Chapter 33

1.1K 47 1
                                    

"Baby, can you please stop sticking with that old man? Buong umaga na kayong nag-uusap at magkasama. What about me? Fvck. I'm starting to get pissed." Pagdadabog sa'kin ni Cloud nang mahila niya ako palayo kay lolo.

Nagusot ang mukha ko sa inaasta niya ngayon. Pati ba naman si lolo pinaseselosan niya? Nakakainis na naman siya. Alam naman niyang namimiss ko si lolo.

Pero ayokong salubungin ang init ng ulo ng ulap na'to ngayon kaya kinalma ko ang sarili ko.

"I missed him, Cloud. Ito ang unang beses na nagkita kami bilang totoong maglolo. I've been longing to have a grandfather and now that he's here, I just wanna spend time with him. I hope you understand.."

He heaved a deep sigh. "Fine. I'm sorry, baby. Anyway, I'll be going. May klase pa ako in 30 minutes. See you.." Hinalikan niya ako sa noo bago siya naglakad paalis.

Naiwan akong nakatulala habang nakamasid kay Cloud na papalayo. Why do I have this feeling na nagtatampo parin ang mahal na prinsipe?

Ipinaling ko na lamang ang sarili ko at binalikan ko si lolo sa garden. Sabi niya doon daw kami maglalunch dalawa. Grandfather and granddaughter date raw. Today is extra special kasi ito ang unang araw na naging maglolo kami ni Lolo Franco.

---

Matapos naming maglunch at magkwentuhan ni lolo ay nagpaalam na ako sa kanya dahil may klase pa ako by 1 pm.

Napakasaya pa ng mood ko papuntang campus matapos ng bonding namin ni lolo.

But my bright mood was ruined dahil sa nakita ko nang tinatahak ko ang daan papunta ng nursing department building. Hindi ko maintindihan pero bigla na lang nag-init ang ulo ko sa nakikita ko.

It's Cloud talking with our campus' student council president. Kailan pa siya natutong makipag-usap sa ibang tao? Sa buong pamamalagi ko sa campus na 'to, minsan sa minsan ko lang siya makita at kapag nakikita siya ay palagi siyang mag-isa at wala siyang kinakausap dito. Naririnig ko rin sa mga estudyanteng nag-uusap tungkol sa kanya na suplado siya at walang pinapansin. So how come I'm seeing this?

Hindi ako napapansin ni Cloud dahil bahagya siyang nakatalikod sa kinaroroonan ko. Akmang lalapitan ko na sila nang may humawak sa balikat ko.

"Excuse me, miss. May I ask where---Caithness?"

"Gabriel?" Halos sabay kaming tinawag ang pangalan ng isa't-isa. I'm quite surprised to see him here at tila ganun din siya sa'kin.

"Why are you here?" Natutuwa kong tanong sa kanya. Pasimple kong nilingon ang kinaroroonan ni Cloud. Nag-uusap parin sila ng president. They must be friends?

Hinila ko si Gabriel papalayo dahil baka kami naman ang makita ni Cloud at kung ano na naman ang gawin niyang kalokohan. Talagang mababasted ko siya pag nagkataon. 

"Actually, I'm going to transfer here."

"Really?! That's nice to hear." I'm quite surprised.

"So you're studying here?" tanong niya.

"Yeah, and since you're transferring, we'll see each other often. It's nice to see you again, Gab," ngiting sabi ko.

"Likewise. By the way, I'm looking for the registrar's office. Can you give me the direction?" tanong niya.

"I'll accompany you instead. 20 minutes pa naman bago ang klase ko," pagpepresenta ko.

"Thanks." Bahagya siyang ngumiti.

"Gabriel, about last time, sorry ulit ah. Hindi maganda ang pinakita sa'yo ni Cloud." Hiyang-hiya ako sa kanya nun. May utang na loob pa naman ako sa kanya tapos ganun ang pinakita ni Cloud sa kanya.

Captured By The Sleeping PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon