A/N: Una sa lahat gusto kong magpasalamat sa inyong lahat na binigyan ng pagkakataon ang storyang ito sa library at reading lists niyo. Sobrang naaappreciate ko po kayong lahat.. Gusto ko rin pong humingi ng pasensya kung marami mang flaws ang story kahit kasisimula pa lang. I'm not the kind of writer who's an expert of this field. I do have a lot of flaws as a writer.
I actually unpublished this part because of a mistake. Minsan po talaga nalilito ako sa setting ng sarili kong kwento. One of my weaknesses is remembering the time or day when the events of the story are happening. So I unpublished and did some edits right away when I noticed a mistake in the time aspect in this chapter. I hope sa kabila ng pagiging hindi ko eksperto sa pagsusulat ay patuloy niyo paring sundan ang storyang ito. Maraming salamat po. :)❤Rain
****
May kumatok sa pinto ng kwartong tinutuluyan ko. Bumangon ako sa kama at pinagbuksan ito. Maybe it's Cloud. Buti na lang at nakapag-ayos na ako ng sarili ko.
Pero 'di gaya ng inaasahan ko, si Mr. Ricafort ang bumungad sa'kin.
"Magandang umaga, hija," ngiting bati nito.
"Magandang umaga rin po," ngiting tugon ko rin.
"Maari mo ba akong samahan sa hardin ngayong umaga?" sabi nito na ikinakislap ng mga mata ko. Kahapon ko pa kasi gustong pumunta dun. Naudlot nga lang dahil napagdesisyunan kong bumalik na lang sa kwarto matapos ng narinig ko ang usapan nina Cloud kahapon. Hanggang sa lumipas ang mga oras at ngayon linggo na.
"Sige po. Gusto ko ring makita ang inyong hardin," tuwang sabi ko.
Nang makarating na kami doon talagang namangha ako. It's so beautiful. Lalo na at napakaganda ng sikat ng araw ngayon.
Dito sa bukana ng hardin iba't-ibang klaseng malalaking bulaklak at ilang puno agad ag bubungad. Para itong paraiso. May man-made river na pumalibot sa bandang gitna ng hardin na pinamumuhayan ng iba't-ibang klaseng makukulay na isda. May tulay ito na siyang daan papunta sa kabilang bahagi ng hardin kung saan nabubuhay ang iba't-ibang klase ng rosas. Sa sentro nito ay isang malaking gazebo na pinalilibutan ng gumagapang na mga bulaklak mula sa bobong nito.
"Lolo, ang ganda rito.." namamangha kong saad.
Kita ko ang saya sa mukha ni Mr. Ricafort habang nakangiti sa'kin. "Salamat, hija. Alam mo ba pinagawa ko itong hardin na ito nang nalaman kong isinilang na ang apo ko? I was so happy that time. Ito'ng hardin ay ginawa ko para sa kanya."
Nakikita ko sa maga mata ni Mr. Ricafort na mahal na mahal niya ang kanyang apong si Cloud dahil talagang pinagawan niya pa ito ng ganito kagandang hardin. Kaso halos mapangiwi naman ako nang maisip kong ayaw na ayaw ni Cloud ang pinagawang ito ng lolo niya. Sa itsura kasi ni Cloud mukhang hindi siya ang tipong mahihilig sa mga bulaklak. Suntukan yata ang hilig nun.
"Mahal na mahal niyo po ang apo niyo no?" ngiting tanong ko.
"Yes, mahal na mahal ko ang apo ko. Gagawin ko lahat para sa kanya." May kislap sa mga mata nitong sagot sa'kin. Cloud is so lucky to have him as his grandfather kaya dapat talaga na magpakabait siya sa lolo niya. Kaso mukhang pati sa lolo niya hindi siya mabait.
"By the way, I'll tell you something about Cloud. Since few weeks ago I've been catching him picking three roses here every afternoon except Saturdays and Sundays. May nagugustuhan daw kasi siyang babae and he was advised by a friend of his na bigyan ng rosas ang gusto niya." Natigilan ako sa sinabi ni Mr. Ricafort. Bigla kasing may idea na pumasok sa isip ko.
Ilang linggo na rin ang nakalipas simula nung may naglalagay ng palihim ng tigtatalong pulang rosas sa loob ng locker ko tuwing hapon. Possible kayang..
BINABASA MO ANG
Captured By The Sleeping Prince
Teen Fiction"Masama ako pag ginigising mula sa mahimbing na tulog. It's either I will torture you, or I will kiss you.." ~ Cloud Ricafort