Chapter 14

2.3K 95 6
                                    

Katatapos lang naming mag-agahan ni Cloud. Hindi namin kasabay ang lolo niya dahil umalis daw ito kasama ang business partner nito.

"Cloud, pwede bang huwag na lang tayong magsabay papuntang school bukas?" I asked him nang papalabas na kami ng dining room. Kung kailangang magmakaawa at lumuhod ako gagawin ko magbago lang ang isip niyang magsabay kami.

I can't imagine myself being the center of attention dahil kasabay kong pumasok ang isang Cloud Ricafort na sobrang sikat sa campus. Him with a nobody like me? Ayokong gumulo ang tahimik kong buhay sa school.

Besides, baka magtampo si Clinton sa'kin. I lied to him. I denied that I associate with Cloud. Ayokong sumama ang loob niya sa'kin.

"Why?" malamig niyang tanong.

"Ayokong nasa akin ang atensyon, Cloud.." Napayuko ako. Actually hindi lang yun ang rason.

"That's all or perhaps there's someone you don't want to see us together?" May nahihimigan akong selos sa malamig niyang boses.

Damn. Marahil ay alam niya rin ang tungkol kay Clinton. He knows everything about me, right?

"Yeah.. Isa rin 'yan," I answered him honestly. Kahit naman itanggi ko alam kong yun parin ang iisipin niya.

"Then it's final. Sabay tayong papasok," seryusong sabi niya bago ako tinalikuran.

"B-but.." Sinundan ko siya.

"No buts. Whether you like it or not sabay tayong papasok. Now go to your room." Patuloy siya sa paglalakad habang nakasunod ako.

"Cloud, huwag ka namang ganyan. Please, understand me. Besides, baka ano'ng isipin nila tungkol sa'tin." Naiiyak na ako. Hindi ko kasi talaga gusto ang idea niya. Sumasakit ang ulo ko.

Tumigil siya sa paglalakad. "So what? I don't care of what they'll think about us. After all, you're mine," malamig niya paring sabi. Nanatili siyang nakatalikod sa'kin.

"No, ayoko na may mali silang isipin tungkol sa'tin, Cloud, lalo na si Clinton. Please--- Cloud!" Hindi ko natuloy ang sinasabi ko at napasigaw ako nang bigla niya akong hinila at marahas na isinandal sa isang haligi sa malapit. Nag-iigting ang mga panga niya at ito na naman ang matalim niyang mga titig.

"Fvck! Why are you so fond of hurting me?!" he blurted angrily. Parang mananakit siya sa itsura niya pero hindi na ako dapat magpatinag.

"Cloud, we're not in a relationship. Siguro nga ay namarkahan at nalawayan mo na ako but that doesn't change the fact that we have nothing," palaban kong tugon sa kanya.

"Damn it! Then be my girlfriend," tiim-bagang niyang saad na ikina-pagting ng tenga ko. What the hell?!

"No! Cloud, please, let me through!" Ano siya? Ganun lang kadali lahat? Ganun kabilis? Ilang araw pa lang kaming nagkakilala. At ang dami ko pang tanong sa pagkatao niya, ang dami ko pang doubts. Higit sa lahat hindi ko pa alam ang nararamdaman ko sa kanya. Hindi niya dapat ako minamadali ng ganito!

"No.." iling niya. Pinagtutulak ko siya sa inis ko sa kanya. Here we go again. Bumabalik na naman ang kagaguhan niya sa'kin. Ilang oras lang ba siya naging 'nice' sa'kin gaya ng pinangako niya?

Niyakap niya ako ng sobrang higpit. Shit. Balak niya bang durugin ang mga buto ko?

"I'm jealous, baby.. Fvck! Do you love him?"

I know that it's Clinton he's pertaining to, and yes, I love my bestfriend. He's like a real brother to me. At kung may binabalak man itong si Cloud na masama sa bestfriend ko dahil sa selos niya, hinding-hindi ko siya mapapatawad.

Captured By The Sleeping PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon