It's a new day at papalabas na kami ng rest house ni Cloud sa sandaling ito. Magkahalong kaba at pananabik ang nararamdaman ko dahil sa wakas ay makikilala ko na rin ang aking ama. I'm hoping this time wala nang magiging balakid sa pagtatagpo namin ng papa ko.
"Does she know, Cloud?" rinig kong tanong ni Lay kay Cloud na nagtutulak ng wheelchair ko. Damn yeah. Naka wheelchair ako ngayon dahil masyadong OA itong si Cloud at ayaw akong palakarin. He insisted to carry me pero ako umayaw dahil sa mga sugat niya. Ayaw din naman niya akong ipabuhat sa kahit sino sa mga kaibigan niya kaya ang hantong, sa wheelchair ang bagsak ko.
"Not yet," sagot ni Cloud na makahulugang tumingin kay Lay. Ano ang tinutukoy nila?
Akmang magtatanong ako nang harapin ako ni Cloud. He cupped my face and stares at me. "I'm always here for you, baby. Please get your heart ready. I know that everything won't be easy for you." I can see worry in his eyes. I know..
Hinalikan niya ako sa noo bago kami nagpatuloy sa paglalakad. Napakagat-labi ako dahil sa kabang nararamdaman ko.
Nagpatuloy kami hanggang sa nakarating kami sa gate ng rest house.
Natigilan kaming lahat nang makita namin si Gabriel sa labas at naghihintay. I'm surprised. What is he doing here? At paano niya nalaman na dito kami tumutuloy?
"Caithness," tawag ni Gab sa'kin. Alanganing ngumiti ako sa kanya.
Agad akong napalingon kay Cloud at gaya ng inaasahan masama na naman ang timpla ng mukha niya.
"What are you doing here? How did you know our place?" matigas na tanong nito kay Gabriel. Ang sama na naman ng mga tingin niya. Damn. Please, ayokong may gulong mangyari sa pagitan nila.
"I'm just here to to give her this. And for the latter, I was passing by when I saw the guy from yesterday took her out of that house," sagot ni Gabriel. Nakipagsukatan pa siya ng tingin kay Cloud bago ako hinarap.
Inabot niya sa'kin ang isang nakabalot na sa tingin ko ay isang frame. Tinanggap ko ito kahit pati sa'kin masama na ang tingin ni Cloud. Ayoko rin namang maging insensitive kay Gab. He came all the way here to give me this. Nakakahiya kung hindi ko ito tatanggapin lalo pa't may utang na loob ako sa kanya.
Yes, I'm explaining my side.
"That's one of my valued paintings. Sana maalala mo ako sa pamamagitan niyan," he said with a tiny smile.
Tutugon na sana ako nang biglang itinulak ni Cloud ang wheelchair ko at nilampasan si Gabriel. The hell! Kahit kailan talaga itong si Cloud!
"Hindi kita kakalimutan! Thank you, Gabriel!" Iyon na lamang ang tanging nasabi ko kay Gabriel dahil agad akong ipinasok ni Cloud sa sasakyan niya. Nang lingunin ko ang kinaruruonan ni Gabriel nakita kong paalis na siya. Nahihiya talaga ako sa kanya..
"Cloud, he was the one who saved me from Kevin just to tell you, and you should have not shown him that kind of demeanor." Hindi ko mapigilan ang inis ko sa ginawa niya so I blurted out nang makasakay na siya sa driver's seat.
"Fuck yeah! He was the one who saved you, I fuckin' know that but damn. Kahit pa siya ang nagligtas sa'yo, that doesn't give him a privilege to stare at you the way he did. I hate the way he stares at you, baby," tiim-bagang na saad niya na ikinataka ko.
"He just saved me, Cloud. Ano ba ang pinagasasabi mo? Imbis na puro pagseselos ang atupagin mo, magpasalamat na lang tayo sa kanya. Siguro kung hindi siya dumating, baka binababoy na ako ni Kevin ngayon," malamig kong sabi. I was so frustrated with him to be honest. Hindi na nga niya nagawang protektahan ako kay Kevin, pinakitaan niya pa ng hindi maganda ang taong nagligtas sa'kin.
BINABASA MO ANG
Captured By The Sleeping Prince
Teen Fiction"Masama ako pag ginigising mula sa mahimbing na tulog. It's either I will torture you, or I will kiss you.." ~ Cloud Ricafort