Sorry for a very late update. I was in a long hiatus. Maraming salamat sa mga naghintay ng update nito at hindi bumitaw. Sobrang naappreciate ko kayong lahat! ☺️
****
Maagang umalis ng bahay si Cloud. Ginising niya ako kanina at nagpaalam na may kailangan siyang asikasuhin. Medyo nadismaya ako dahil kauuwi niya lang kagabi, pero di ko naman siya maaaring pigilan. I have no right.
Besides, kung anuman ang inaasikaso niya, marahil ay importante talaga iyon.
I heaved a deep sigh.
Can't help but think about him. He makes my heart thumps everytime. He's sweet and sinfully charming kahit maloko at nakakainis. At mahal niya ako. I can't question his love and sincerity.. Ramdam na ramdam ko yun and it thrills me. My lolo and mom trust him. Kahit di sabihin ni lolo, alam kong boto siya kay Cloud para sa'kin. Ganun din si mama.
I realized one thing yesterday.. And that is I'm falling for him. I'm falling for Cloud at di ko na yun mapigilan.
Nagpahatid ako kay manong Peter sa school. Uulan pa yata at nakalimutan ko ang payong ko. Kakarating lang namin sa parking lot nang biglang bumihos ang ulan. 'Di naman ito ganun kalakas siguro kaya ko namang takbuhin papunta sa building namin. Sinipat ko ang relo ko. Malilate na ako!
"Senyorita, umuuulan. May payong ba kayo?" taning ni manong Peter.
"Nakalimutan ko po eh."
"Kukunan ko po kayo ng payong. Uuwi muna ako sandali. Hintayin nyo lang po ako rito."
"Wag na po manong. Okay lang po. Titila rin itong ulan maya-maya. Di rin naman ganun kalakas. Tatakbo na lang po ako papunta sa building namin."
"Naku wag po! Baka magkasakit kayo. Kukuha muna ako ng payong," pagpipilit ni manong Peter.
"No need manong. Umuwi na po kayo. I'll be fine po. Tsaka malilate na rin po ako pag inintay ko pa kayong bumalik. Sige po mauna na ako!" Kinawayan at nginisihan ko si manong Peter bago sumilong sa ulan.
"S-senyorita! 'Wag po kayong magpaulan! Naku po, lagot ako nito kay senyorito," rinig ko pang sabi ni manong. Pasensya na po late na kasi talaga ako!
Basang-basa ako pagdating ko sa building namin. Pano kasi biglang lumakas yung ulan! Pag minamalas ka nga naman talaga. Sobrang ginaw talaga. Good thing, I was able to bring an extra cloth. Natagalan lang ako sa girl's rest room dahil sa daming gumamit. Mga basa rin sila gaya ko. Ang ending late parin ako sa klase. Nakakabwesit!
Nasa kalagitnaan ako ng klase nang tumunog ang cellphone ko.
"Baby, let's meet at the school backyard later at lunch. Let's eat together. I'll cook."
Hindi ko mapigilang mapangiti. Bumabawi ang prinsipe ng mga ulap sa maaga niyang pag-alis kanina. Nireplyan ko siya.
"Okay, ulap"
"See you later, baby. I love you.."
I stopped myself from giggling at baka mapansin ako ng prof namin. Medyo masungit pa naman. Itinago ko muna cellphone ko.
As time pasts bigla na lang sumama pakiramdam ko. Damn it.. Napapadalas ang bahing ko. Bigla na rin akong nagkas sore throat. Mukhang magkakalagnat pa yata ako.
Marahil dahil to sa pagpapaulan ko kanina. I looked for a meds in my bag. Kaso wala. Di rin ako nakapagdala. Why so careless, Caithness?
Natitiis ko naman yung sama ng pakiramdam ko. So it's fine. It's not that alarming. Di ko naman kailangang umuwi. I just need to hydrate myself.
BINABASA MO ANG
Captured By The Sleeping Prince
Teen Fiction"Masama ako pag ginigising mula sa mahimbing na tulog. It's either I will torture you, or I will kiss you.." ~ Cloud Ricafort