Kung kanina hila-hila ako ni Cloud papasok sa kuta ng gang niya, ngayon naman hila-hila niya ako palabas.
"Bakit mo ako nilagyan ng tattoo huh? Dinumihan mo lang ang balat ko. Ayoko nito!" naiiyak na sigaw ko sa kanya.
"It's permanent. It means you're permanently mine," malamig na sabi niya sa'kin na tila nagpaakyat ng dugo ko sa ulo. Damn he!
"No! Hindi mo ako pag-aari! This damn tattoo doesn't make me yours!" Tuluyan na akong napaiyak.
"It does. In our organization every action is serious and not just some play shit as you think it is," malamig niya paring sabi na nagbigay sa'kin ng kilabot. Mariin akong umiling. Hindi ko tatanggapin ang sinabi niya!
"Wala akong pakialam kung anuman ang sinasabi mong seryuso niyong gawain. I don't care about your 'gang' or organization as what you fvckin call it. I don't want to associate myself with a gang leader like you! I don't want to be owned by you!" Hysterical na ako. Para akong nasa isang bangungot. I can feel danger with this guy despite his deceiving angelic looks.
Natigil siya sa paghila sa'kin dahil sa sinabi ko. Hindi parin siya humaharap sa'kin pero ramdam ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko. Masakit!
"Ano ba, Cloud!" Pilit kong hinila ang kamay ko sa kanya. Pero mabilis ang sumunod na pangyayari. Natagpuan ko na lang ang sarili kong nakasandal sa dingding habang nakakulong sa mga braso niya.
"Fvck! You don't know a single thing!" galit na sigaw niya. Naiigting ang mga panga niya at tumalim ang titig niya. By the looks of his face para niya akong sasaktan, kaya lalo akong napahagulhol.
"You don't know what I've been going through.. Fvck! Kung nahihirapan ka, mas nahihirapan ako. And that's because of you," malamig na sabi niya na lalong gumulo sa sistema ko.
"I-I don't understand you.." May mga sinasabi siya na nagbibigay sa'kin ng takot at pangamba dahil hindi ko siya maintindihan.
Ano ba talaga ang tinutukoy niya? Una, sinabi niyang malaki ang kasalanan ko sa kanya at nagsisimula na siyang maningil.. Ano'ng kasalanan? Damn.. Then he told me that he's dying because of my existence.. Tapos ngayon sinabi niyang hindi ko daw alam ang pinagdadaanan niya at nahihirapan siya ng dahil sa'kin..
Hindi ko na alam ang dapat kong isipin. Ni hindi ko nga siya kilala. Ang alam ko lang maliban sa sikat siya ay kinakatakutan siya sa school namin, at ang usap-usapang gang leader siya. Bukod dun wala na..
"Yes, you don't and you can't understand me. But there's a way for you to find things out, Caithness.. To know everything.."
Natigilan ako sa sinabi niya. "W-what way?" hindi ko mapigilang tanong.
"Trust and love me. Just that simple, baby.." sabi niya na lalong gumulo sa sistema ko.
"Nababaliw ka na!" sigaw ko sa kanya.
"Matagal na," ngising sabi niya. Baliw na nga talaga ang lalaking 'to. Kanina galit na galit siya tapos ngayon nakangisi na naman siya.
"I hate you.."
"Yes, you're mine, baby.." Ang layo ng sagot niya, at ang sakit sa tenga. I said I'm not his! I'm not his fvckin property! Damn it!
"Cloud!" sigaw ko nang bigla niya akong binuhat sa balikat niya na para akong sako. The hell! Sigaw ako ng sigaw habang hinahampas ang likod niya.
"Iuuwi na kita...sa bahay ko." Nagtayuan lahat ng balahibo ko sa sinabi niya.
"What?! No! No!" Lalo akong nagwala pero ang lakas niya para makawala ako. Hindi man lang siya natinag. Hanggang sa makalabas na kami ng gusaling yun.
BINABASA MO ANG
Captured By The Sleeping Prince
Teen Fiction"Masama ako pag ginigising mula sa mahimbing na tulog. It's either I will torture you, or I will kiss you.." ~ Cloud Ricafort