Chapter 16

2.2K 87 13
                                    

"B-bakit narito kayo?" taka at halong gulat na tanong ko sa mga nadatnan ko sa sala ng mansion nina Cloud. Pinasabi kasi ni Cloud na dito muna ako dumeretso bago pumasok sa school at sila ang mga nadatnan ko.

Ngumisi ang dalawang bisita sa'kin habang prenteng naka de quatro sa couch. Kung nung huli naming pagkikita ay mukha silang maaangas na badboy, ngayon naman mukha silang mga good boys sa ayos nila. Pormal sila tingnan ngayon. Naka long-sleeves pulo sila, black pants at nakaleather shoes pa. Mas gwapo pala sila pag ganyan ang ayos. Si Cloud kaya, ano kaya ang itsura niya pag pormal ang ayos niya? Siguro ang gwapo niya. God. Ano ba itong iniisip ko?

"Well, it's the leader's order. We're here to guard and keep an eye on you while he's still sick," sabi ni Lay na ikinagulat ko. Seriously? Kailangan pa ba niya akong pasamahan at pabantayan sa mga kaibigan niya? Nakakahiya sa totoo lang. Ano ako, bata?

"Tuwing nalulumpo 'yang si pinuno dahil sa pagiging broken-hearted sa'yo, kami palagi ang nagiging tagapagbantay mo. Ang kaibahan lang ngayon, hindi na namin kailangang magtago mula sa'yo," pahayag naman ni Pao na mas ikinagulat ko.

Nanlaki ang mga mata ko. "Y-you mean.."

"Uhuh. This ain't the first time na babantayan ka namin. Actually maraming beses na. Our leader is damn obsessed with you, Caithness, na minsan dahilan ng marahas na pagwawala niya at pananakit sa sarili. At dahil kami ang pinakapinagkakatiwalaan niya sa lahat ng myembro ng organisasyon namin, kami palagi nagiging proxy niya bilang taga protekta mo noon," sabi pa ni Pao.

"Pero kung noon kami pa lang ni Pao ang katulong niya, ngayon ang buong organisasyon na, since you have his imprint, that star tattoo on your shoulder. Only one person can have that imprint, Caithness. At sadyang inilaan iyan ni pinuno para sa'yo. Once you have an imprint from our leader, it signifies that it's the whole organization's duty to protect you no matter what. You should thank him. He loves you that much," seryusong pahayag naman ni Lay.

"P-pero bakit? Bakit ba ganyan na lang katindi ang pagpoprotekta ni Cloud sa'kin? Is it still because of Kevin? Hindi naman siguro lingid sa inyong kaalaman ang tungkol sa kanya, hindi ba?" I'm so confused. As far as I know, kay Kevin lang ako nanganganib.

"Oh, yes. We know that stupid bastard. Kilala namin lahat ng kaaway maging karibal ni Cloud sa'yo," ngising sabi ni Pao na hindi ko na ikinagulat. "But in this case hindi lang dahil kay Kevin kaya pinoprotektahan ka ni Cloud na ngayon ay umabot na sa puntong tinatakan ka na niya ng simbolo niya. There's a deeper reason behind his protektion na siya lang ang pwedeng sumagot sa'yo." Lalo lang nadaragdagan ang mga tanong sa isip ko.

"A-anong---"

"Just like what I've said, siya lang ang pwedeng sumagot," pagputol ni Pao sa sana'y tanong ko.

May narinig nga ako sa usapan nilang magkaibigan nung huling pumunta sila dito sa mansyon na hindi ko maintindihan. Tanda ko pa noon gaano kaseryuso si Cloud sa pakikiusap sa kanila na tulungan siyang protektahan ako. Gaano ba kaseryuso ang bagay na ito? Masama na talaga ang pakiramdam ko hinggil dito.

Natahimik na lamang ako. Ang tanging magagawa ko na lang ay ang maghintay na masagot ang mga tanong at pagtataka sa isip ko.

"So let's go?" pag-aya ni Lay.

"Paano naman ang pasok niyo kung babantayan niyo ako?" tanong ko.

"We have a way, Caithness. Hindi naman namin kailangang samahan ka kung saan ka pupunta buong araw. We can easily find out if you're in fear and distress or even when you're just angry or excited about something," sagot ni Lay.

"P-paano? I don't understand," kunot-noong tanong ko. Ni isa sa mga sinasabi nila wala akong maintindihan. Tila ba ang dami kong hindi alam tungkol sa paligid ko lalo na sa mga taong kaharap ko.

Captured By The Sleeping PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon