Chapter 12

2.6K 96 5
                                    

Kakagising ko pa lang at hindi ko alam kung gaano katagal ako nakatulog. Pagtingin ko sa orasan, alas dos na ng hapon. Ang tagal ko palang nakatulog.

Bumangon ako at inayos ang aking sarili. Napaghandaan nga ni Cloud ang pagdala niya sa'kin sa mansion nila. Kompleto sa gamit at damit pambabae ang loob ng malaking closet sa kwarto. The clothes really fit my size. Pati sukat ko alam na alam ni Cloud. Wala akong masabe grabe.

Parang ayoko naman pumili ng isa sa mga damit na narito. Sa itsura pa lang alam ko nang pawang mamahalin. Kaso mukhang wala akong pagpipilian. Nabitawan ko kanina ang bagahi ko sa pagmamadaling takasan ang mga humabol sa'kin at si tita. Sa sasakyan na lang ni Cloud ko napansin na wala na pala sa'kin ang mga gamit ko. Gusto ko sanang balikan pero 'di siya pumayag dahil hindi ko na raw yun kailangan. Kainis talaga.

Nakita ko rin sa closet ang dalawang pares ng bagong nursing uniform namin. Naiiling na lang ako sa kahandaan ni Cloud.

Matapos kong ayusin ang sarili ko lumabas na ako ng kwarto. Abala ako sa pagmamasid ng bawat detalye ng mansyon nila. Tila nasa loob ako ng isang palasyo sa Europe dahil sa grandyusong desinyo nito.

Habang naglalakad ako sa pasilyo, may sumalubong sa aking katiwala.

"Señorita Caithness, nasa sala po si Señorito Cloud at hinihintay kayo. Sasamahan ko na po kayo papunta doon," sabi nito sa'kin.

Napangiwi ako sa tawag ng katiwala sa'kin. Señorita? Hindi bagay sa'kin.

Sumunod ako sa katiwala hanggang sa makarating kami sa sala ng mansion.

Natigilan ako sa may pinto nang makita kong hindi lang si Cloud ang naroon, kundi pati ang apat na iba pang lalaki. As far as I can remember they are members of Cloud's gang na hanggang ngayon 'di ko alam ang tawag. Nandoon sila nung gabing dinala ako ni Cloud sa hideout nila.

"Come here, baby," sabi ni Cloud. Nag-aalangan na lumapit ako sa kanila. Nginitian ako ng mga kaibigan ni Cloud.

These young men, like Cloud matatangkad at kakaiba ang kakisigan nila. Sila ang tipong pagkakaguluhan ng maraming babae. And like Cloud, kita sa porma nila na galing sila sa may kayang mga pamilya. I wonder ano ang rason nila para bumuo ng gang. Ano'ng mapapala nila dun?

"Hi, Caithness!" bati ng isa sa kanila sa'kin na may pagkaway pa.

"You look so beautiful today," sabi naman nung isa pa.

Tandang-tanda ko ang mukha nilang dalawa. Sila kasi yung malakas mang-asar kay Cloud. Sa pagkakatanda ko yung unang bumati sa'kin ay tinawag na Pao ni Cloud kagabi. Itong pumuri naman sa'kin sa pagkakatanda ko ay si Lay.

"She's beautiful everyday, Lay. Not just today," matabang na sabi ni Cloud. Tama nga ako sa pagkakatanda ng pangalan niya.

Tumawa si Lay at tumangu-tango. Mga bolero. Hinila ako ni Cloud paupo sa tabi niya.

"How's your sleep, baby? Have you dreamt of me?" tanong ni Cloud na may lambing pa. At ayan na naman ang mga titig niya na gumugulo sa puso ko.

Rinig ko ang pagsipol ng mga kaibigan niya.

I rolled my eyes at him. "Good no," sagot ko.

"Ouch.. That hurts, Cloud.." pang-aasar ni Lay kay Cloud. Binato ito ni Cloud ng sofa pillow at sinamaan ng tingin. Pikon 'tong si Cloud.

"Magpapakilala muna kami ng pormal sa'yo, Caithness. I'm Layross Reid. But you can call me Lay. As you can see I'm handsome and I'm single," pagpapakilala ni Lay. Tumayo siya at inilahad nito ang kamay sa'kin, marahil ay makikipagkamay. Aabutin ko na sana ito pero tinapal ni Cloud ang kamay ni Lay.

Captured By The Sleeping PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon