Hindi parin mawaglit sa isip ko ang sinabi ni Cloud kahapon. It brought me into deep confusion.
Dahil sa malalim kong pag-iisip, hindi ko namalayan na papunta na sa'kin ang bola ng volleyball at natamaan ako sa ulo. Napayaka ako.
"Are you okay, Caithness?" tanong ng mga teammates ko. I'm a member of our school's volleyball team for women. Bago pa lang ako sa team.
"You're spacing out, Caithness. Are you okay?" tanong ni coach.
Napabuntung-hininga ako. "Can I take a break, coach?" tanong ko.
"Sure," sagot nito kaya agad akong umalis sa court at pumunta sa bench para uminom ng tubig ko.
"I told you, dapat sa cheer leading squad ka sumali. Mas bagay ka dun."
Agad lumapad ang ngiti ko sa nagsalita. It's Clinton, my bestfriend.
"I don't want to be one of those bees, Clinton. Ang aarte ng buong squad na yun." Natawa na lang siya sa sagot ko.
"By the way, I heard a rumor," seryusong pag-iiba niya ng usapan.
I frowned at him. "What rumor?"
"That you and Cloud Ricafort are dating inside the campus."
"What the hell?!" malakas na bulalas ko. Saan nila nasagap ang huwad na bilitang iyan?
"Gaano ka hindi totoo yun?" natatawang tanong niya.
Natawa ako sa tanong niya. Tama ang tanong ni Clinton. "Kasing hindi totoo na darating ang araw na magiging puti ang uwak, Clinton," sagot ko sa tanong niya.
"Talaga ha? Pero bakit may sabi-sabing may mga nakakita raw sa inyong dalawa habang buhat ka ni Cloud papunta sa likurang bahagi ng campus?" This time, seryuso na ang mukha ni Clinton habang nakatitig sa'kin at hinihintay ang sagot ko. Natigilan ako.
Should I tell him what happened? Nag-aalala ako. Baka sugurin niya si Cloud pag sinabi ko sa kanya ang tungkol dun. My bestfriend is over protective with me. Kahit isang Cloud Ricafort pa yun, siguradong susugod siya. At ayoko ng idea na yun. Baka mapahamak si Clinton.
"Chismis lang yun, Clinton. Walang katotohanan yun. Why would I associate with that rumored gang leader to begin with?" I hope he's convinced with my response.
"You're lying, Caithness. Tell me, may ginawa ba siya sa'yo?" Alam kong di na ako titigilan ni Clinton pero hindi ko sasabihin.
"Wala. Hindi totoo yung kumakalat na tsismis, Clinton. Hindi ko nakasalamuha o nakasama ang lalaking yun." Sa akin na lang ang lahat.
"Fine." Pumawala siya ng isang buntung-hininga. He cupped my face and look straight to my eyes. "Basta tatandaan mo na andito lang ako para sa'yo. Tell me kung may nanakit sa'yo. Kahit sino pa 'yan, hindi ako magdadalawang isip na turuan ng liksyon. Understand? No one can ever hurt my princess.."
Napangiti ako kay Clinton. He's always this sweet to me. Hindi ko naman binibigyan ng malisya ang pagiging ganito niya sa'kin, bagkus ay naaappreciate ko ito ng lubos. He's not just a bestfriend, but also a big brother to me.
"Thank you, Clinton.."
Ngumiti siya sa'kin at hinalikan ako sa noo. I'm damn lucky to have him as my bestfriend.
Napalingon kami ni Clinton nang marinig naming tumikhim ang ilan sa mga kasamahan ko sa volleyball team. Oh God. Bakit ngayon ko lang naalala na nasa court pa pala kami? They saw us. Baka iba naman isipin nila sa'ming dalawa ni Clinton.
Matapos ang practice, mabilis akong nagpalit ng damit dahil naghihintay sa'kin si Clinton. Ihahatid daw niya ako pauwi. Ayos na rin yun dahil kinakabahan ako pag nag-iisa akong naglalakad. What if I cross path with Cloud again? Natatakot ako baka may gawin na naman siya sa'kin.

BINABASA MO ANG
Captured By The Sleeping Prince
Novela Juvenil"Masama ako pag ginigising mula sa mahimbing na tulog. It's either I will torture you, or I will kiss you.." ~ Cloud Ricafort