Chapter 35

770 32 7
                                    

It's been a while. Namiss ko ito. Sa mga naghihintay parin sa update ko hanggang ngayon, maraming salamat. :)

***

Nasa practice ako ngayon ng volleyball team. Lagatak na pawis ko pero ang saya na nakabalik na ako sa practice. May reprimand at parusa nga lang dahil sa absences ko pero ayos lang. Ganun talaga eh.

"Break muna, team," sabi ng coach namin kaya bumalik muna kami sa bleachers.

"Narinig niyo ba yung nangyari kay Kevin?" tanong ng teammate ko na si Yana sa iba pa naming kasama nang nakaupo na kami sa bleachers.

Natigilan ako nang marinig ko ang pangalan ng demonyong lalaking iyon. Pero ano ba ang nangyari sa kanya?

"Huh? Bakit? Ano raw nangyari?" tanong naman ng iba.

"Grabe raw yung ginawa sa kanya. Ginulpi raw at binalian daw ng buto sa paa kaya hindi siya makakapaglaro sa basketball team ng isang taon. Hindi rin yata siya makakapasok ng matagal," sabi ni Yana.

Nagulat ako sa narinig ko. Kinuha ko ang bottled water sa bag ko at uminom habang pasimpleng pinapakinggan ang usapan nila.

"Sino raw ang may gawa nun kay Kevin?"

"Hindi ko alam eh. Pero sabi ng boyfriend ko na teammate niya, sabi raw ni Kevin na di niya nakilala yung may gawa nun sa kanya."

"Hala talaga ba? Sino kaya mga yun? Grabe wala silang mga puso!"

"Pakiramdam ko malaki galit ng mga yun kay Kevin. Kilala naman natin si Kevin. Mataas ang tingin nun sa sarili lalo na pag nasa laro. Kaya maraming galit sa kanya na taga ibang school. Malay natin taga ibang school pala may gawa nun. Isa sa mga galit sa kanya."

"May point ka riyan, Ella. Possible nga."

Oo at marami ngang galit sa Kevin na taga ibang eskwelahan. Pero sa tingin ko hindi sila yung may gawa nun kay Kevin.

Tila may kutob ako kung sino ang totoong may gawa nun sa kanya. Masamang tao si Kevin pero mali parin ang ginawa sa kanya.

Sana mali ako sa hinala ko na si Cloud at ang mga kaibigan niya ang may gawa nun kay Kevin.

---

Pauwi na ako sa mansion ni lolo. Katatapos lang ng klase ko sa hapon. Himala at hindi nagparamdam buong araw si Cloud. Naiinis ako kasi tila namimiss ko pa ang ulap na yun. Pero bakit kaya hindi yun nagparamdam?

Pagkarating ko sa mansion, agad kong hinanap si lolo Franco ngunit sabi ng katiwala na umalis daw ito at sa makalawa pa uuwi dahil may business conference umano itong dadaluhan. Hindi rin nagtagal at tumawag na rin ang lolo sa'kin upang ipaalam ang lakad niya.

Nalungkot ako bigla. Masyadong busy talaga ang lolo ko. Hindi man lang kami halos magkasama.

Bukod kay lolo, tila wala rin si Cloud dito sa mansyon. Hindi ko siya naririnig sa paligid. Pag nasa mansyon kasi ang isang yun, palagi siyang nakaabang sa'kin at nakapwesto sa sofa malapit sa main door. Nasaan din kaya ang isang yun?

Paakyat na ako sa kwarto ko nang tumunog ang cellphone ko.

Cloud is calling.

"Hello?" sinagot ko agad siya.

"Baby, I miss you. I'm sorry I wasn't able to meet you today. May inasikaso lang ako," sabi ni Cloud sa kabilang linya.

"It's okay. Hindi mo naman ako kailangang katagpuin palagi, Cloud," I told him. Why do I feel frustrated? I hate this feeling.

"But I want to if I just could. Kahit oras-oras pa, baby. I love you.." malambing niyang saad. Damn. Yung frustration ko nawala na lang bigla at 'di ko mapigilang mapangiti.

Captured By The Sleeping PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon