Chapter 30

1.5K 55 11
                                    

"Sayang wala pala rito si lolo."

Medyo malungkot ako pag-uwi namin sa mansyon ni lolo dahil nasa ibang bansa umano ito at may pinuntahang business conference. Sa susunod na linggo pa siya uuwi. Excited pa naman sana akong makita ang lolo ko.

"That old man is often busy. He's seldom around in this house. But I'm quite sure he'll be back sooner, since he already knew you're here. C'mon, magpahinga ka muna. Medyo malayo rin ang binyahe natin." Inihatid niya ako sa kwarto ko raw.

Naisip ko rin si mama. Naiwan siya dun sa mansyon ni papa. Gusto ko isama siya sa'min ni Cloud, but she refused. I promised to visit her and papa as often as possible. Kung hindi lang dahil sa pag-aaral ko, I would have stayed with her longer.

"Thank you so much, Cloud. Salamat sa pagsagot sa mga tanong na bumagabag sa'kin simula nung nakilala kita. Ngayon ay malinaw na sa'kin bakit bigla ka na lang sumulpot at ginulo ang buhay ko. You came to my life for a reason," ngiting sabi ko. Hindi ko alam kung maaasara ba siya o mafaflatter sa sinabi ko.

He poker faced. "Ginulo ko talaga ang buhay mo huh. Tss." Sabi ko na eh yun talagang sinabi kong yun ang mapapansin niya. Napailing na lamang ako.

"But you're welcome again, baby. Now stop your thank you's. Naka-ilang thank you ka na ba sa'kin simula kaninang umaga. Starting now I'm only accepting kisses as thank you," he said at adyan na naman ang pilyo niyang ngisi. Cloud and his sickness. I just rolled my eyes at him.

"Whatever, Cloud. You know, I'm neither letting you kiss me nor going to kiss you for a week. Bahala ka diyan." Pagtataray ko sa kanya bago siya tinalikuhan. Akala niya nakalimutan ko yung ginawa niyang kabulastugan sa'kin dun sa kabilang mansyon kahapon? Hiyang-hiya kaya ako nun! Pero hindi ko yun kasalanan. He was at fault. He corrupted my innocence kaya nangyari yung sa kitchen!

"Hey, baby! What did you just say?! You can't be serious!" Hinuli niya ako at pinihit paharap sa kanya. Nagsasalubong ang kilay niya at tila hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. May malalang iritasyon sa gwapo niyang mukha.

"You heard it and I mean it." Inirapan ko siya bago tinalikuran ulit.

"So that's why after that morning, buong araw kang nakadikit kay Tita Katelyn hanggang kagabi sa kwarto ka niya natulog. You were avoiding me?" Umaagapay na siya ngayon sa mabilis kong paglakad.

I paused and faced him. Gusto ko siyang sabunutan sa sinabi niya sa totoo lang! Sarap guluhin lalo niyang magulo na niyang buhok. "Of course that was not the reason why I was with mama all day yesterday. Gusto ko lang makasama si mama at sulitin ang oras na kasama siya lalo pa't hindi siya pumayag na sumama sa'tin dito ngayon. Besides, why would I avoid you? Kahit naman iwasan kita di naman ako nagtatagumpay."

Ayokong mauwi 'to sa away naming dalawa kaya pinakalma ko na lang ang boses ko kahit ngali-ngali akong sabunutan ang ulap na 'to. Inulap na naman ang utak niya.

"Good that you know that. Yes, baby. You cannot avoid me, same as you cannot stop me if I want to kiss you," mapaglarong saad niya bago ako biglang hinapit sa beywang.

Napasinghap ako sa sinabi biglang paghapit nito sa kanya. Napaka talaga nito!

Akmang huhulihin niya ang mga labi ko pero hindi ko siya hinayaan.

"Ahhhh!" I squealed as loud as I can. Napabitaw siya sa beywang ko.

"Fvck! How did you shout as loud as that? You just ruined my eardrums, baby!" Napangiwi siya habang hawak ang tenga niya. Buti nga!

"Magpapahinga na ako. At huwag mo akong iistorbuhin. Understand?" mataray ko paring saad bago siya iniwan. Buti na lang at hindi niya na ako sinundan pero rinig ko ang mga bulong niyang mura. May atraso parin siya sa'kin kaya manigas siya.

Captured By The Sleeping PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon