Chapter 9

2.4K 89 3
                                    

Tahimik lang kami ni Cloud buong byahe. Hindi ko magawang lumingon sa kanya.

How should I react to his confession? Ikatutuwa ko ba na mahal niya ako? Ikatutuwa ko ba na dahil sa pagmamahal niya sa'kin gusto niya akong angkinin?

Bakit niya ako minahal? Ano'ng dahilan? Kailan at paano? Lalo lang akong naguguluhan. He made me believe na may kasalanan ako sa kanya, tapos ngayon sasabihin naman niyang mahal niya ako?

Sana hindi niya na lang ako minahal kung pasasakitan at tatakutin niya lang ako. Nakakatakot siya magmahal.

Nakarating na kami sa babaan papunta sa bahay ng tita ko ilang sandali pa. Hindi na ako nagtaka bakit alam ni Cloud saan ang bahay namin kahit wala naman akong binigay na direksyon. Talagang inalam niya nga yata lahat tungkol sa'kin. Kilala niya nga ang pamilya ko.

"I'll wait for you," seryuso niyang sabi. Hindi ko na sana siya sasagutin at lalabas na lang sana ako ng sasakyan niya pero nakalock pa pala ang pinto. Damn it.

"Tigilan mo na ako, pwede ba?" inis na sabi ko sa kanya.

"You know that I can't," malamig niyang sagot.

"I won't accept your love. So please stop it," mariin kong sabi sa kanya.

"No, I won't stop. I love you, baby. Now that you know my feelings, do you think pakakawalan pa kita? Fvck no. No, baby. You're mine.." halos pabulong niyang sabi habang matiim na makatitig sa akin. Nagbigay ito ng kilabot sa'kin at hindi na naging normal pa ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"Natatakot ako sa pagmamahal mo, Cloud.. Pakiramdam ko sasaktan mo lang ako sa pagmamahal mong 'yan!" I yelled. Hindi ko na naman napigilan ang mga luha ko. How can I handle this man and his heavy words? Masyado na akong nabibigla at natatakot. Nakakapanghina.

Kita ko ang pagkabigla niya sa sinabi ko. Pain is flashing in his eyes but what surprised me is when he tries to smile. Hindi ko inasahan ang pagngiti na naman niya sa'kin. Hindi ko maintindihan pero tila pinipiga ang puso ko sa ngiti niyang hindi umabot sa mga mata niya.

"Nasasabi mo yan 'cause you don't know a single thing yet. One day, you'll understand me. My love won't harm you, baby. It will always protect you. I will always protect you," he said na nagpatulala lang sa'kin.

"Bakit hindi mo na lang ipaintindi sa'kin ang lahat nang alam ko kung ano ang ibig mong sabihin sa lahat ng sinasabi mo? Isa pa, bakit mo ako poprotektahan? You don't have to do that. I can handle myself. Besides, sa'yo lang naman ako nanganganib," lakas loob kong sabi.

"Oh really? Fine, I'll accept that, na nanganganib ka sa'kin. But let me ask you, sa'kin lang ba talaga?"

Natigilan ako. Pumasok agad sa isip ko ang nakangising mukha ni Kevin na agad nagpakulo ng dugo ko. That asshole, isa rin siyang panganib sa'kin. Binalak niya rin akong dukutin kahapon kung 'di lang dumating itong si Cloud. Kung hindi dumating si Cloud, ano kaya ang gagawin ng Kevin na yun sa'kin?

"Have you remembered someone else? Well, I'm really not the threat here, baby. I am even your protector from danger. I am and I will protect you because I love you."

Paniniwalaan ko ba talaga siya? Is he really my protector? Is he really sincere with his love? But what about his threatening words? Dalawang araw pa lang ang lumipas nang una ko siyang nakasalamuha at mula nun karamihan ng naramdaman ko sa kanya ay puro negatibo dahil sa mga ginagawa at sinasabi niya sa'kin. Hindi ko rin alam bakit kilala niya ako.

"Ang rami kong tanong na hindi mo binibigyan ng sagot, Cloud. I barely believe and trust in you."

"I know. For now I can't tell you everything. It's still not the right time. But just trust me, baby," he said and I can see the sincerity in his eyes.

Captured By The Sleeping PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon