Iyak ako ng iyak sa loob ng kwarto ko habang iniimpake ang mga damit ko. Hindi ko alam saan ako pupunta ngayon pero kailangan kong makaalis sa bahay na 'to. Anytime now maaaring darating ang Kevin na yun dito sa bahay.
"Caithness?" tawag ni tita sa'kin habang kumakatok sa pinto ko.
"B-bakit po?" Pilit kong pinakalma ang boses ko sa kabila ng pag-iyak ko. I respected you tita, minahal kita pero bakit mo ito nagawa sa'kin?
Ang sakit sakit na sarili kong tyahin, sarili kong kadugo nagawa akong ibenta sa isang lalaki.
"Huwag kang lalabas ng bahay ngayon. Maaga akong aalis. May outing kami ng mga kumare ko. Bantayan mo ang mga pinsan mo."
"O-opo, tita.." I tried to sound soft sa kabila ng galit na nararamdaman ko para sa kanya.
"Good.. O siya, maghahanda muna ako. Ipaghanda mo ng makakain ang mga pinsan mo okay?"
"Okay po, tita." Narinig ko ang papalayo niyang mga yabag.
Mabilis kong sinilid ang iba ko pang kailangang gamit. Sinamantala ko ang pagkakataon na naghahanda pa si tita sa lakad niya. Siguradong nasa loob siya ng kanyang silid.
Maingat akong lumabas ng kwarto ko bitbit ang mga gamit ko. God.. Saan kaya ako pupunta nito ngayon? Paano ako mabubuhay? Wala akong sapat na ipon. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Pumasok sa isip ko si ang bestfriend kong si Clinton. Siya lang ang naiisip kong maaaring tumulong sa'kin.
Nadatnan ko sa sala ang mga pinsan ko. Akala ko tulog pa sila. Baka magtaka sila sa mga bagahe ko.
"Where are you going, Caithness?" tanong ni Kylie. She's just 8 years old pero ni minsan hindi niya ako tinawag na ate.
"To my friend's house," sagot ko sa kanya. Inangatan niya ako ng kilay. Sumbungera pa naman ang batang ito.
"But mommy told you na huwag kang aalis dahil babatayan mo kami rito while she's away, right? I heard that," sabi pa nito.
"A-ah, nagpaalam naman ako kay tita. Isasama na lang daw niya kayo," pagsisinungaling ko sa pinsan ko.
"Really? We will go with mommy?" excited na tanong ni Karen. Natatagalan na ako. Baka biglang lumabas si tita. Kailangan ko nang maka-alis.
"Y-yeah. O sige na, aalis na ako." Agad kong tinungo ang pintuan.
"She's lying, Karen. Isumbong natin siya kay mommy!" inis na sabi ni Kylie. Ito na nga bang sinasabi ko.
Mas binilisan ko na lang ang lakad ko bago pa ako mahabol ni tita. Ngunit ganun na lang ang panggigilalas ko nang makita ko mula sa 'di kalayuan si Kevin na may kasamang nasa anim na malalaking kalalakihan.
Mabilis akong lumiko sa kabilang daan. Hindi ako sigurado kung hindi ba nila ako nakita. Diyos ko. I hope I can get through them.
Naiiyak akong napapalakad-takbo dahil sa sobrang takot. Sa dating ni Kevin mukhang may masama nga siyang balak sa'kin.
"Caithness!" rinig kong malakas na sigaw ni tita. Paglingon ko sa likuran ko, nakita ko siya at sila Kevin na humahabol sa'kin. Oh God.. Nakita nila ako. Mas binilisan ko ang takbo ko at lumiku-luko ako kung saan para mailigaw sila. Nanghihina ang tuhod ko sa takot.
Paano ito nagagawa sa'kin ni tita? Ano ang nagawa kong mali para ibinta niya ako kay Kevin? I've always been a good niece to her. Hindi ko siya sinuway. Sinunod ko lahat ng utos niya. Akala ko noon sadyang masungit lang talaga siya pero hindi ko naisip na aabot siya sa puntong gagawin niya ito sa'kin.
"I'll be waiting here, baby. Run to me if necessary or just call my name and I'll be coming after you.."
Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Cloud sa'kin kanina. Is he really my protector? Hinihintay niya nga kaya ako ngayon? Baka umalis na siya. Isa pa, kung hinihintay man niya ako, nasa kabilang labasan siya pumarada kanina. Malayo yun mula dito sa tinakbuhan ko para iwasan sila Kevin. Kung tatawagin ko naman siya ngayon darating kaya siya? Impossible. Hindi niya ako maririnig.
BINABASA MO ANG
Captured By The Sleeping Prince
Fiksi Remaja"Masama ako pag ginigising mula sa mahimbing na tulog. It's either I will torture you, or I will kiss you.." ~ Cloud Ricafort