Chapter 17

2.3K 83 15
                                    

"The last time we checked you were angry base on your heart rate," bungad sa'kin ni Pao nang makabalik ako sa living room.

"But prior to that, your heart was beating erratically pero hindi ka naman takot. It was like you were... In my own interpretation, it was the heartbeat of a person who's in love.." natatawang sabi naman ni Lay. Pawang may nakasalampak na wireless earphones sa mga tenga nilang dalawa. May patingin-tingin pa sila sa mga wrist watches nila.

"You're all weird," inis na sabi ko bago lumabas muli sa sala at nagderi-deretso na palabas ng mansyon. Bakit ko pa ba binalikan ang mga yun doon? I'd rather go to school alone.

Hindi ko na rin dapat pang panapansin ang mga sinasabi nila, pero nakakainis lang dahil tinatamnan nila palagi ng kuryusidad at pagtataka ang isip ko. Ano na naman itong mga sinasabi nila? Bakit may mga heart rate o heartbeat pa silang nalalaman tungkol sa'kin? And what did Lay just say? I'm in love based on my heartbeat? What the hell was that?! He gotta be kidding me.

Buti na lang at kabisado ko na ang daan palabas ng malaking mansyon na ito at hindi na ako naligaw. Pero ganun na lang ang gulat ko nang madatnan ko sa labas sina Lay at Pao na nakaabang na sa'kin. Paano silang nauna sa'kin dito sa labas?

"Oh, I know the look of that pretty face. You're wondering how did we get here first? Well, we know a shortcut." Kumindat pa sa'kin si Lay. Whatever.

"Hindi niyo na ako kailangang samahan. Papasok akong mag-isa," inis sa sabi ko bago dumeretso sa gate. Mag ko-commute na lang ako.

But I froze. Damn. Wala nga pala akong pera. Nasa bag ko yung pera ko at sa pagkakatanda ko, nasa condo pa yun ni Cloud kasama ang uniform ko. Damn. Nakalimutan ko yung kunin kay Cloud. Paano na ako nito makakapuntang school? Andoon din ang nga gamit ko sa school.

"Natigilan ka diyan? We thought you're going to school all by yourself?" sabi ni Lay. Nakangisi ngayon ang dalawa sakin. Nasa harap ko na ang magarang sasakyan ni Lay na walang bubong. Kasunod naman ang magarang sasakyan ni Pao na wala ring bubong. Eh 'di sila na ang may sasakyan na hightech.

"Oo nga!" pagsusungit ko.

"Sumabay ka na lang sa'kin, Caithness. Libre sakay," pasigaw na sabi ni Pao dahil medyo distansya siya sa kinatatayuan ko.

"No, thanks." Inirapan ko siya. Tumawa lang ang loko.

Lumabas ng sasakyan niya si Lay at binuksan ang passenger seat niya.

"What the hell?!" sigaw ko nang bigla niya akong tinulak pasakay sa sasakyan niya.

"Wala ka nang time para magsungit sa'min. We're going," nakangisi niyang saad bago sumakay sa driver's seat at pinaharurot ang sasakyan niya. Kita ko rin sa rearview mirror na sumunod sa'min ang sasakyan ni Pao.

Hindi na lang ako umalma. Sabagay eh wala akong pera pamasahe. Napakalaking abala talaga nitong sitwasyon ko ngayon. Kailangan kong makuha ang pera ko at gamit sa school mula kay Cloud.

"Look at the back seat. If I'm not mistaken you were looking for it." Agad akong lumingon sa back seat and I was surprised. God! Para akong nakakita ng ginto. It's my bag! Agad ko itong kinuha doon.

Pero agad napakunot ang noo ko at naningkit ang mga mata ko kay Lay. Kung ganun nakatago lang ito dito sa sasakyan niya? Bakit hindi niya na lang ito binigay sa'kin kanina nang hindi ko na sana kinailangang makisanay sa kanya paputang school?

"Oh don't give me that look. Ayaw mo pa nun? Nakasave ka ng pamasahe? Hindi ko agad 'yan binigay sa'yo para makasave ka," ngising sabi ni Lay na tila ba nabasa niya ang iniisip ko. Kumindat pa ito sa'kin. Napangiwi ako.

Captured By The Sleeping PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon