FINALE

1.2K 13 3
                                    

A/n: Hihi. Salamat po sa mga sumuporta sa MLGF. Salamat po at may nagbasa nito. Sana suportahan niyo rin ang iba ko pang isusulat kapag natapos ko na ito. Sa susunod ko na story, pagbubutihan ko na. :)) Enjoy! UD Na.

Deyb's POV

Sa wakas, alam ko na. Alam ko na kung anong dapat kong gawin. Si Kleo at si Ellai, hindi ko dapat sila pinagsasabay. Si Kleo, nakaraan ko na siya samantalang si Ellai siya na ang nasa kasalukuyan ko. Nagkamali ako, dapat hindi ko siya sinaktan. Alam ko mali ako, sana tanggapin niya pa rin ako.

"O pano ba yan, Oastine! Sana maging masaya ka na!" Nasa airport kami ngayon. Ihahatid na namin si Kleo dahil babalik na siya ng States. Kasama ko ang Nitrous na maghahatid sakanya at masaya naman siyang makitang kumpleto na naman kami.

"Aayusin ko muna ang lahat. Salamat Kleo ha!" niyakap ko ito. Sana maging masaya rin siya.

"Bye guys!" nagpaalam na ito at naglakad na papasok.

Dumiretso kaming lahat sa studio pagkagaling sa airport. Tatambay lang kami, matagal-tagal na rin kasing hindi namin ito nagagawa. Masasaya na ang mga kabanda ko at hindi magtatagal, magiging masaya na rin ako.

"Now tell me, bakit niyo tinulungan si Toux ha?" I asked them. Nagtinginan ang mga ito at tumawa.

"You caught us Deyb. Where's the thrill?" anas ni Hans.

"Fine, oo na. Pumayag kaming makipagtulungan kay Toux para magising ka na. Si Kleo, si Toux at kaming tatlo ang magkakasama rito."

"Ngayon alam na naming kailangan niyo ng magkabalikan ni Ellai, tapos na ang kontrata namin kay Toux."-Ranz

"I know, pero mahihirapan ata ako. Kailangan ko na namang ligawan si Ellai. Alam niyo naman kung gaano kahirap ligawan ang babaeng yun."

"Dati yun, noong tibo pa siya but now babae na siya. Have you seen her? Mukha na siyang prinsesa."-Hans

"She's a princess for me and I love her."

"and she loves you too. Alam mo ba? Gusto niyang mahalin si Toux pero di niya magawa dahil mahal ka niya ng sobra?"-Ranz.

"Make her happy Deyb." sabi naman ni Kristen.

"I will. She suffered enough, she needs rest too."

"Anong plano mo?"

-

Nandito ako ngayon sa harap ng unit ni Ellai. Sa totoo lang hindi ko alam kung ano bang sasabihin ko sakanya. Aish! Bahala na.

Bumukas na ang pinto...

Eto na!

"Hi E-Ell...ai" O_O shet. Tama nga sila Hans. She looks...perfect

"Deyb? Anong ginagawa mo rito? Atsaka, what's with the flowers?" napatingin naman ako sa hawak kong flowers. Doon ko naalala ang pakay ko.

Lumuhod ako sa harap niya. Hindi ko rin alam kung bakit yun ang ginawa ko pero sa tingin ko iyon ang kailangan ngayon.

"Ellai... alam ko I'm an asshole. Na-confuse ako eh."

"Deyb! Tumayo ka jan!"

Pero di ako nakinig sakanya. "Alam ko, ang kapal ng mukha ko para sabihin ito pero, 'balikan mo na ako mahal na mahal kita Ellai. Alam ko hindi ko iyon nasabi sayo kasi naguguluhan ako. Akala ko si Kleo ang mahal ko pero nung nakita kong hawak ka na ng iba, doon ko narealize na sayo lang pala ako."

"Ellai, alam ko hindi ka perpekto pero kahit na ganun, ginawa mo namang perpekto ang buhay ko. Sa sobrang kagaguhan na nagawa ko, nasaktan kita ng sobra. Sana mapatawad mo ako. Sana bigyan mo ako ng chance. Mahal na mahal kita, balikan mo na ako."

My Lesbian Girlfriend [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon