"Bitiwan mo'ko, Cloud! Ano ba?!" Bumubuhos parin ang mga luha ko sa inis ko sa kanya. Panay ang lingon ko sa kinaroroonan ni Clinton na ngayon ay nagwawala para masundan kami ni Cloud.
"Bitiwan niyo ako! Fvck you, Ricafort! Pakawalan mo si Caithness!" galit na sigaw ni Clinton habang nagpupumiglas sa mga studyanting pumipigil sa kanyang sumugod sa'min.
"Pakawalan ka? Then what? He'll own you? Great.." Halos mangatal ako sa lamig ng boses ni Cloud. It's cold and dangerous.
"C-Cloud, sumusubra ka na! Hindi mo dapat sinaktan si Clinton. He's my friend!" At sana maintindihan niya yun!
"Fvck that friendship! You should stop meeting him." Nagtatagis ang bagang niya.
"W-what? No! You can't be serious!" Hindi niya pinansin ang sinabi ko at nagpatuloy lang sa paghila sa'kin. Kahit anong gawin kong pagpupumiglas walang nangyayari.
Nasa amin ang tingin ng mga studyanteng nadaraanan namin at nagbubulungan sila. Alam kong magugulo na ang buhay studyante ko matapos ang araw na 'to. Damn you, Cloud! You put me into this mess!
Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Wala na akong magawa ng isakay niya ako sa kotse niya at pinaharurot iyon sa kung saan. Abut-abot ang kaba ko dahil sa dilim ng mukha ni Cloud. Sa itsura niya ngayon kayang-kaya niya akong saktan. He looks so dangerous. Ito ang ugali niya na kinakatakutan ko. He's scaring me.
He's scaring me again just like before.
Hindi ko mapigilang humikbi ng humikbi.
"Fvck! Stop crying! Fvck it!" he blurted that startled and fear me even more.
"T-tinatakot mo ako, C-Cloud.. Tiatakot mo na naman ako.. A-akala ko mahal mo'ko? T-then why are you doing this to me again?" umiiyak na sumbat ko sa kanya.
Napalingon siya sa'kin at tila nabigla siya at natauhan. His raging eyes soften. Mabilis niyang ipinarada ang sasakyan niya sa gilid.
His hands are trembling as he cupped my face. "I'm sorry, baby.. I'm sorry.." His expression is full of guilt.
Mariin niya akong hinalikan sa noo at niyakap while I'm still crying. Halong takot, sakit at inis ang nararamdaman ko.
"I'm just so jealous. My jealousy is killing me, baby. Until now I'm still fighting for your love. Can you blame me? Up until now hindi mo ako magawang mahalin...and that's because of him," saad niya na puno ng lungkot at sakit. Tila kinurot ang puso ko sa sinabi niya, pero nakakainis parin ang ginawa niya. At bakit niya sinisisi si Clinton kung bakit di ko siya magawang mahalin? Clinton has nothing to do with it. Talagang hindi ko lang makapa hanggang sa ngayon kung ano nga ba ang nararamdaman ko para sa kanya. I've never been in love kaya mahirap sa'kin na maintindihan ang pakiramdam na yun.
Hinarap ko siya at sinalubong ang mga mata niya. Puno iyon ng iba't-ibang emosyon para sa'kin.
"I love you, Caithness," he said while wiping my tears and looking straight to my eyes. I know that. I feel that. Malinaw naman sa'kin ang pagmamahal niya, pero kung gaano kalinaw yun, ganun din talaga kalabo sa'kin kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para sa kanya. I still need more time to weigh my feelings.
He showed me his ring. Yung singsing na tila simbulo ng organisasyon nila na siyang ginamit niyang pambukas sa lagusan ng hideout nila noong dinala niya ako roon. Yung singsing na meron din ang mga kaigan niya.
"This ring can do a lot of wonders. Technology is really something nowadays. This ring helps me in my every move. But this doesn't just help me. There are times that this ring brings me pain. Just like now. It's bringing me pain. I could've avoided it without wearing this." Napatitig din ako sa singsing. My mind was filled with confusion. Why does it bring him pain?

BINABASA MO ANG
Captured By The Sleeping Prince
Teen Fiction"Masama ako pag ginigising mula sa mahimbing na tulog. It's either I will torture you, or I will kiss you.." ~ Cloud Ricafort