Tuluyan akong nahila ni Kevin palayo sa rest house at wala man lang nakakita sa'min. Cloud, asan ka na?
"You're mine, babe.." Paulit-ulit n bulong ni Kevin sa tenga ko na ikinakakulo ng dugo ko. I'm not his! At kahit kailan hindi niya ako magiging pag-aari!
"No! I'm not fvckin yours! Bitawan mo'ko!" Buong pwersa ko siyang kinagat kaya napadaing siya at nabitawan ako. Tumakbo ako sa nanginginig na tuhod. Lumalabo rin ang paningin ko dahil sa mga luha ko.
"Fvck! Habulin niyo siya!" rinig kong mabangis na sigaw ni Kevin.
Kahit hingal na hingal at nanghihina na ako, pilit kong mas pabilisin pa ang pagtakbo. Hindi ko na alam saan ang tinatahak ko basta takbu lamang ako ng takbo. Hinahabol ako ni Kevin at ng mga kasamahan niya na kunti lang ang distansya sa'kin. Nangyari na ito noon. God.. Please.. Sana hindi nila ako mahuli.
Nasigaw ako nang mahablot ako ni Kevin. Lalo nangatal ang katawan ko dahil nakapulopot ngayon ang mga braso niya sa'kin habang nakangisi sa'kin. Napahagulhol ako lalo sa takot.
"Bitawan mo ako, hayop ka! Demonyo ka!" Nagpumiglas ako sa kanya pero hindi ko magawang makawala. I feel so hopeless..
"No, babe. Pinahiram lang naman kita sa kanya. At binabawi na kita ngayon," nakangising sabi niya. Napakawalang-hiya niya! Napakasama niya!
Napasinghap ako ng akmang hahalikan niya ako.
"No! No! Clouuuud!" Nasigaw ko ang pangalan ni Cloud. Hoping he'll come and rescue me.
"Damn! Hindi ka niya matutulungan. Bakit hindi mo na lang tanggapin na sa akin ka na, Caithness!" Kevin blurted through gritted teeth. Ginawa ko lahat upang iiwas ang mukha ko sa kanya. I curse this guy! Curse him!
Bigla na lamang may tumilapon na bato sa ulo ni Kevin na agad niyang ikinatumba. Napasinghap ako sa pagkabigla.
"Fuck!" mura ni Kevin sapo ang ulo niya na duguan.
Napalingon ako sa pinanggalingan ng tumilapon na bato. At mula sa 'di kalayuan nakatayo ang isang binatang lalaki habang may nilalarong isa pang bato sa kamay niya.
"What are you doing to her? Hindi niyo ba alam na para kayong mga asong ulol na humahabol sa kanya?" he said. Napatulala ako sa lalaking ito. Who is he? Hindi ba siya natatakot na tulungan ako?
"Fvck! Huwag kang makialam dito kung sino ka man!" Nanggagalaiti si Kevin habang sapo ang ulo.
"Why wouldn't I? Nakakairita kayong tingnan. Tss." Kalmado lang ang lalaki na nakatingin kina Kevin.
Sinenyasan ni Kevin ang tauhan niya na kunin ako kaya agad akong naalarma. Mabilis akong tumakbo palayo pero bigla akong natisod at napayaka sa lupa. Napadaing ako sa sakit ng paa ko.
Napasigaw at napapikit ako nang akmang hawakan ako ng tauhan ni Kevin. Kasunod nun ang tunog ng isang malakas na suntok at ng pagdaing at tila pagbagsak ng katawan sa lupa.
Napamulat ako at nalaglag ang panga ko dahil sa bilis ng pagpapabagsak ng hindi kilalang lalaki sa mga tauhan ni Kevin na sumugod sa kanya. Pilit paring bumangon ang mga ito at sumugod ulit
Oh God. Tila wala lang sa kanya ang pakikipaglaban sa malalaki at matitipunong tauhan ni Kevin. Ni hindi man lang siya natatamaan ng mga ito kahit sabay-sabay sila sa pagsugod.
Habang abala ang lalaki sa pakikipaglaban sa mga tauhan ni Kevin, napansin ko si Kevin na lumalapit sa'kin. No.. Hindi ko kayang tumayo dahil sa masakit kong paa. But I have to escape. Gumapang ako makalayo lang kay Kevin.
Nakarinig ako ng malakas na pagdaing at nang lumingon ako, nakita ko si Kevin na sapo ang ulo niya. Pinatamaan ulit siya ng lalaki ng bato sa ulo. Bagsak na rin lahat ng tauhan niya at ang iba wala nang malay. Napaawang ang bibig ko sa nakikita ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/25209654-288-k542988.jpg)
BINABASA MO ANG
Captured By The Sleeping Prince
Teen Fiction"Masama ako pag ginigising mula sa mahimbing na tulog. It's either I will torture you, or I will kiss you.." ~ Cloud Ricafort