Chapter 29

1.6K 65 15
                                    

"Papa.. Sorry po kung buong buhay ko kinamuhian ko kayo. Buong buhay ko inakala ko na iniwan niyo kami ni mama habang pinagbubuntis niya pa ako. Papa, sana nabigyan man lang ako ng pagkakataon makasama kayo.." Patuloy sa pag-agos ang mga luha ko habang kinakausap ang cremated body ni papa na nasa isang marmol na lalagyan.

Nasa tabi ko lang si mama na tahimik na umiiyak. Nasa likod lang din namin si Cloud na tahimik lang. Kanina ko pa kinakausap si papa. Napakabigat sa puso na huli na ang lahat upang makasama siya.

"Papa, kung sakaling totoo man ang reincarnation at mabuhay akong muli sa ibang katauhan, gusto ko kayo parin ang magiging papa ko. At sana sa panahong yun, magkakasama na tayo," ngiting sabi ko. "At syempre gusto ko rin na si mama parin ang mama ko." Nilingon ko si mama sa tabi ko at nakangiti rin ito sa'kin.

"Maraming salamat papa dahil buong buhay mo prenotektahan at minahal mo kami ni mama sa kabila ng kawalan ng inyong presensya lalo na sa tabi ko. Salamat po sa pagmamahal niyo. Mahal na mahal ko rin po kayo, papa. Mahal na mahal ko kayo ni mama.."

Niyakap ako ni mama ng mahigpit at sabay naming niyakap ang litrato ni papa na tila may buhay na nakangiti sa'min. Sa pagpikit ko, ramdam ko na naging buong pamilya kaming tatlo sa kabila ng lahat.

---

Matapos naming lumabas sa pribadong silid ng mansyon na kinariroonan ng labi ni papa, kahit papaano ay gumaan na ang dibdib ko.

Inihatid muna namin si mama sa kwarto niya upang makapagpahinga. Nagpaiwan muna ako sa kanya dahil gusto ko pa siyang makausap. Nakahiga ako ngayon sa kandungan ni mama habang sinusuklay niya ang buhok ko.

"Mama, sobrang saya ko po na nandito na kayo at kasama ko na," nakangiti kong saad.

"Mas higit akong masaya, anak, lalo na't magaan na ang loob ko. Akala ko kasi kamumuhian mo ako.." She gets teary.

Mariin akong umiling. "Naiintindihan ko na naman po kung bakit niyo ako kinailangang iwan kay Tita. Ang importante magkasama na tayo."

"Thank you, anak. Mahal na mahal kita.." She kissed my forehead. Naiyak ako sa saya. I've been longing for her kiss and her sweet I love you's.

"I love you too, mama.." It feels so good to have her by my side. Hindi ko inakala na darating ang araw na makakasama ko siya.

Marami kaming pinagkwentuhan ni Mama at napunta nga ito kay Cloud.

"Are you and Cloud close, mama? Do you also treat him as your son just like how papa treated him?" Medyo nakaramdam ako ng selos kay Cloud. He's been with papa for long, and he's been with mama for 2 years now. Isa sa mga inamin ni Cloud sa'kin nung dumating ako rito sa mansyon ay yung nagkakilala silang dalawa ni mama ng personal sa araw ng libing ni papa. Sa ibang lugar daw kasi itinago ni papa si mama, pero hindi naman taliwas sa kaalaman niya ang tungkol kay mama.

"I tried to be a mother to him pero masyado siyang mailap sa'kin. He once told me that he wants to have a formal relationship with me, since he has feelings for you. He was so blunt with his special love for you, anak. Then he told me na ayaw niyang ituring ko siyang parang tunay na anak dahil kapag dumating daw ang araw na magkakasama tayong tatlo, baka lumabas na magkapatid kayo. And he doesn't want that. Kaya naman hindi ko masabi kung close ba kami ng batang 'yan. Hindi ko nga halos makita 'yan. Ngayon na nga lang siya bumisita dito matapos ang tatlong buwan. Pero nung huli naming pagkikita ipinangako niya sa'kin na sa pagbalik niya kasama ka na niya, and he fulfilled that promise. I'm so thankful to that boy. God knows how thankful I am to him." Napaiyak si mama and I know it's because of overwhelming happiness.

Kung gaano kasaya si mama ganun din ako. At kung gaano siyang nagpapasalamat kay Cloud, ganun din ako. Thank you, Cloud. Balang araw, masusuklian ko rin ang ginawa mo para sa pamilya namin, para sa'kin.

Captured By The Sleeping PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon