang sa mga titig niya na sobrang lagkit.

"There's a better way to cure it, baby." Kumindat pa siya sa'kin.

Napaangat ang kilay ko. "What way?"

"This," ngising sabi niya. Hindi ko napaghandaan ang biglaan niyang paghuli sa mga labi ko at masuyo akong hinalikan. Shit Cloud. Now I know what gang he leads. He's no doubt a leader of salisi gang.

Captured By The Sleeping PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon