Third Person's POV
"Caithness Lorenzo.. Akalain mo nga naman, isang napakagandang dilag lang pala ang kahinaan ng utak ng Lumière. He might be discreet on hiding his identity from us, pero hindi siya naging maingat sa pagtago ng isang sekreto at kahinaan niya. Now that I know his weakness, madali ko na lang siyang lulumpuin sa pamamagitan nito," ngising saad ng lalaking ngayo'y sumisimsim ng alak sa kanyang kupita at prenteng naka-upo sa couch.
"Pero tila may alam na sila tungkol sa nalalaman natin, Dark Lord. I'm sure pinoprotektahan ng buong organisasyon nila ang babaeng ito," pahayag ng tauhan nito.
Tila wala lamang narinig ang makapangyarihang lalaki. Pinakatitigan nito ang litrato ng dalaga habang may mapanganib na ngisi.
"Just keep an eye on her. Siya ang magiging daan upang malaman natin ang katauhan ng pinuno ng Lumière. And after using her in revealing his identity, maaari na niyang sundan sa kabilang buhay ang walang-hiya niyang ama. Siya ang magiging pangalawang kabayaran sa lahat ng atraso ng Lumière sa akin," saad nito kasunod ang mahinang pagtawa.
"You'll kill her?" tanong ng binatang naroon din sa silid na iyon na kanina pa nakikinig sa usapan ni Dark Lord at ng tauhan nito.
"Why, grandson?" Inihagis nito sa mesa ang litrato ni Caithness.
"Hindi ako sang-ayon sa gusto mo, lolo. Why don't we take her on our side instead? Kung gusto mo talagang gumanti sa Lumière lalo na sa pinuno nito, it'd be better kung nakawin mo ang pinakamahalaga sa kanya. Na nakikita niya ito sa panig ng kalaban," pahayag nito sa abuelo.
"And how would you do that, dear grandson?" interesado nitong tanong sa apo.
Isang pilyong ngisi ang sumilay sa mga labi ng binata habang dinadampot ang litrato ni Caithness. Hinaplos nito ang mukha ni Caithness sa litrato.
"I'll make her mine.."
---
Caithness' POV
Katatapos lang ng klase namin sa hapon. Wala man lang pumasok ni isa sa mga lessons namin buong araw sa utak ko. I'm so preoccupied. Paano ako makakapag-aral ng maayos kung ganito palagi ang isip ko?
Napabuntung-hininga na lang ako ng malalim. May problema pa ako ngayon. I have to find a place to live. Kasya pa naman siguro itong pera ko para pang down payment at advance rental kung sakali makahanap ako ng malilipatan ngayon. Kahit papaano ay malaki naman ang allowance na binibigay noon ni tita sa'kin kaya may naipon din ako kahit papaano.
Buti na lang talaga at nakapag-open ako ng account sa bangko at doon ko dinideposito ang ipon ko kada linggo. Malaking tulong talaga sa'kin lalo na sa ganitong sitwasyon.
Matapos kong ayusin ang mga gamit ko, nagmamadaling lumabas na ako ng classroom. Ilalagay ko pa kasi itong mga libro ko sa locker ko.
Nasurpresa naman ako pagkalabas ko ng classroom. Nasa tapat kasi ng classroom namin si Clinton.
"Clinton!" Agad akong lumapit sa kanya.
"Hi, Caithness. Let's go?" ngiting salubong niya sa'kin.
Oo nga pala! Inaya niya akong lumabas kaninang umaga.
Naku naman.. Nakalimutan ko. Paano na 'to? Kailangan ko pa palang maghanap ng malilipatan ngayon. Nawala kasi sa isip ko kaninang umaga na may mahalaga akong lakad kaya pumayag ako sa aya ni Clinton.
"A-ah.. Kasi, Clinton may kailangan pa pola akong puntahan ngayon. Pasensya na. Pwede ba na bukas na lang tayo lumabas?" Nahihiya ako kay Clinton. Pero kasi mas importante kasing may mahanap akong tirahan ngayon.
BINABASA MO ANG
Captured By The Sleeping Prince
Teen Fiction"Masama ako pag ginigising mula sa mahimbing na tulog. It's either I will torture you, or I will kiss you.." ~ Cloud Ricafort