Chapter 19

1.9K 76 17
                                    

A/N: Recently nanood ako ng K-Drama titled Queen for Seven Days, and one of its OST really touches my heart and even made it as my ringtone. Just wanna share the song to you. Just play the video at the top. Hehe. Anyways, happy reading. ❤

__________

Naghihintay si Clinton sa'kin. Ano ang gagawin ko? Mananatili ba ako kay Cloud o iiwan ko siya at pupuntahan si Clinton?

Nalilito na ako.. Cloud needs me because of his condition, but Clinton is waiting for me. At ayokong magduda siya bakit natatagalan ako rito sa locker room.

"Aw.." Biglang napadaing si Cloud at napabitaw sa pagkakayakap niya sa'kin.

"Cloud.." Agad akong napalingon sa kanya. Hawak niya ang kamay niya habang napapangiwi. Isinarado ko agad ang locker ko at hinila siya palabas ng locker room at dinala sa likurang bahagi ng building upang walang makakita sa'min. Gagamutin ko muna ang sugat niya. Hindi ko pala kayang iwan siya sa ganitong sitwasyon. Pero aalis din ako. Kailangan ko paring balikan si Clinton.

"Naiinis talaga ako sa'yo, Cloud. Pinapahirapan mo'ko." Halos pabulong na lang ang huli kong sinabi. Kasalukuyan kong ginagamot ang kanyang mga sugat.

Wala akong narinig na salita mula sa kanya, nanatiling nasa ibang direksyon ang tingin niya.

"Umuwi ka na pagkatapos nitong pagagamot ko sa sugat mo. I'm sorry, Cloud. But I have to go after this. Please.. Don't try stopping me," I said to him straight forward.

Mapait siyang ngumiti. "So I was waiting for nothing," malaming niyang sabi at walang pasabing tumayo. Hindi pa ako tapos sa paggamot ko sa kamay niya.

"W-wait, Cloud. Hindi pa ako tapo---"

"No need. Pumunta ka na sa kanya. You're choosing him, aren't you?" Tumalikod siya sa'kin nang hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

Nagtuluan na lang ang mga luha ko habang nakatanaw sa kanyang papalayu, pero pinahid ko ito agad.

Rinig ko ang pagring ng telepono niya. Sinagot niya ito at pagkatapos marahil ng sinabi ng nasa kabilang linya niya, bigla na lamang siyang lumingon sa'kin. May halong pagkabigla, pag-aalala at takot ang nakikita ko sa mga mata niya habang nakatingin sa'kin.

Akala ko lalapitan niya ako pero agad siyang umalis. Bakit ganun ang reaction niya? Bakit tila may takot akong nakita sa mga mata niya?

Pumawala ako ng malalim na buntong-hininga. Huwag ko na dapat isipin ang nakita ko. Tama.

Iniligpit ko na lamang ang aid kit ko at mabilis akong bumalik sa locker room upang ibalik ito.

"Caithness? Where have you been?" alalang tanong ni Clinton na naka-abang na pala sa'kin.

Kumapa ako ng isasagot sa kanya. "A-ah.. Kasi may studyanteng nasugatan kaya tinulungan ko muna. Pasensya na, Clinton. Napaghintay kita.."

"I see. Akala ko ano nang nangyari sa'yo.." Hinaplos niya ang mukha ko.

"Ano ka ba, Clinton. Bakit mo naman naisip iyan? Ang negative mo," naiiling na sabi ko sa kanya.

"Malay ko, may umaaligid na palang mapanganib na tao sa bestfriend ko. You know your beauty can put you in danger. Maaaring marami ang gusto kang maangkin. Please be careful, princess.." seryusong saad ni Clinton.

Bigla na lamang akong kinilabutan sa sinabi niya. Naalala ko bigla si Kevin. He wanted to own me. At si Cloud..

Bukod sa kanila, maaari kayang may iba pang gustong makuha ako?

"Ikaw talaga, Clinton. Ang layo na ng inabot ng isip mo. Hindi naman ako ganun kaganda para pagka-interesan ng iba," kunyari natatawang sabi ko upang ikubli ang totoong nararamdaman ko, ang takot at pangamba.

Captured By The Sleeping PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon