42.

755 11 2
                                    

A/N: Play the media. Please vote! Thaaanks <3 i Dedicate this to @Airamnavs. Masipag siyang magvote. Hi ate! :))))

"People and feelings change... But that doesn't mean that the love once shared wasn't true and real"

Ellai's POV

Dalawang buwan na ang lumilipas at sa loob ng dalawang buwan, masasabi ko naman na nakakarecover na ako.

Masasabi kong bumalik na ang lahat sa dati. Parang yung nangyari saamin ni Deyb, commercial lang. Isang masayang panaginip at ang mga panaginip, alam nating malayo sa katotohanan.

Masaya na rin ang mga kabanda ko. Lahat sila may mga karelasyon na. Si Li-Ae girlfriend na ngayon ni Ranz. Si Kristen masaya na kay Phoebe. Si Hans naging stick to one na dahil napahamal na sakanya si Thalia at si Deyb, nakikita kong mahal na mahal niya nga talaga si Kleo.

Nakapag-usap na kami ni Kleo, humingi ako ng tawad sakanya para sa nagawa kong panggugulo sa relasyon nila ni Deyb. She accepted my apology naman at naging magkaibigan rin kami.

Hindi ko alam kung babae na ba akong talaga o hindi pa. Kapag nakakakita kasi ako ng babaeng pasado sa paningin ko, pakiramdam ko tibo ako pero pagkalipas ng ilang oras makakalimutan ko na rin. Siguro, naninibago pa ako pero kahit ayaw ko man aminin... Babae na ako. Kinain ko ang sinabi ko noon na kahit kailan hindi na ako magiging babae. Inamin ko na rin ang issue ko sa harap ng tao, I told them I was no longer a lesbian and I never regret of being one. Madaming natuwa dahil doon at hindi ko inaasahan na marami palang lalaki ang matagal ng nagiintay saakin na maging babae.

Inamin na rin saakin ni Toux na mahal niya ako. Sinabi ko naman sakanya na hindi ko magagawang suklian ang inaalay niya kasi kahit ayaw ko pang aminin... Mahal ko parin si Deyb. Hindi naman iyon ganun kabilis mawawala... After all, he changed me. I must admit it.

Toux said he's willing to wait for me. Ayoko sana siyang bigyan ng false hopes. Ayokong maranasan niya ang naranasan ko kay Deyb alam kong masakit iyon. Mabait si Toux, he doesn't deserve something like that.

"Elayne. I love you." Naramdaman ko ang paghalik niya sa noo ko. Sa mga inaakto niya, naalala ko si Deyb. Deyb loves kissing my forehead. God! I miss his sweetness.

"Thank you Toux." he grabbed my hand at dumiretso na kami sa studio. May gig ang nitrous mamayang gabi kaya puspusan na naman ang practice namin.

"Ellai tara na." tawag saakin nila Ranz. Napatingin naman ako kay Deyb pero hindi niya ako tinitignan. Busy kasi siya sa kausap niya sa cellphone.

"Yes hun...Magpra-practice lang po...Yes, I love you." i love you...

Ngumiti ako ng mapait at nahalata naman ata ni Toux na nasasaktan ako kaya ginawan niya rin iyon ng paraan.

"I love you Elayne. Always remember that." nginitian ko siya at pumunta na sa sentro kung nasaan ang mic.

"Ellai, boyfriend mo na ba si Toux? Totoo na ba ito?" pagiintriga ni Hans. Hindi ko siya sinagot. Nakapako lang ang tingin ko kay Toux. Kung pwede lang sagutin ko siya kahit hindi ko siya mahal. Why not?

"Tss. damot ni Ellai porke masaya na. Deyb oh!" napatingin naman ako kay Deyb na nakatingin lang saakin.

"Makatingin to. Tara na nga!" sabi ko at nagsimula na kaming magpractice.

-

"NITROUS! NITROUS!"

"do you want more?!" I shout! The crowds roar and it mades our heart swell.

Hinataw na ni Deyb ang e-guitar niya at nagsimula na ang intro... But before I start to sing, bigla nalang umakyat si Toux sa stage... Na ikinabigla ko.

"BRING IT TOUX!" Sigaw ni Hans.

"What the fuck's happening here?" Deyb protested.

Kinuha ni Toux ang mic na hawak ko. What's happening here?

"Ellai... Elayne... or whatever your name is. Alam ko this is not yet the right time but I'm dying to ask you this!" he paused. Naiiyak na ako. I know what he's up to. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sakanya.

"Toux."

"Yieeeee." kinikilig ang audience.

"Toux, ililibre mo kami ng dinner ha?!"- Kristen

Ngumiti si Toux and held my hand. "I Love you Elayne. Alam ko maling madaliin ka, but I want to make you happy. Hayaan mo na sana ako."

"Toux." yun lang ang masabi ko ngayon. Ramdam ko ang maraming mata ang nakapokus saamin ngayon.

"Please, be my girlfriend... Again!" hindi ako nakasagot.

"Toux you know---" he cuts me off. Ibinaba niya ang mic at bumulong saakin... "Alam ko hindi ka pa ready pero tutulungan kitang kalimutan siya. If this set-up doesn't work... let's be friends."

"Please..."

"This is bullshit, Toux! You are wasting our time. GUARD!" sigaw ni Deyb pero walang rumirespunding gwardya.

"Y-yes!" he hugged me. Alam ko malaking tulong ang ginagawa ni Toux. We will try at kapag nagwork we will make it last.

My Lesbian Girlfriend [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon