Chapter 5

2.7K 121 4
                                    

Hindi ko halos mailakad ang mga paa ko sa lugar na pinagdalhan ni Cloud sa'kin. Hindi pangkaraniwan ang lugar na ito.

Patungo kami sa underground ng isang gusali na hindi mo aakalaing meron ang gusaling ito. Mula sa isang maliit na storage room na may bumababang parte ng sahig na parang elevator, dumaan kami sa makidtid ang pasilyo na maraming likuan.

Nanatili akong tahimik habang hila niya ako pero sa loob-loob ko gusto ko nang sumigaw at umiyak sa takot.

Hindi niya sinasabi kung bakit niya ako dinala sa tagung-tago at lihim na lugar na ito. Ano ba talaga ang binabalak niya?

Ilang sandali pa dumako kami sa pintuan na tila gawa sa bakal. May isang maliit na tila isang detector screen sa gilid nito. Itinapat ni Cloud doon ang kanyang singsing na ngayon ko lang napansin sa daliri niya. May tila binasa rito ang detector at may click sound na tumunog. Doon na nabuksan ang bakal na pinto.

Nalaglag ang panga ko. Seriously? Akala ko ay sa mga palabas ko lang mapapanood ang ganito ka hightech na pinto. At ano'ng meron sa singsing ni Cloud? Mas lalo akong nahiwagaan sa lugar na ito at sa kanya.

Naramdaman ko ang mas mahigpit na hawak ni Cloud sa kamay ko nang pumasok kami sa pinto.

Dumaan pa kami sa isang pasilyo bago narating ang isang malaking silid na tila isang bar ang set up. Di bababa sa dalawampu ang bilang ng lalaki ang naabutan namin sa loob. Kung pagbabasehan ang porma nila, they look like elite gang members. Halatang galing sila sa mayayamang pamilya and they're all teenagers.

Napatingin silang lahat sa amin na agad kong ikinayuko. May ilan pa sa kanila ang sumisipol.

"C-Cloud.." Nangangatal ang boses kong tawag kay Cloud. Hindi ko magawang i-angat ang tingin ko sa kanila. Pinipigilan ko ang sarili ko na maiyak.

"Don't be afraid. They won't touch my property," sabi niya na ikinasinghap ko. At ano ang ibig niyang sabihin? Na pag-aari niya ako? Kailan pa niya ako inaangking kanya? The hell with this guy?

"Damn. Siya na ba yun, Cloud?" tanong ng isa sa kanila.

"Yeah, and you know all why I brought her here," seryusong sabi ni Cloud sa mga ito.

"She's damn beautiful.. No wonder why you're drowning, dude," nakangising sabi ng lalaking iba tumitig.

"Shut up, Lay," malamig na sabi ni Cloud dun sa lalaki na ikinatawa lang nito.

"For me, imprinting is the highest form of obsession," naiiling na sabi ng isa pang lalaki. Nagpipigil ng tawa ang iba dahil sa sinabi ng lalaki.

"Fvck you, Pao. I just want to protect...ah shit. You know what I mean," sagot ni Cloud dito na kunut na kunot ang noo.

"Oo na, Cloud, 'di ka mabiro. Pero lagot tayo sa mga gurang pag nalaman nila 'to," sabi pa nung nagngangalang Pao.

"Ako nang bahala sa kanila," seryusong sagot ni Cloud habang kunut na kunot ang noo.

Ano ba ang pinag-uusapan nila? Hindi ko sila maintindihan.

"Cloud, ilabas mo na ako dito.. Gusto ko nang umiwi. Baka nag-aalala na ang tita ko sa'kin," mahina kong sabi sa kanya.

"She knows you're not coming home tonight," simpleng sagot niya na ikinalaki ng mata ko. Bakit kung magsalita siya ay tila kilala niya ang tita ko at tila nakausap niya pa ito?

"A-anong pinagsasabi mo?" gulat na tanong ko. "Kilala mo ba ang tita ko? What did you do? Pumunta ka ba sa bahay namin at sinabi yun kay tita?" sunud-sunod kong tanong.

Tiningnan niya lang ako at tila walang pakialam. Wala man lang ba siyang ipapaliwanag? Damn he!

"Let's start," sabi niya sa mga kasamahan niya bago binitawan ang kamay ko. Lalong akong nangatal nang pumunta sa likuran ko si Cloud mahigpit na hinawakan ang beywang ko.

Captured By The Sleeping PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon