9.

1.3K 27 1
                                    

Hans’ Point-of-View~

Akalain mo yun? Sa dinami-dami ng babae sa mundo kay Ellai pa na-inlove si Deyb? Ang tagal niyang nag-intay tapos sa tomboy lang siya mapupunta? Siguro okay na siya ngayon. Mababawas-bawasan na ang pagiging mayabang niya, at mag ma-mature na siya ngayon. Syempre, para magkagusto sakanya si Ellai. Sigurado, hindi makakapagtiis yun at liligawan niya rin si Ellai. Yun nga lang, di ko alam kung magiging sila. Tomboy si Ellai e, kaya sigurado. Di made-develop yun kay Deyb.

Ako kaya? Kelan ako makakahanap ng babaeng seseryosohin? Si Thalia kasi, masyadong maganda. Pag naging girlfriend ko yun, mapapaaway ako lagi. Sa dami ba naman ng nagkakandarapa sakanya e. Besides,utol siya ng bestfriend ko, pano kung masaktan ko siya? Edi lagot ako kay Deyb?

Hi Guys! I’m Hans Mikael A. Ocampo. I’m 22 years old, college student taking up Music and arts in M.A University. Sabi nila, chickboy ako. Sabi lang nila yun, di naman totoo! Ang best explanation diyan e, mabilis lang talaga ako magsawa.

Kapatid ko si Nathan, yung Number One hater ng Nitrous. Ewan ko ba sa kuya ko? Okay naman si Deyb e. Kahit na, sobrang yabang niya, mabait pa rin naman siya. Pag naging magkaibigan sila, for sure magugustuhan ni Kuya ugali ni Deyb. Sayang nga lang, di sila magkaibigan. (^ ^ v)

“Hans! Pakainin mo na ko? Nagwawala na ‘tong buwaya sa tiyan ko oh!” reklamo ni Kristen.

“Gutom ka na naman Kristen? Kakakain mo palang ah? Di ba nag pizza ka na kanina?” tanong ko.

“Pizza lang? Di pa nga ako kumakain ng kanin e. Please! Pakainin mo na ko.” Pangungulit ni Kristen.

“Osha! Tara na! Kakain ka na!”sumang-ayon nalang ako para manahimik na siya.

Dali-daling lumabas si Kristen. Jusme, bat ba sobrang takaw ng lalaking ‘to? =_=

*Sighhh*

Kristen’s Point-of-View~

Kakain na ako ng Dinner! Sa wakas, hindi kasi ako nabusog sa kinain kong Pizza e. Si Hans kasi, ang kuripot. Di bale, magpapakabusog na lang ako!

Hi! I’m Kristen Lloyd M. Hermano, I’m 20 years old, katulad ng ibang Nitrous. Music and Arts din ang course ko at nagaaral din ako sa M.A University. Lovelife? Syempre meron ako niyan. May girlfriend ako, sobrang dami. Si Carbonara, letson, friend chicken, beef bulgogi, bibimbap,at marami pang iba.

Ako yung tipo ng taong mahilig sa pagkain. Gusto ko kasing tumaba para di na ako habulin ng mga babae, alam ko namang gusto lang nila ako dahil sa Gwapo ako (sabi nila.) atsaka barkada ko yung mga sikat na nilalang rito sa bansa.

Alam ko kasing pag mataba na ako, may isang taong dadating at naniniwala akong siya na ang iniintay kong babae para makatuluyan ko. (^.^)

“Oh! Lamunin mo na lahat ng gusto mo. Hay nako! Nagkaka-Migraine ako sa’yo.” Sabi ni Hans.

Ngumiti lang ako at ayun, lumamon na ako. Magpapatumpik-tumpik pa ba ako? Pagkain na ‘tong lumalapit sakin?

Kain muna ako ah? Wait, yung tungkol kay Belinda... Sabi kasi ni Ate Ellai, inlove daw siya sakin.

Wala akong masabi e. Di ko kasi siya gusto. Secret lang natin yun ah! :’3

Ayaw ko kasi sa babaeng,may gusto sakin. Feeling ko kasi, magiging madali na ang lahat. Atsaka, maganda siya masyado at in-love sakanya si Ate Ellai, kaya mas lalong ayaw ko sakanya.

Yun lang! <”:

Belinda’s Point-of-View~

“Hindi ba pupunta rito sa bahay si Kristen? Dito kasi siya kumakain ng dinner parati e. Sayang naman ‘tong niluto ko.” Sabi ko sa sarili sabay tingin sa relo.

My Lesbian Girlfriend [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon