Chapter 8

2.5K 102 7
                                    

Kasalukuyan akong nakahiga sa loob ng kwartong namulatan ko kanina sa mansyon ng mga Ricafort. Sabi ni Cloud kwarto ko daw ito pero hindi ko ito ikinatutuwa. I'm not going to live in this mansion.

Hindi natuloy ang masamang balak ni Cloud na iuwi ako sa condo niya dahil pinigilan kami ng lolo niya. Pumayag na itong magstay dito sa mansyon nila si Cloud. Nakahinga ako ng maluwang kahit papaano.

Siguradong hinahanap na ako ni tita Helga simula pa kanina. Baka pagagalitan ako nun. Pero ang mas dapat kong isipin ay kung paano ako makakauwi. Mukhang seryuso kasi si Cloud na yun na ibahay ako. Kinikilabutan ako pag naiisip ko yun.

Pero may bagay ngayon na mas nangingibabaw sa isip ko. His smile.. Damn. Para akong nakuryente sa ngiti niya kanina. Pati yung sinabi niyang nasasabik umano siyang makita ang ngiti ko. Like what the hell was that? Halos kiligin ako sa mga trip niya sa'kin. But still a big no to that sleeping prince.

Tinangay na ako ng antok matapos ang ilang sandali ng pag-iisip pero naalimungatan ako nang may tila naririnig akong bumubulong sa'kin. At parang may kung anong nakapulupot sa katawan ko.

"Baby.. Baby.. You're as beautiful as an angel. Fvck.. You're so adorable.."

"I promise to protect you always.. I promise to be good for you, baby.."

Ano ba itong naririnig ko? Nananaginip ba ako? Sino ang bumubulong? Bakit ang lambing ng boses niya? Ang sarap sa pandinig.. Para akong kinikiliti sa mga bulong niya..

"But I still have to punish you for what you've done to my fvckin heart.."

Ano daw? Bakit tila pinagbabantaan niya naman ako?

Oh my God. Isa lang ang naiisip kong mahilig magbanta sa'kin. Hindi kaya siya si...

Bigla akong napamulat ng mga mata ko.

"Caithness.. Baby.."

Halos mapasigaw ako dahil namulatan ko ang mukha ni Cloud na gahibla na lang ang layo mula sa'kin. Hindi lang yun, nakayakap siya sa'kin ng mahigpit. Ano'ng ginagawa niya rito sa kwarto?!

"Caithness.." bulong ulit niya sa pangalan ko habang nakapikit. Pinapanaginipan ako ng ulap na 'to?

Tila ang himbing ng tulog niya at akala mo napaka inosenteng anghel pero halimaw pala pag gising.

"I lo---fvck.. You casted a spell on me, baby.. You're so cruel.."

Ano raw? Ano'ng tingin niya sa'kin? Mangkukulam? At ako pa ang malupit ngayon? He's the one who's cruel here. He's damn insane. Tulog pa siya sa lagay na 'yan huh?

"I want your smile, baby.. Just smile for me, baby.."

Oh damn. Nagdidileryo na yata ang lalaking 'to.

Hindi na ako nakatiis at itinulak ko na siya palayo sa'kin. Nalakasan ko ang pagtulak ko sa kanya kaya nahulog siya sa kama.

"What the fvck!" galit na sigaw niya mula sa pagkakalagapak sa sahig.

Hindi ko alam kung matatawa ako o matatakot ako sa hitsura niya. Pero naalala kong masama pala siyang ginigising mula sa kanyang mahimbing na tulog kaya dapat na siguro akong matakot. Shit.

"Bakit katabi kita? Lumabas ka nga, Cloud! Out!"

Parang wala siyang narinig sa sigaw ko. Ang sama ng titig niya sa'kin habang patayo na siya mula sa sahig.

"Why did you do that?" he asked through gritted teeth.

"Ako ang dapat magalit dito! Ano ang ginagawa mo sa tabi ko ha?!" sigaw ko. Hindi dapat ako magpasindak sa mapanganib na anyo niya.

Captured By The Sleeping PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon